"Midnight FM - ayan ako na ang nagtranslate" |
So kung nagbabasa kayo ng aking mga gawa gawa dito sa aking blog eh may hint na siguro kayo kung ano ang theme ng movie na itey.
Simple lang ang plot ng story, DJ si maam at yown finish. Juk! Syempre midnight ang timeslot, title pa nga lang may idea na kayo. Ayown, nang magdecide si ms. dj na magstop na sa pagdedejay (break it down) eh nagfinal show ito, bakit kamo? To say goodbye sa kanyang mga avid listeners. It was a typical night, at yown ang akala ng lahat. Ito palang si ms. dj eh may obsess na fan at doon imukot ng pagkabongga ang storya.
Itong si obsess fan eh disagree sa pag-goodbye ni ms DJ kaya gumawa ito ng way na iparamdam na hindi pwede as in no, no, no sa saying goodbye. Pumunta ito sa haybol ni ms dj at naghasik ng kalagiman at rainbows. Hinostage ang sisterloo ni ms dj at saling pusa din ang mga jonakis.
Ang trip netong si koya eh dapat e play ni ms dj lahat ng request na pinadala nya through fax kung hindi tigok ang mga hostages. Eto namang si ateh na eengot engot ay hindi malaman kung asan na ang fax. Kaya super recall much ang ginawa ni ateng naka mic. Uso sa kanila ang video call kaya super threat itong si koya, nang hindi nya masunod ang gusto eh tigok ang beauty ni sisterloo. Hindi ko na ededescribe kung ano ginawa nya. *hehe* Hanggang sa hindi na natiis ni ateh ang mga threat ni koya, gumawa sya ng drastic move. Tumawag ng parak, ayown natiguk din.
Ofchurs ayoko namang mabitin kayo eto konting patikim -
"ms. dj can I make a request?" |
"eow powhzz? jejeje" |
"parang-may-stiff-neck look" |
"paki click nyo nalang po para lumaki..hehe" |
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
At syempre dahil ito ang aking 50th post. Naks naman! Umabot ako ng 50 posts. Gusto ko lang magpasalamat ng bonggang bongga sa walang sawang nagaaksaya ng oras nila sa pagbisita sa aking bahay sapot (parang namamaalam lang ano?). Alam kong marami pa kayong mas importante at makaboluhang things to do eh nag U-turn pa kayo at gumala dito. Sa inyong lahat (ano 3 o 2 lang ba?) maraming, maraming, maraming, amag este thank you sa inyo. *mwahh-kiss-sabay-hug*
"ayan pang Beam toothpaste commercial smile..sorry naman at hanggang ngayon eh wala paring mukha ang Tabian" |