Thursday, November 24, 2011

Lingaw Siargao


Why hello thur! Kamusta? Sadyang ako ay nagrelax at gumala muna kaya hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay sapot. Destination - Siargao Island ,Surfing Capital of the Philippines. 
As you all know nagiging photo album na itong blog ko, pero kebs! Kaya heto na.


"Here na me!"




"Hindi kami halatang excited...as in!!!"
Kamusta ang 9: 50 flight na move to 11:50? Kahit delayed hindi parin humupa ang excitement. Isang buong gabi din kaming nagstay sa Surigao kasi hindi namin naabotan ang fast craft for Siargao. 




"The arrival of the stars"
Syempre abot hanggang tenga ang ngiti pagdating. This is it, this is really is it! Natatae me sa excitement. Mga 2 hours din na lakbay fast craft mula Surigao City to Siargao Island. Buti nalang hindi me na sea sick, mahirap ng magdragon. 


"We're so wet!"

Syempre hindi namin sinayang ang init ni Mr. Sun. Gorabells agad sa beach. Nagsurf...sila. Hindi na carry ng powers ko ang waves. Ako pa naman ay bona fide member ng Swimmer's League, in short hindi po ako marunong lumangaoy. Kay pait mang aminin ate Charo, pero yown ang truth. Kaya hanggang surfing lessons muna me. 


" ang saya saya..yeahbah!!"
At pwede ba namang ma absent and mandatory/compulsory jump shots? Hindi! Kami na ang naka Enervon at humahyper. 


"planking Siargao style"
Nang mapagod makipaglaro kay Poseidon, planking naman napagtripan namin. Sa background nga pala ng mga pictures eh ang sikat na Cloud 9 . Para kang nasa loob ng washing machine sa laki ng alon. Yung tipong yuyugyogin pati internal organs mo. So nagkasya nalang kami sa pictorials, mahirap ng magkandalasog-lasog, reef break pa naman sya. 


"Da who?" 
Minsan sa sobrang excitement meron talagang nangyayaring hindi natin mapigilan. Yung 
napapakanta ka nga "Take me out of the Dark" by Gary Valenciano. *hahaha*


"Spot the Difference."
Konti lang naman ang difference diba? 


"Kaladkarins"
5 days din kaming nagtampisaw at nagbilad sa beach. Kebs kung umitim at mapasukan ng buhangin sa kung saan, basta enjoy! 

"Wagas"
Isa na namang jampacked bakasyon. Happy me! 


*Lingaw - fun

Tuesday, November 8, 2011

mema

     Ito yung mga pagkakataon na feeling Mema ako. As in mema post lang. Medyo excited na rin kasi me ng bongga sa next galaan. Mapapasabak na naman ang Tabian sa kakaibang experience at adventure. Yung tipong to the highest level na as in chudamax na ang excitement at nagbibilang na ng araw. Oo, ako na ang redundant sa excitement. Kung ano man yown, malalaman nyo rin sa susunod na mga araw. 


For the mean time ito na... Me nakita ako sa henternet kanina (rhyme lang?)

Take 1

Take 2

Take 3

"Baby Juan: putangina kumalma ka teh!"

Sus kung nakakapagsalita lang ang pamangkin ko. Nakupo kay laking gulo.