Thursday, October 27, 2011

Instant pa sa instant noodles

Beach + Camera + Good Friends + Topak = Maximum Tawa

Aqui - Nieco - Tabian - Maldits



"Ultimate Beach bum kaladkarins"



"At dahil low tide, may na stranded na balyena!"

Kung gusto nyo pa ng tawa overload...

When Marina Meets Remington 
Directed by - Tabian

Wednesday, October 19, 2011

Hindi nga hindi



Dahil sa wagas ang pagkainggetira ko at dahil may post na si Nieco & Maldits kaya ito na. 


Hindi ako adik.

Hindi rin ako takas sa Bilibid.

Hindi ako lasing (kahit sabihin nila wag kayo maniwala, mapanira sila).

Hindi ito Henna.

Hindi ito libre.

Hindi ko sasabihin kung masakit ba o hindi (try nyo nalang).

Hindi na kami maghihiwalay neto, swear pang forever na 'to.

Hindi po yan jelly fish or pangil ng kung anong hipon o pating. 

Hindi ito ang huli.

at 

Hindi ito alam ng Nanay ko.

Hindi translation for Faith

Wednesday, October 12, 2011

Liham (ang karugtong)



Eto na ang pangalawang bahagi ng Liham...


Pero bago nyo basahin pindotin nyo muna ang play sa kanta para feel na feel ang moment...


Christina Perri - The Lonely
Powered by mp3skull.com



   Ngunit bigla kang nagbago. Nag-iba na ang pakikitungo mo sa akin. Ang araw- araw na text ay dumalang hanggang sa hindi mo na sinasagot tawag ko. 


 Tandang tanda ko na sumaglit ako sa inyo para makasama ka, pero parang hindi mo na ako kilala. Para ka yatang na amnesia noon. Hindi ko alam kung nabagok ba ang ulo mo sa malaking bato, pader o sadyang wala na...wala ka nang nararamdaman. Kung alam ko lang sana na mangyayari yun eh bumili sana ako ng helmet para sayo. Umalis ka, pinagpilitan kong sumama kasi gusto kong klarohin ang lahat tungkol sa atin. Sa halip na kausapin ako, umalis ka parin at dali daling naglakad. Hinabol kita, para tayong mga batang naghahabolan at ako ang taya. 
Hindi ka lumingon, derecho ka lang sa paglalakad. Tinawag ko pangalan mo pero deadma parin ang beauty ko. Halos mapigtas ang tsinelas ko sa kakahabol sayo hinayopak ka, pero sige ka parin. Dali dali ka pang sumakay ng jeep. Siguro hindi mo na naalala yown noh? Hindi na kita hinabol pa, para kasi akong nabuhusan ng malamig na ice tubig with nata de coco on the side at narealize kong ang tanga tanga ko pala sa eksinang yown. 


 Sa pangalawang pagkakataon eh nagpunta ako sa inyo, nagdahilan nalang akong kukunin ang mga natitirang gamit ko. Pero sa loob-loob ko gusto kitang makita at makausap. 
Ni hindi mo man lang ako hinarap, instead eh nagtulog-tulogan ka lang. Engot ka, alam ko kung kelan tulog ka talaga. Na-upo lang ako sa tabi mo, tinitigan kita ng buong pagmamahal pero nagkibit balikat ka lang at nagpatuloy sayong pretend-I'm-sleeping moment. Kinulet parin kita baka sakaling may tugon akong marinig sayo, pero ang sagot mo lang "text lang kita". So ganun lang? 


Hindi pa ako nakontento sa ginawa kong katangahan. New years day noon, at medyo lasing (slight lang) na ako. Pumunta ako sa inyo at inantay kita sa labas ng bahay nyo. Tinatawagan pa nga kita sa selopono mo pero kung hindi mo man sinasagot eh binababaan mo pa ako. Nakikita ko naman na may lock ang pinto nyo pero inaantay parin kita. Ang tanga noh? 
Potah lang, nilunok ko na ang pride ko tinapakan at binasura pero ang kupal mo hindi ka parin affected.


Isang linggo, dalawa, isang buwan, tatlong buwan. Lumipas ang mga taon at wala na akong narinig mula sayo.


Hindi talaga ako ang tipong iyakin pero pinaluha mo ako ng pila balde, ngumawa ng pagkatagal at tulaley ng mga higit kumulang 5 mins.
Marami ng mga tanong na nabuo sa isip ko. Pilit kong iniintindi at inaalala kung may nagawa ako sayo na hindi mo nagustohan.
Hindi ko man lang alam saan hahagilap ng sagot. Magpapahula ba ako, kokonsulta sa mga Doctor o kay Kuya Kim nalang kaya? 


Sana gumawa gawa ka nalang ng kwento. Na ayaw mo na sakin kasi may putok ako, bad breath, malakas kumain, oh sadyang di mo na feel. Nang sa ganoong paraan alam ko kahit gaano kababaw may dahilan, at pag may nagtanong may maisagot naman ako, diba?


Sa nangyaring yown, muntik na kitang isumpa na tuboan ng pigsa sa singgit, ipakulam sa Siquijor, ipatumba sa mga tambay sa may kanto at ipasagasa sa rumaragasang limang ten wheeler truck. Hindi naman ako masyadong harsh eh. 


Masisisi mo ba ako? 


Sana nga may dahilan, sana nga may pwede akong sisihin sa nangyari sa atin. 


Iniwan mo 'ko sa ere. 


You left, and carried along my heart.




Itutuloy...

Sunday, October 9, 2011

Supplies!!!



Sa next post na ang karugtong ng Liham. Sa ngayon magbibigagay daan muna ako sa isa sa mga taong nagbansag sa akin ng "Best in Candid". Weh? Kala mo ako lang...


"So ako lang? Huli ka! hahahaha"
Sa lahat ng aking barkadude si Nieco ang pinakaantokin sa lahat ng antokin. Madalas syang nagdedeny kahit kita naman at may ebidensya na. Laging walang gana at may toothache, pero hindi halata. Ayan, hindi ko sya sinisiraan likas lang akong honest. *hehehe* 


To a very good friend of mine...


Note: This is not a sponsored post. Kawang gawa po ito...joke! Supplies! 



Tuesday, October 4, 2011

Liham

Mr. M,


  Kamusta? Ako? Eto ok naman. Mahaba na ang buhok at may bangs na. Kung bakit ako sumulat, hindi ko rin alam. Let's just say na naalala kita. Mga ilang buwan din kitang iniisip, hindi naman kita namimiss pero sadyang sumagi ka lang sa isip ko. Para ka lang kabote, sumusulpot ng bigla. Siguro mga tatlong taon ding nakakaraan, nang naging tayo. Siguro nakuha mo ako sa tingin at tawa. 


Sumama ako noon sa team outing nyo, saling pusa kumbaga. Wala naman talaga akong maitim na balak sayo noon, dalagang pilipina ata ako. Dumating ka lang din naman unexpectedly. Naalala ko yung unang pagkakataon na dinala mo 'ko sa special place mo, sabi ko pa nga sayo baka mahuli tayo doon. Sa isang rooftop ng bahay yown. Sinabi mo kung gaano ako ka special sayo. Natameme lang ang beauty ko. 
Sa lugar na yun maraming masasaya at iyakang naganap. Ako ang naging super duper cheer leader mo, tagaremind sayo na "everything happens for a reason" kung may problema ka. Kulang nalang pompoms, mini skirt at split pang UAAP na. 


Pinakilala mo pa nga ako sa mga parents mo, again natameme na naman ang bongga kong beauty. Naging close din kami ng sister mo, walang kahirap hirap din ang pakikibagay mo sa mga friends ko. Naalala mo noong nagbirthday ang isang barkadude ko? Yung ako ang unang nalasing? Hindi na siguro ano? Nahiga ako, sumunod ka at nakipagsisikan  sa isang maliit na kama. Sabi ko pa nga sayo na ok lang ako at pwede ka pang makipag inoman sa kanila. Sabi mo "dito lang ako sa tabi mo, babantayan kita". Ang sweet sweet lang ano? Para akong nadiabetes na lasing. 


Mas cheesy ka pa nga sakin diba? Hindi naman kasi ako PDA, harot lang reserve kasi ako. Chos! Pagsumasakay tayo ng jeep o kahit sa daan gusto mo lage hawak ang kamay ko. Feeling ko tuloy inutil ako ang haba ng hair ko, abot hanggang outer space. Marami pa tayong mga masasayang moments. You were the simpliest reminder that its possible to fall in love again. 










Itutuloy...