Tuesday, October 4, 2011

Liham

Mr. M,


  Kamusta? Ako? Eto ok naman. Mahaba na ang buhok at may bangs na. Kung bakit ako sumulat, hindi ko rin alam. Let's just say na naalala kita. Mga ilang buwan din kitang iniisip, hindi naman kita namimiss pero sadyang sumagi ka lang sa isip ko. Para ka lang kabote, sumusulpot ng bigla. Siguro mga tatlong taon ding nakakaraan, nang naging tayo. Siguro nakuha mo ako sa tingin at tawa. 


Sumama ako noon sa team outing nyo, saling pusa kumbaga. Wala naman talaga akong maitim na balak sayo noon, dalagang pilipina ata ako. Dumating ka lang din naman unexpectedly. Naalala ko yung unang pagkakataon na dinala mo 'ko sa special place mo, sabi ko pa nga sayo baka mahuli tayo doon. Sa isang rooftop ng bahay yown. Sinabi mo kung gaano ako ka special sayo. Natameme lang ang beauty ko. 
Sa lugar na yun maraming masasaya at iyakang naganap. Ako ang naging super duper cheer leader mo, tagaremind sayo na "everything happens for a reason" kung may problema ka. Kulang nalang pompoms, mini skirt at split pang UAAP na. 


Pinakilala mo pa nga ako sa mga parents mo, again natameme na naman ang bongga kong beauty. Naging close din kami ng sister mo, walang kahirap hirap din ang pakikibagay mo sa mga friends ko. Naalala mo noong nagbirthday ang isang barkadude ko? Yung ako ang unang nalasing? Hindi na siguro ano? Nahiga ako, sumunod ka at nakipagsisikan  sa isang maliit na kama. Sabi ko pa nga sayo na ok lang ako at pwede ka pang makipag inoman sa kanila. Sabi mo "dito lang ako sa tabi mo, babantayan kita". Ang sweet sweet lang ano? Para akong nadiabetes na lasing. 


Mas cheesy ka pa nga sakin diba? Hindi naman kasi ako PDA, harot lang reserve kasi ako. Chos! Pagsumasakay tayo ng jeep o kahit sa daan gusto mo lage hawak ang kamay ko. Feeling ko tuloy inutil ako ang haba ng hair ko, abot hanggang outer space. Marami pa tayong mga masasayang moments. You were the simpliest reminder that its possible to fall in love again. 










Itutuloy...

7 comments:

  1. i like the last line too.. hehe! kagagaling ko lang jan tabs pero bkit hnd nagkasalubong landas natin.. :P nxt time ulit..

    ReplyDelete
  2. weeeeeeeeeeeeeee.... hahaha kagilok...

    ReplyDelete
  3. gigitik ako ilok aning post mo. hehe

    ReplyDelete
  4. wow..kabiga nalang ba ani oi...ahheheh...kagilok..rooftop?jolina and marvin lang teh?may nalang wa mo nahulog...murag maka sense ko sa heartbreak ni ma end...

    ReplyDelete
  5. animala gyud aning maldito uy. apil-apilon. sumulat ka ng sariling entry mo ulol. wahahha

    ReplyDelete
  6. na liki ko sa JOLINA AND MARVIN.....hahahaha! dili pwede si john lloyd and bea?? para bata2x pa?? hahahaha!

    ReplyDelete