Sinisimulan ko na magayos ng aking mga papeles de chenes para maging ow-effing-dobo-you na me. Sana swertehin ng bongga. Pero syempre may back up plan, kung hindi man matuloy eh siguradong magreresign parin ako sa putaness na corporate slaving job na itey. Ang daming revisions silang ginagawa, ayun tumaas tuloy ang attrition at ang blood pressure ko. Di nga nagmahal ang kape sa vendo pero kung hindi walang sugar eh wala namang cream. At kung ikaw ang tinamaan ng kamalasan sa araw na yun eh hot water lang ang sa iyo. Oha, oha!
Ang babaw ba? Pero sa totoo lang hindi na me happy, wala ng career growth. Puro weight gain nalang, nasisira tuloy ang aking figure. Charot!
Dahil sa naadik na akong magtravel gusto ko na syang gawing official as in yung tipong yun lang gagawin ko. Mala Andrew Zimmern at Anthony Bourdain ang peg, kagagawan talaga to ng cable TV eh. At sa sadyang ako ay wagas na inggitera, yun ang naging aking back up plan. Gusto ko yung tipong solo backpack chuchu para gorabells lang sa kung saan. Pero magiipon muna me ng maraming maraming anda at lakas ng loob para maisagawa ito.
Sabi ng nanay ko mag asawa na daw ako, pero hindi ako nagpapaniwala sa kanya kasi me pagkabalimbing
Chosera ng nanay ko,kong makahirit parang menor de edad tuloy me.
Ayoko pa mag asawa, ang dami ko pang gustong gawin, ang tayog pa ng mga pangarap ko parang chocolate hills like that.
Wapakels parin ako sa Corona Trial na yan, kahit nga showbiz eh hindi ako updated yan pa kayang mga politicians na pasikat lang ang kaya. Naalibadbaran din ako sa mga custome nilang kurbata. Di kaya nagpapawis na parang waterfalls ang kili-kili nila paglabas ng senate? Ok, again wapakels.
Nagugulumihan ka na ba kung saan patungo ang post na 'to? Ah eh pwede mo nang pindotin yung pulang ekis sa kanang bahagi ng browser.
Wala talagang chain of thought, promise. Kung anong lumabas sa nagjajakol kong utak yun lang isasalitype ko.
Manonood nga pala kami ng Corazon mamaya, nahehexcite na me ng bongga. Ilang araw na rin akong nanaginip ng ka aswangan dahil sa pelikulang yan. Putek! Talagang nagigising akong pawis na pawis kasi pinapanaginipan kong hinahabol ng kung anong maligno.
At dahil sa mapagpatol ako sa kung ano-anong shit, sinubokan ko talaga yang Selecta Magnum na yan. And therefore I conclude para lang syang pinasosyal na pinipig na kemahal-mahal. Sinayang ko talaga ang 50 pieces ko at ang effort na pumunta sa suking tindahan.
Sa araw-araw na ginawa ni Papa Jesas paulit-ulit na talaga ang ginagawa ko, nakakabagot na. May mga gabing kelangan kong hilahin ang sarili ko para magtrabaho. Yung tipong seriously-now-drag-me-to-work na ako.
O cia ayokong magspread ng negativity sa blogasphere, tinakasan na naman ako ng bait papaclassified ads pa 'ko baka sakaling mahanap ko sya.
Ciao!
ung cd mo papadala ko na this week. anyway, sinasabaw din ako ngayon sa blog. bago naman ang vendo samin, nakakatangang gamitin. nag-ofw na din ako minsan. yun lang. random comment din :D
ReplyDeletehahaha, mehel nge eng megnem eys crem. pang high end peoples.
ReplyDeletenaks, magiging oweypdabayu ka na tabians... ipagdasal natin na matuloys :D
oi, pano mag jakol ang utak?
ReplyDeletewow .. balitaan mo ko jan sa ow eyf debelyow thing na yan :)
ReplyDeletepadalhan mo ko ng chocolates ah ..haha
di ko pa natitikman yang magnum craze na yan pero dahil mapagpatol din ako titikman ko din siya .. hehhe
Godbless at ipagdadasal natin na walang maging problema sa pagiging OFW mo :D
Agree ako sa sinabi mo sa Magnum. OK masarap kasi given naman na masarap ang ice cream. Kung super sarap sya para sa ibang tao, fine. But no need to go crazy about it!
ReplyDeletepareho tayo, wala rin akong maisalitype kaya halos dalawang linggong umalingasaw ang baho ng shit sa datnet. kaninang madaling araw lang ako nakapag-update at wala pa ring kwenta. mema lang talaga.
ReplyDeletegusto ko na ring maging ow effin' dobol yu a s fuckin' a p! ang hirap kasi yumaman sa pinas.
at pareho rin tayo sa sentimyento de asukal sa magnum magnum na 'yan. ke-mahal-mahal eh parang pinipig lang naman pala ang lasa. lahat ng ice cream masarap kaya masarap siya; pero OA 'tong mga peeps na papost-post pa sa efbee habang kumakain ng popsicle na 'yan. nung isang araw, habang namimili kami ni dude ng pagkain sa grocery, may nakasabayan kaming ate na pinakyaw 'yung magnum sa store. mga tatlumpung piraso ata ng magnum 'yung binili niya. iniisip ko tuloy kung paubos na ang supply ng lecheng ice cream na 'yan kaya siya nang-ho-hoard or magkakawang-gawa siya at ipapamudmod niya sa mga street children.
nga pala, gusto ko 'yung style mo ng pagkukwento. parang baklang babae lang. hehe.