Wednesday, June 13, 2012

Lumelevel Up

    Hello you! Kamusta? Matapos ang madugong paglahok ko sa kontes chuvaness ni ser J Kulisap eh mejo nagpahinga ang aking brain cells, and I decided na mag workout. Pero itey may kakaibang twist na workout, at first time ko itong ginawa sa tanang buhay ko. A bit of a fact, ako ay ( Insert number )Kg, sabihin nalang nating mejo healthy na me. Hehehe Pero dahil na rin sa kati ng aking alipunga paa ay sumama ako sa kakaibang workout na itey. 


Introducing Workout with Nature  - Mt. Lanaya style.


"Level Up!"
    Yes guysh, sumama ako sa mountain climbing ekbang. Mga halos 4 hours din na byahe mula Cebu Citeey to Alegria. Pero kung ang driver nyo ay yung tipong wapakels sa kinabukasan nyo pwede na ang 2 hours mahigit. Makalaglag upuan at feel na feel mong sumasakay ka ng roller coaster sa bilis. Nasa likuran pa naman kami nakaupo that time, so gets nyo kung gaano ka talbog at tumbalelong kami. Henyways, pagdating sa Algeria sumakay kami ng habal-habal or yung public motorcycle na pang dalawahan lang sana pero dahil business pwedeng pang maramihan basta walang mahuhulog, papuntang jump off point. 


"Mga bagong kaibigan/life savers" 






"Excited/Naiihi/Nerbyos"

  Kung makangiti me parang a walk in the park lang, pero sa totoo lang nerbyos me much. Syempre naglakad  kami ng maraming steps, may pataas, may pababa, may espagetti.Jowk! Hirap na hirap ang aking super healthy bodeh, may mga oras na nagdidilim ang aking paningin at parang kukunin na ako ni papa jesas. But I said to myself "No, you can do this!!" timang lang, kinakausap sarili? 

"yes, I'm so healthy and I herrit!" 
  Naglakad, hiningal, uminom ng maraming tubig at nakailang stop over dahil kinapos ng hininga. Matapos ang sangkatutak na steps to what seemed like forever ay naabot din namin ang rurok ng tagumpay (lalim!).

"View from Kalo-Kalo Peak @ Mt. Lanaya"
 Breathtaking was an understatement. Chos! Dahil before ko pa maabot ang peak ay makailang beses din akong kinapos ng hinga. Hehehe 

" I believe I'm a fly" 

 Oops, hindi pa tapos ang workout, dahil kelangan pa pala namin pumunta sa camp site. Which is by the way buhis buhay na down hell hill. No joke Tsong, makailang beses akong nag slide, tumambling at muntik nang kumanta ng rolling in the deep. Mejo mahirap na magpictorials sa mga panahong yun, mas inuna ko muna ang buhay ko kesa pictures. 

Pero para may idea kayo sa dinaanan namin check this out - 

"Buhis buhay na trek"
 Paumanhin sa pagkatagpi-tagpi ng larawan. Ang starting point ay yung sa Kalo-Kalo Peak, finish line eh yung sa campsite mismo. Marami kaming mala bangin at masukal na gubat na dinaanan. 

"Wagas"
  Sulit na sulit naman kasi nakita namin yung sunset. Pawi lahat ng pagod at paghihingalo ko nang masilayan ko ito. (insert The Climb by Miley Cyrus song here) 

At syempre hindi ito magiging memorable kung wala sila - 

"Salamat mga mam at ser!"

Sumakit ang katawan, balde-baldeng pawis, nagkandasugat-sugat, nadumihan ng bongga at nangamoy construction worker ako, pero kebs. My first Climb was EPIC! 

More than the view and the people I'm with, is the realization that anything is possible as long as you put your mind into it. #ansabeh? 

Wednesday, June 6, 2012

KM3: Tinig (Adik)


Iniabot sa iyo ang pinapangakong kapirasong langit at ito'y walang pagtanggi mong kinuha

Hithit buga...hithit buga...

Daglian mong mararamdaman ang tama ng opyum, dala ng dayuhang kumikinang sa kalaliman ng gabi.
Iindak kahit puro kaliwa ang mga paa at aawit kahit wala sa tono. Liliban sa mga pangakong iyong isinumpa sa harap ng bansag mong watawat. Magiging sugapa at lunod sa kinang ng makabagong bagay
Ikaw ay mananatiling idlip, lulan ng panaginip na sa dako paroon may kasaganaan at walang pagdaralita
Ika'y lilisan sa katotohanan at sa tayog mo ay hindi ka na lilingon pang muli, at ang iyong dunong sa banyagang kalinangan ay magiging matatas.

Hithit buga...hithit buga...

Unti-unti Ika'y magiging isa, sa hulmahan ng lipunang balot ng ganid at mapanghusga. Sa saliw ng bagong himig ika'y iindayog, dahil ito ang magdidikta ng katumpakan at balikuko. Natatanaw, nasasambit, naririnig ang sigaw ng iyong lahi. Ngunit pilit mo itong ikukubli 

Hithit buga...hithit buga...

Uulit ka hanggang sa ika'y dalhin sa panandaliang kaluwalhatian. Daloy ang libog at halinghing ng bagong pakiramdam, Ika'y papalaot sa hibang na estado. May piring ang mga mata, busal ang mga bibig, at takip ang mga tainga. Walang bulong at wika na makakapukaw sa taong lunod ng banyagang impluwensiya at animo'y anino lang ang nakagisnan at lupang sinilangan. Ika'y nabubuhay sa panibugho at pagpapanggap 

Hithit buga...hithit buga...

Sino nga ba, sino ang tagapagligtas sa ligaw mong lahi? Mga kabataang nagwewelga, mga guro ng kasaysayan at panitikan? O mga dalubhasang batid ang sinauna? 

Hithit buga..hithit buga...

Wala na bang lilingap sa iyong pinanggalingan? Wala na bang hahango sa tinig na pilit pumipiglas sa iyong kaibuturan? May bukas pa nga ba? Nauubos, nauupos.
At tangan ng usok at tuluyang upos ang namumutawing tinig.
Sa kadiliman ay may siwang ng pagasa...kung saan nagmumula, yan ay hindi tiyak

Hithit...bug...





****************************************

Unang subok at sabak sa Kamalayang Malaya ni Ser J Kulisap. 

Once again nagmental hemorrhage na naman me...Kainaman nomon!!!







Saturday, June 2, 2012

asdf day

Staring blankly at the empty space. Umeemo?  


Titipa ng sandali tapos spaced out uli, hanap ng mga salitang pwedeng ilarawan sa mga nakaraang events chuva. 


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Hinto, magiisip, recall, tapos backspace. Ang dami kong gustong ikwento pero  hanggang ngayon eh nakatitig parin ako sa kawalan (wow lalim). Nang magsawa kinuha  ang remote at sabay on ng TV. TV kong surplus, mga Php 2000 lang yung binebenta sa mga Korean Surplus ekbang. Ayos naman, hindi man flat screen pero umaandar, minsan nga lang eh rich na rich ang color kahit e adjust ko ng pagkabongga ay by default bumabalik din. Ayun, pa lipat lipat ng channel. Nga pala paborito kong channel yung TLC, halatang gala at matakaw. Pangit ang palabas, lipat na naman. Wala lang, at random hihinto tapos lipat uli. Ay putek muntik ko nang makalimutan nagsusulat nga pala ako. Harap uli sa laptop.


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Parang nakakagutom mag-isip. Magbubukas ng chichirya at kain muna. Lilipat ng tab tapos stalker mode sa efbee.
Ay si ano may asawa na, si chuva may anak na, si chenelyn nasa abroad na pala. Sige kayo na, kayo na ang may progress sa buhay at ako na ang dakilang corporate slave sa putahan, hindi naman yumayaman. 
Tumawag kanina yung close friend ko noong college, ayun kamustahan hanggang sa ipamukha na naman nya sa masaklap kong eventless life ang mga tanong na "so nagasawa ka na?" Epic! Gusto kong sumigaw ng "PLEASE KILL ME NOW!" na dahan dahang lumluhod with matching rain. (drama?)  Excited? May priority number ba ang pagaasawa koyah? Nagmamadali? 
Tapos hihiritan ka ng "nakita mo anak ko, ang cute diba? mana saken...blah..blah..blah" Gusto ko na namang laslasin ng kutsara ang pulso ko sa hinlalaki. Tatawa nalang ako, pero deep inside nadudurog na me! At natapos ang aming conversation with me saying "ah sige na, matutulog na me"


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Ay ubos na pala ang chichirya. Ilang kilong betsin na naman kaya ang nadagdag sa pagkain ko neto? Ah ewan. May download nga pala akong movie kanina, panonoorin ko na kaya muna 'to.


(After almost 2 hours)


Nakanang, susulat nga pala ako ng kwento. Nakwento ko na ba sa inyo na sumakay ako ng Ferris Wheel? Pag may pyesta, may perya. Hindi talaga ako mapagpatol sa mga ganyan sa mga kadahilanang (1) marami ng nabalitang nadisgrasya sa pepetsuging rides (2) mas mauuna akong mamamatay sa tetanus dahil sa kalawang, at (3) papaubaya mo ang buhay mo sa isang tao na ang alam lang sa ganito eh pindotin ang buton para umandar ang  tila higanteng scrap metal na tinagpi-tagpi para tawaging "ride", imbes na kumalikot sa makina at siguraduhing ligtas at buo ka pa. Pero dahil sa udyok ng mga kaibigan at for the sake of camaraderie shit eh for the pers time sumakay ako. Sa totoo lang, nang inabot ko ang aking bente pesos para pasokin ang maari kong tawaging "last ride of my life"  ay para ko na ring pinaubaya sa lahat ng lamang lupa at bathala ang aking buhay. Lahat ng rides bata man o matanda 20 pesos lang. Samakatuwid twenty pesos lang din ang halaga ng buhay ko. 


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Ay bago ko makalimutan, meron na nga pala ako neto...




"Yes, may valid ID na me. I'm such a valid person like that!"

^_______________^  *Happy Dance!*