Tuesday, January 24, 2012

Delayed ako



"Dalawang guhit pala?"

***********************

      Echos lang! Pero delayed talaga ako...delayed ng dalawang post! Pinadaan ko muna ang blogversary ko kasi tinatamad busy lang talaga ako. O cia para masimulan sa pag update. Gumala kami first weekend ng taon. Bininyagan namin ang mga makakating paa, pabwenas para dumami pa ang gala sa buong taon.



"Kaladkarin gang" 
Para lang talaga kaming may sapi pag naka timer ang camera. Pero wag kayong magalala hindi po kami lulong sa ano mang bisyo, normal pa po yan. I swear! And take note pagdating pa lang namin yan ha.



Kumain, uminom, kumain. Yan po ang buhay namin doon sa isla ay meron pa pala, mag explore at mag beach syempre.




Di ko maala mga pangalan ng lugar pero kung gusto nyong malaman saan kami dinala ng aming mga makakating paa paki pindot nalang ITO!

"Me time"
Ito rin ang gusto ko sa pagtatravel, nakakapagisip ako. 

***************************
Sinulog 

"Feast of the St. Niño"
   Nang sumunod na weekend eh Sinulog naman sa aking mahal na Cebu Cidee! Medyo wala akong masyadong kuhang pictures kasi nagkawang gawa ako sa aking isang barkadude. Ako'y naging isang dakilang tindera ng Ice tubig, softdrinks, hotdog at hair color spray.


Diba ang colorful lang? Sing kulay ng rainbow and all!


Maraming walkathon na nangyari. Maraming naging baskil (basang kili-kili), amoy kung ano-ano pero kebs kasi masaya at festive ang mood ng mga madlang people. 


Masaya. Makulay. Madaming tao. 

"Caught in the act"
At nakakagutom! :)

   At yun nga. Konting events here and there, mall show, pictorials at autograph signing. Chos! May sinusubokan akong project ngayon para sa aking beerday. Pero secret na muna. Ayan na update ko na kayo. Sigethanksbye! 


9 comments:

  1. nawindang ako sa title at sa unang picture!!!!! haha! sasabihin ko sanang "babae na pala ang alarm clock ko" hehe! ikaw na! ginulat mo talaga ako! :p

    ReplyDelete
  2. Omaygulay! Nagulat ako sa title, at lalong nagulat sa picture. 2bars. hala! positive! lol..

    Sarap naman ng buhay, daming gala. Nag Sinulog pala kayo. Sayang hindi natuloy ang Dinagyang nyo.. Sama naman ako sa gala, next time. :D

    ReplyDelete
  3. hahaha...akala ko totoo ang nasa titulo ng post.


    ikaw na ang gumala! grrr


    -Kol Me Empi-

    ReplyDelete
  4. pag-uwi ko susubokan kong makasama ka sa galaan...mukhang marami kang alam na pasyalan o bakasyonan. Isa din ako sa nagulat sa title ng post mo, napaisip ako ng ganito "MAY MATRESS PALA SI JULIA?!!!"

    ReplyDelete
  5. ahahaha, ang cute nung elmo, saka pluto. :D

    yung iba, ayaw ma view sa mabagal na net ko

    ReplyDelete
  6. di ko magtuo delayed ka...echura!

    ahahahhahaa...nahan au ko pics ninyo sa camotes. :)

    ReplyDelete
  7. sana maranasan ko din magsinulog...

    bago dito.

    natuwa ako sa pamagat mo sir!:)

    ReplyDelete
  8. pag nadadapa ako sa crib mo para magkamot ng bayag, tabian, lagi ka na lang gala mode. nainggit naman ako bigla. ikaw kasi naisabuhay mo na nang wagas ang dot slogan na it's more fun in the philippines.

    kamuka mo 'yung dati kong ka o-pissed-mate nung nagko-call cenah pa 'ko. hindi kaya ikaw 'yun? XD

    ReplyDelete
  9. so catchy the title ha... nka-abli gud kog blog after 48yrs... hehehe

    ReplyDelete