Tuesday, September 27, 2011

feeding program

   
    Hindi ako umaatras sa tagayan. Kung meron, hala sige lang. May pagkakataon na kung nasa kondisyon eh parang walang nangyayari, ginagawang tubig ang alak. May mga pagkakataon din na lasing kong lasing, yung tipong dalawa na ang kausap mo kahit isa lang at sumasayaw ng kusa ang mga paa mo kahit walang tugtog at kahit nakaupo ka lang. May iba na natutulog lang, meron namang umeenglish na, nagaamok ng away na akala mo kung sinong matapang, may ibang umiiyak nag eemo at kung ano-ano pa. Kumbaga pagnakakainom may ibang sapi ng kung ano. Ako, pagnalalasing simple lang...may feeding program ng mga pato, in short nagsusuka.


Eksina - Inoman sa boarding house ng kaibigan
Culprit - Tanduay 5 years (lapad), tubig (hindi malamig), walang ice


   Sa labas lang kami nagtatagayan at may duyan. Ako naman itong atat sa duyan, hala sakay kahit nakainom. Ang ending hilong talilong ako ng bongga. Nang pauwi na kami sabi ko sa sarili ko dapat umabot ako sa boarding house namin at doon na ako susuka, nakakahiya naman sa mga kasama ko. Pasuray- suray ang tabian. At dahil sa hindi pa ako cool noon, ayown nag feeding program sa daan. Ewww, kakahiya much.


Hindi ako nadala...


Eksina - Inoman sa bahay ng barkadudes
Culprit - Pulang kabayo, ice, barbeque


   Hindi ko maalala kung may occasion ba noon o wala pero kahit naman wala basta nagtrip, go parin. Nang malasing na me, nagexcuse ako para mahiga muna at matanggal ang amats. 
Sa aking pagkahiga at pagpikit ng mga mata, parang feeling ko umiikot parin ako. Yung tipong nasa chubibo. Sheyt na malagkit. Parang masusuka na talaga ang feeling ko noon. So dahil ako ay mabait na kaibigan at hindi ko haybol yown bumangon ako at pumunta sa pinakamalapit na suking lababo. Tinawag ko ang isang barkadude ko para alalayan ang nanghihinang katawang lupa ko. 


Pagtapat sa lababo --- shoot! 


Kinaumagahan pinagtawanan ako nila kasi hindi in liquid form. Buo buong barbeque, sabi pa ng barkadude ko "nginuya mo ba yung kinain mo or derecho lunok?" Ang saklap lang ng sinapit ko sa mapanghusgang mundo.Chos! 


Hindi parin ako nadala...


Eksina - Sa isang malapit na inoman/videoke bar
Culprit - Sandamukal na Pulang kabayo


  Galing kaming team outing, pero dahil sa bitin ang inoman nagkayayaan ng another set. Ang sumama napakadami...tatlo lang, at ako ang pangatlo. Pumayag ako kasi crush ko ang isa sa nagyaya, ang harot harot ko lang ano? *hehe* 
Syempre pasikat naman me. Tagay dito, lagok doon. Shoot dito, inom doon. Kwentohan kunyari nakikinig ako sa kanya pero pinagmamasdan ko lang sya. Nagiimagine na ako kung paano kaya kung magiging kami (with twinkling eyes), mas umaandar ang imagination pag nakainom eh.
Parang tatlo na sya sa paningin ko. So sabi ko sa kanya tama na kasi inaantok na ako, pero sa totoo nasusuka na talaga ako. Nakakahiya naman kung magkalat ako na andyan sya. Homayghad, that's so shameful! Charot!


Pinamigay na niya ang natirang beer. Sabi ko sa sarili ko, this is it. Pipigilan ko talaga 'to hanggang bahay total magtataxi naman kami. Hinatid nya ako, so ang haba na ng hair ko abot hanggang outer space. 
On the way home, nagpipigil parin ako. Mataimtim ko nang tinatawag ang lahat ng santo at espiritu ng mga namatay, hindi dito sa loob ng taxi, hindi sa tabi nya. 


Nang hindi ko na talaga mapigil at pumapaibabaw na ang kung anong bagay sa aking esophagus.


Sabi ko kay manong driver...


me: koyah pwede bang huminto muna tayo? sandali lang


Sumagot si crush...


crush: mamaya na, malapit na naman tayo sa inyo diba?


Umiling iling ako


me: koyah please, sandali lang 'to nasusuka na talaga ako 


crush: pigilan mo na muna yan, malapit na tayo


nagisip ako at nakiramdam hindi na talaga carry ng powers ko


me: koyah STOP!!! (ang sosyal lang ano?) buksan mo ang door! (sabay turo sa pintuan ni crush)


At dahil sa bagal nya, nagsuka ako sa labas pero nasukahan ko rin ang shorts nya ng slight (as far as I remember). Hindi ko maalala kung nagsorry ba ako sa kanya or may ginawa ako pagkatapos. Basta nakauwi akong buhay at kompleto pa naman. 
Kinabukasan kinamusta ko ang shorts nya, at nagsorry na rin ako sa nangyari. Ang saklap talaga, paniguradong auto turn off sya sakin. 



Babala: Huwag gayahin, ang inyong natunghayan ay gawain ng pawang propesyonal lamang.


Simula ng mga pangyayaring yown ate charo natuto na ako.


  • Kung nasusuka na wag magpahalata dapat hanggat maari eh cool lang. Pasimpleng magexcuse at pumuntang CR. 
  • Pumasok sa pinakahuli at liblib na cubicle, wag sa lababo paniguradong may makakita or kung isang banyo lang wag kalimutang mag lock ng pinto.
  • Isabay sa pagflush ang paglabas ng sama ng loob, para hindi masyadong halatang nagfefeeding program sa mga pato.
  • Kung may gripo at balde, lakasan ang tubig para kung may nakikinig man sa pagmumura sa inodoro eh hindi masyadong marinig.
  • Pantilihing walang bakas o ebidensya. Punasan ang mga natitirang kanin o ulam sa bibig o mukha. Malaking kasalanan ang magdeny na halatang may nakasukbit pa sa cheeks na kanin. 
  • Hanggat maari wag talsikan ang suot, or else magiging kaduda-duda na nagkalat ka nga.
  • Kung hindi talaga maiwasan ang talsik at nagtanong kung anong nangyari, mag alibi na sira ang lababo. Wag nang damihan ang paliwanag dahil napaghahalata at magiging defensive ka lang sa paningin nila.
  • Mag estimate, kung sa tingin mo kaya mong pigilan ng 2 oras pa ang pagsusuka, go! Pero babala: Hindi lahat ng estimation ay tama. 
  • Kung hindi na talaga napigil at nagsuka na sa harap ng madlang people, umarteng lasing na talaga at wag nang magtangka pang uminom. Utang na loob, umuwi ka nalang. Kinabukasan, deadma. Pag may nagtanong sabihing wala kang naalala.
  • At ang huli, kung hindi na kaya wag nang tumagay pa (rhyming?). 

Na master ko na yata na hindi halatang nagsusuka. Dahil ang goal ko sa buhay- dapat laging cool at swabe lang. 

Tuesday, September 6, 2011

Leaflet

"Desperate times call for desperate measures."


May naalala akong pagkakataon dahil sa mga linyang 'to at sa post ni ser gasti
Faflash back tayo sa isang araw kung saan ako naging matakaw at naganap ang kahindikhindik na pangyayari.           *insert maalaala mo kaya theme song here*


So ito na, dahil sa maaga ang labas namin sa office at nagaantay kami ng mga kasama para makaalis sa team outing eh chumibog muna kami ng bonggang bongga! Lafang dito, lafang doon, kung makakain lang parang wala ng bukas (patay gutom much?). Sorry naman gutom lang eh. May nararamdaman na talaga ako sa kaibutoran ng aking tyan nang gabi pang yown pero dahil sa likas akong matiisin, so I held it back. Dahil din sa excitement sa team outing eh parang deadma na rin ako.


Ayan pwesto na lahat sa van. May mga kasama akong nagsight seeing, may nagkwentuhan/chismisan at may naglandian sa isang sulok, at ako...nagmemeditate. Nagpipigil na ako ng bongga dahil nagsisimula na ang putaness kong tyan. Pinilit kong maidlip muna para makalimutan na may parang sasabog na. Pero hindi... hindi ko makalimutan na may nagaganap na gyera sa loob-loob ko. 


Kamusta naman ang 3 hours ride papunta sa Resort? Sheyt na malagkit. Iba na talaga ang nararamdaman ko, yung tipong tumatayo na ang balahibo, nanlalamig at di na mapakali. Ang mga lecheng kasama ko pinalakasan pa ang aircon. Sing laki na ng popcorn ang malamig kong pawis. Sa isip-isip ko dapat cool parin, wag magpahalata na near crowning na. Nagdadasal na ako ng mataimtim kay papa jes na sana umabot ako sa stop over or sa destinasyon, na sana makisama naman ang punyeta kong pwet. 


Inaaliw aliw ko ang sarili sa pakikipagsmall talk sa mga kasama ko, kunwari ok ako. Baka makahalata na jebs na jebs na talaga ako. As if nakikinig ako sa kasama ko pero nagpaplano na ako ng escape route. Ano kaya ang magandang gawin? (1)Pag nagsimulang mangamoy magtuturo ako ng kasama sa likoran yung naglalandian, (2) pag nagtakbohan na dahil sa baho, kunwari tatakbo rin ako pero mas malayo na ang tatakbohin ko para may chance pang magbawas o (3) magkukunwaring tulog para swabe lang. Patay, parang pwedeng sumablay lahat. 


Nang mga isang oras nalang para maabot ang pupuntahan, nagdecide ang isang kasama namin na mamalengke muna bago pumuntang resort. Ayan, may chance na ako kasi kung public market paniguradong may public toilet. Eto na talaga, as in this is really is it! 


Tumigil ang van, pasimple akong nag excuse para magrestroom. Sabi ko sandali lang ako at magwiwiwi. Pagdating ko sa public toilet parang may mga anghel na kumakanta sa langit at dinuduyan ako nang pasokin ko ang cubicle.  Pero in reality dugyot na enodoro at naglilimahid na pader, wala na talaga akong pakialam crowning na sya. Bukas ng zipper, sit on the air position. Bira! 


Nang matapos akong maglabas ng sama ng loob, tumingin tingin ako sa paligid. May baldeng may laman na tubig pero walang tabo. Parang sakto lang pang flush, nagtitipid yata sila. Lingon lingon para maghanap ng tissue. Homayghad! Walang tissue!


Hindi ko napansin na wala din pala akong dalang tissue. Sheyt again! @#$^&*! Lech! Anak ng bakang baog naman oh. May dala akong panyo pero no way jose! Hindi ko 'to pwedeng ipamunas sa pwet. Dumokut ako sa bulsa ko, to the left - walang laman. Patay na talaga. To the right - may nadukot ako, dalawang leaflets ng yellow cab. Sa kasawiang palad yung glossy type pa na leaflet. Nagisip me ng matagal...mga 2 seconds. No choice, bahala na. Pinunit ko ang leaflet para dumami kunwari, sing laki na sya ng apat na calling card. At yown din ang ginawa ko sa isang leaflet. Ang dami ko ng pretend tissue. Pikit mata kong pinunas sa a**. Ubos ang pretend tissue ko, now I'm squeaky clean. Flushed! 

Tapos na. Kebs na sa ibang factor basta wala na ang mabigat na pakiramdam, para akong nasa commercial ng dolculax na tumatalon talon sa tuwa. Pagdating ko sa van nagtaka sila kung bakit ang tagal ko daw. Swabe kong sinagot, "ang haba kasi ng pila eh". Sabay balik sa cool self. *big grin*