Thursday, February 23, 2012

Kung hindi pa tumalbog ang beauty ni Dora dito ewan ko nalang.

        
     So how do you start a travel blog? Initially you go to a place, take some pictures and blog about it. 
Yun ba yown? Chos! Ayaw ko magpakapormal, masakit sa bangs at sa sunburn ko. O cia simulan ko na ok? Saan na naman ako dinala ng aking makakating paa? Dyan lang sa tabi-tabi, mga 15 minutes lang...NOT! 15 minutes and 6 hours. Destination kamo? Carnaza Island. Google nyo, at kung tinatamad kayo eto pakiclick  nalang HERE at HERE! Ang liit ng picture noh? At ang konti ng description sa Wikipedia. 


So nang sapian kami ng makapangyarihang espiritu ni Dora, gora agad! 


"Borlog ang show!"
   Ah sorry, pero hindi pa po yan ang isla. On the way pa lang yan. Kamusta naman na galing shift eh derecho agad sa destination? So yan po ang resulta. Umalis kami ng mga past 12 noon. Sumakay ng bus for grueling 4+ hours. Sakit sa pwet pero dapat GV parin. Akala nyo yun na, but wait, there's more!


"Row, row, row your boat...kunyare hindi nerbyos!"
  Sumakay pa kami ng pumpboat para makarating talaga sa mismong isla. Take note, sabi ni ateh na kasama namin sa bangka di pa daw maalon ng time na yown. Pero 'nak ng bakang baog men, halos lumipad ang bangka sa alon. Mga 2+ hours din kaming nagkunyaring cool. Hehehe


Gabi na ng dumating kami. 


"oha...oha!"
 Pagdating namin nagsetup kaagad ng tent, nagluto, bonfire at tumagay ng konti. Panindigan ang outdoor outdooran show! 

The next day...





 Pero bago maglamyerda sa isla...


"lafang muna"


  Kami na ang nabubuhay sa instant! Magiging choosy ka pa ba? Kelangan ng energy para sa wagas na beach bumming. Pagkatapos lumamon, eh naghanda na sa umaatekabong bilaran sa araw. 


"Hello Beach!"

  Pumunta kami sa kalapit na islang tinatawag na Lamanok. Wala naman talagang manok doon pero according to folkloric ekbang eh pinangalan daw yun sa isla kasi kahit hating gabi may tumitilaok daw na manok, again wala namang manok. Eeeeeee! Pero kebs lang may araw naman noong pumunta kami eh. 
create a gif
"yes, hindi kami excited"

 At oo ang laki ng space na naooccupy ko sa picture. Ako na ang healthy much, putek!


And the fun goes on!



"the tsunami walk...pak!"

"ang walang ka gasgas-gasgas na jumping shot"
And again, ang layo ng naabot ng talon ko. Gravity men, gravity!!! 

"now spell Pagod?"

Naumay na ba kayo sa beach cam  whoring namin? Ok, para maiba nag side trip kami sa isang mountain at inakyat namin ito para masilayan ang sunset. 


"Good friends + Beautiful place = FUN"

   Ang dami ko pa sanang pictures pero parang nagiging photo album na itong blog ko. 


gif maker
"Because we take BEACH BUMMING seriously and FUN to greater heights!"


"Wagas"

So ano, sama ka sa susunod? 

Tuesday, February 14, 2012

Bumabalentyms

Dear Palangga,


            Happy Balentyms day! Nagulat ka ba? Kasi alam mo naman hindi ako makeso so this is me being sweet. Salamat nga pala sa pagtext kanina. Ang aga mo pa talaga gumising para ma greet ako. At hindi ko talaga expected na may flowers na ihahatid dito sa office. Nahiya ako at the same time kinilig kasi kinantyawan ako ng mga office mates ko. Sorry nga pala at hindi ako nakaleave para sa special day na ito, alam ko inaanticepate mo na magkasama tayo buong araw. Alam mo naman dito sa office ngayon OA pa si boss, pasikat kasi. Pero babawi ako sayo, promise yan itaga mo man sa likod ng housemate mo! 
Pero sa totoo lang hindi naman natin kelangan e celebrate ang araw na 'to kasi everyday is valentines with you. Charus! Eto ang pamatay kong hirit. Siguro sa isip isip mo sinasapian na ako, ganoon lang kita ka mahal. Nagiging  horny korni ako. 
       Ang saya saya lang kung kasama kita, para tayong mga baliw sa mental, may sariling mundo. Salamat nga pala sa pagsama mo sa akin lage sa mga galaan at kung ano anong katopakan na maisip ko. Game na game ka lage. Alam ko iba ang time zone naten kasi pang gabi ako tapos ikaw pang umaga naman ang trabaho, pero pinipilit mo parin ipagkasya ang oras mo para magkasama tayo. Ang galing lang ng time management mo, di tulad ko, alam mo na. 
      Salamat din sa pag accept mo sa aking short comings, talagang ganito talaga siguro pagpinapanganak ng Pebrero, wagas ang topak. Nang nagpadagdag ako ng tattoo imbes na umayaw ka eh sinuportahan mo pa talaga ako, ang swerte swerte ko lang talaga sayo. You've accepted me for who I am and now I am a better person with you. Cliche man pakinggan pero you always bring out the best in me. Ansaveeh? Wagas na naman ang aking pagkabading, salamat at tanggap mo din yun.  
   Sa mga panahong kelangan ko ng cheerleader, andyan ka. Sa mga panahong gusto kong tawirin ang mahirap na daan hawak mo ang kamay ko at hindi ka bumitaw. At sa panahong andyan ka lang at nakikinig, maraming salamat. Kumokuta na ata ako sa salamat, pero hindi ako magsasawang sabihin yun. At syempre ang walang puknat na haylabyuberimats! 
   
    See you later palangga! Humanda sa umaatekabong boom boom pow! 


Haylabyuberimats! Mwah, mwah, mwah, tsup, tsup...

Chudamax na naghahaylabyu,
                                                                                                                          Tabian

**********************************
Chos lang! Wala naman akong pagbibigyan nyan, trolling on balentyms day, kasi single. 

Happy Balentyms sa mga may ka harotan, sa mga single Happy Independence/Single Awareness day sa inyo!