Friday, August 9, 2013

Yung tipong...

Yung tipong aayain na nya ako na magshopping, tapos sasabayan pa ng ngiting hinding-hindi ko ma hindi-an... 
Yung tipong hirit na, "Ate wala na tayong ganito..." or "Sira na yung ano..."... 
Yung tipong titingin-tingin lang daw kami sa may kitchen section, ladies wear, or sa grocery dahil wala ng ganito, ganyan... 
Yung tipong may dala na syang push cart na puno na ng kung anik anik...
Yung tipong nasa counter na kami...
At mapapa speech nalang ako ng "Patay tayo dyan!" *facepalm* 
Ito yung mga moves na dinadaga ako sa dibdib at napapaluha ang wallet ko ng bongga.
Ganyan ako kamahal ng nanay ko. Hinuholdap nya ako! 
Sa aking pinakamamahal na holdaper sa buong buhay ko (kayo ni papang para fair..hehe)
Happy Birthday Mang! 
I LOVE you ng todo, todo!!! 


Tuesday, May 21, 2013

Bakit wala kang boypren?

Aside sa "What is your favorite food?" (na hanggang ngayon, tamaan man ako ng sandamukal na kidlat, ay hindi ko parin maalala ang sagot) isa rin sa hindi ko masagot-sagot eh ang tanong na "Bakit wala kang boypren?".

Scenario 1

Tumawag ang nanay ko para mangumusta...

Mamang: Oh Kamusta ang byahe mo? 
Tabian: Ok naman. Eto ang itim itim ko na mang, super negra na!
Mamang: So nagkaboyfriend ka naman sa pag gala-gala mo? 
Tabian: *tulaley* O__o

Ganyan po ang nanay ko. Casual lang po sa kanya yan. Imbes na tanungin kung kumain na ba ako eh mas concern po sya sa Lovelife ko. Kumbaga staple po yan sa tuwing tumatawag sya. Kaya may paunang bati akong naimbento sa kanya sa tuwing tumatawag sya...

Mamang: Kamusta ka na? 
Tabian: Ok naman po, mang wala parin po akong boypren. Wag nyo na po akong tanungin.
Mamang: *nga-nga*  

Scenario 2

Sa Office...

Office mate: Mam may boypren po ba kayo?
Tabian: Wala.
Office mate: Bakit po kayo walang boypren? 
Tabian: Sa wala eh...
Office mate: Diba may mga barkada naman kayo?
Tabian: Oo, marami. Bakit?
Office mate: Diba nagiinuman naman kayo?
Tabian: Minsan, bakit ba? 
Office mate: Hindi ba naman sila nagdadala ng iba nilang friends para makipag-inuman sa inyo?
Tabian: Minsan...bakit ba kasi? 
Office mate: Eh kahit isa po sa kanila mam wala kayong naging boypren? 

Sa mga panahong ito gusto kong bigyan ng malutong na slow clap si officemate...

Tabian: *poker face* Aba mam, hindi naman po ako nakikipag inuman para magkaboypren. 
Office mate: Ah ok, ang akin lang eh kung may pagkakataon lang naman. Hehe

At humirit pa talaga!

Scenario 3

Post BEERday celeb with barkadudes...prayer before kain.

Barkadude: Lord salamat po sa pagkain...at sa pagbigay nyo po kay Tabian ng another year to live (parang madedead ako any time lang 'no?) at sana po Lord next year na birthday nya eh may boypren na po sya...Amen!

Natats naman ako ng bongga..gusto kong maluha ng pako! 

Scenario 4

Dahil nga hindi ako nagdedate or kung ano man, gumawa ng drastic move ang isa kung barkadude...

Barkadude: Punta ka sa bahay bukas ha?
Tabian: Bakit? Ano meron? 
Barkadude: Wala lang. Basta punta ka lang videoke tayo. 
Tabian: Sige go!

Kinabukasan...

Barkadude: Tabian si (insert guy's name here), officemate ko. (insert guy's name here) si Tabian nga pala, single yan, malaki sweldo, wala nang pinapaaral. *wink wink* 

Ganyan ang introduction nila lage sa akin. Napaka true friends nila noh? 


Hindi ko po talaga alam kung bakit wala akong boypren, kasi alangan naman na ligawan ko ang sarili ko diba? Eh di nagmukha naman akong timang sa lagay na yun. Sa ngayon kahit cliché man pakinggan (lalong lalo na sa mga single pa hanggang ngayon), eh masaya po akong single. Masaya na ako ng paflirt-flirt here and there lang muna. Charot! Naeenjoy ko pa yung PBB teens stage muna. Charot ulit! 
Pero seryoso, hindi naman ako nagmamadali kasi hindi naman 'to unahan eh. Darating ang darating. May time ako, kaya intay intay lang muna. 

"wala akong boypren...dahil busy ako!" 

Tuesday, April 16, 2013

What is your favorite food?


Ito ay hango sa tunay na pangyayari.


Kanina, hindi ako makalog-in sa SSS online dahil nakalimutan ko ang user ID at password ko. Para makalog-in kelangan mag retrieve sa email na ginamit sa pag register. Kaya nag log-in ako sa Email na ginamit sa pag register para sa SSS online, eh kelangan naman e reset ang password sa email. Kaya sinubokan ko mag reset ng password, syempre para ma verify ang account at hindi kung sino mang pontio pilato ang maka log-in bibigyan ka ng kunting pasulit. Naalala nyo kung gagawa kayo ng bagong account may confirmation question kayong dapat sagutan?  Example, what is your mother's maiden name, where did you grow up, what's your favorite color, what is love, what are the vegetables mentioned in Leron Leron Sinta and etc? Para sa mga ganitong pagkakataon yun.

Bubulaga ang malupet na tanong bilang kompirmasyon - 

What is your favorite food? 

Sapul! Anak ng tokwa't baboy na may pigsa sa singit! Malay ko ba kung ano ang naging paborito kong pagkain nung ginawa ko ang lintek na email account na 'to, at humigit-kumulang na tatlong taon ko nang ginawa ang email account ko na yun. At sa lahat pa na pwedeng itanong dapat talaga patungkol sa pagkain? Nanadya? 
Bilang ako ay swabe sinubokan kong sagutin, malay, baka umobra. 

Unang sagot -

Banana
Invalid user credentials

Hingang malamim. Sagot uli - 

Pizza 
Invalid user credentials 

Patay parang suntok sa buwan na talaga. Subok uli-

Burger (para sosyal)
Invalid user credentials 

Na litekan na talaga. Gusto ko nang isaboy ang kape sa monitor ko because I'm so frustrated na talaga (conyo?), pero bilang ako ay swabe, sinubokan ko na naman - 

Banana
....



You have reached the maximum number of attempts to verify your account. Please try again in 24 hours.
For further assistance contact Member Services at
1-866-777-8888
Monday - Friday, 8:00 AM - 1:00 AM (EST);
Saturday - Sunday, 8:00 AM - 10:00 PM (EST).

Sa mga panahong ito gusto ko na mag amok. Pero humingang malalim nalang ako at nagbilang ng 1-100...JOKE! Syempre 1-3 lang. Tumawag ako sa hotline na nakasaad sa website. Nagkaroon ng mahabang usapan hanggang umabot sa manager. Ang ending tinanong ako ng isang malutong na -

What is your favorite food? 
Tumulo ang luha ko sa left cheek at nag crisscross sa right check with matching dausdos moment sa pader. JOKE again! Pumunta nalang akong HR at pinayohan nalang nila akong mag email sa SSS point person. 

Thursday, February 21, 2013

[Don't] Call Me Baby!





Hello Prens! Question - Bakit halos lahat ng tawagan ng magjowa eh Baby, Beh, Bebe? Dahil buwan ng Feb-ibig pa naman at mapagpatul ako sa mga ganito papatulan ko yang tanong na yan. Which reminds me, hindi naman ako ever tinawag ng mga naging jowakels ko ng BABY! 
  • Ekis 1 - Pangalan lang, as in first name bases (walang ka latoy-latoy). Ni Honey, Love, or kahit korneng Sweetie Pie wala, zero, nadah, zilch! Unang pag-ibig nga naman.
  • Ekis 2 - Bf & Gf. Ito medyo level up ng slight, pero generic parin. Pero nang magsplit naging BFF na. Ang sweet noh? 
  • Ekis 3 - Buang (Baliw), Hangal, Ga. Yes, dumaosdos ng bongga. Kasi naman hindi pa masyadong uso ang cellphone noon at nakikitxt lang si ekboypren sa Pudra nya. Para hindi mahalata eh yun ang code name. Mantakin nyong walang I love you para hindi mabisto? I hate you dapat. Super sweet na kami ng lagay na yan ha. Nang mag transition period naman eh naging Ga, short for Palangga or Pangga. A bisaya term for Mahal. Nagkataong malabo na kami nang narealize namin na mas oks pala yung tawagang yun. 
  • Ekis 4 - Siqui & Pawee. Ito pa cute, patweetums at may konting lambing na. Siqui short for Siquijor, dahil doon kami nagkadevelopan. Charot! At Pawee, short for Paulette. Para sa inyong kaalaman, bininyagan sya ng pangalan na yun which means little Paul. Ang lande talaga! Hindi ko alam anong nakain ng nanay nya kung bakit sya pinangalanan ng Paulette. 
  • Ekis 5 - Hanhan. Hindi Hon (short for Honey) Hanhan talaga sya, para maiba. Bakit? Hindi ko rin alam, naisip ko lang na cute pakinggan kaya yun na. Very well thought of diba? 
Yung mga ibang Ekis na hindi nabanggit at hindi nalagyan ng # puro first name bases na. Haha! Pero ang totoo hindi ko na sila maalala.  
Kesehudang tawagin mo sya or ka nya na Labedabs, Mahal, Palangga, Sugar, Cupcake, Puto, Kutsinta, eh wala naman talaga sa tawagan yan diba? 
Kasi kahit tawagin mo man syang Hampas lupa, Inutil, Panget at kahit mura na sa pandinig ng iba, kung sa inyo eh terms of endearment yun syempre yun parin ang pinaka matamis sa pandinig mo. 
Natural, Galing sa taong mahal mo eh. Chararat! 
Kayo anong tawagan nyo ng inyong mga jowakels? 

Ayan sinapian na naman po ang inyong lingkod, pasensya naman... Cgethnxbye! 


[by the way highway ako yan...nung Baby pa akech!]

Thursday, February 14, 2013

I love you...



I love you Al 

I love you Charlemagne

I love you Charles

I love you Reggie

I love you Mark

I love you Cyril

I love you Billy 

Kung ano man ako ngayon ay utang ko sa inyo. 

Maraming Salamat at naging parte kayo ng buhay ko.

I am a better person now. ^______________^ 

Pluma ng Kahapon

"Puta pare nalathala na yung sinulat mo. Ang tindi mo talaga tsong. Naalala ko tuloy noong baguhan pa tayo, dala-dala ko yung lumang kamera ko, yung de film pa? Tapos ikaw naman yung lumang notebook mo na kahit sira-sira na eh pinagtitiisan mo parin, at syempre mawawala ba ang panulat mong pinamana pa yata ng kalololohan mo? Kasagsagan yun ng pagpapaalis ng  barakong Mayor ng San Joaquin. Yung nang molestiya ng menor de edad. Nagigit-gitan yung ibang mga mamamahayag dahil hindi pinapapasok sa munisipyo. Pero pare tayo lang yung nakalusot sa kanila.

Abot tenga yung ngiti natin noon, kahit kita na ang kuyukot ko sa pakikipagsiksikan natin, sulit na sulit parin. Yun yung kauna-unahang frontpage natin. Kasi tanda ko pa, kontribyutor ka lang noon sa lumang peryodiko; Unang Balita, ang nakakatawa pa eh kotribyutor ng Horoscope. 

'Nak ng teteng ginawa ka talagang manghuhula. Ako naman yung taga kuha ng mga litrato. Kung hindi yung nalalaos na artista eh yung para naman sa Obitwaryo. Buti nalang eh binigayan tayo ni boss ng bagong raket. 
Eh naalala mo ba yung sinabak tayo sa masukal na gubat ng San Martin? Yung napapabalitang may tapunan ng mga sinalvage? Kahit napapabalita na marami-rami na rin ang mga mamamahayag na namatay dahil sa mga mababangis na hayop, makamandag na mga ahas at alupihan ay sige ka parin. Doon ako bumilib sayo... 

Kasabay ng pagsikat mo ay ang pag-angat din ng estado ng pamilya ko, bilang ako naman ang iyong side kick, kasangga at partner. Malaki talaga ang utang na loob ko sayo pare. 

Kung noon kahit sorbetes para sa kaarawan ni junior eh hindi ako makabili, eh ngayon kaya ko nang imbitahan kahit pa isang buong baranggay tuwing may okasyon sa amin. Kung noon madalas kaming mag-away ni misis dahil lampara at kandila lang ang meron kami kasi nga naputolan na naman kami ng ilaw, o di kaya walang pang ligo dahil naputolan ng tubig. Sa ngayon hindi na muling mangyayari yun. Alam mo ba, si junior ko, pinagaral ko ng medisina? Yung inaanak mo si neneng, malapit na rin matapos ng haiskul. Ang daming nagbago sa buhay namin sa tulong mo pare. 

Pero pare, sa dami ng naisulat mo walang tatalo sa paglantad mo ng anomalya patungkol sa sabwatan ng gobyerno at malaking sindikato na nagbebenta ng ilegal na droga. Ito yun, nalathala na! Sabi ko na sayo sisikat ka talaga. Magaling ka eh.


Kaya lang pare noong binangga mo sila para ka na ring bumangga ng pader. Sabi ko na kasi sayo 'wag na tayong makialam. Manganganib lang ang buhay natin. 

Nilapitan ako ni Congressman. Puta talaga pare, bukod sa malaking pera na inalok sa akin eh hawak nila ang pamilya ko. Iniisip ko lang naman ang kapakanan ng pamilya ko. Kahit ano gagawin ko para sa kanila, alam mo yun..."


"Kailangan kong gawin ang nararapat."

Sa isang kalabit ng gatilyo ay natapos ang lahat.  


Lunod ng lungkot at pagsisisi ang aninag sa mukha ng lalaking naka kahel...may pusas ang mga kamay at luhaan sa pagkwento sa kaibigan. 

"Patawarin mo ako pare..." 

********************************************
Ito ang aking munting lahok bilang pagsuporta sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy

Friday, January 18, 2013

Dos


Kwento
Tula
Rhants 
Tawa
Photoblog
Byahe
Kabarkadudes
Pamilya 
Buhay

Kung susumahin ito yung mga salitang naglalarawan sa Tabianmuch. Akalain nyo umabot na ng dalawang taon? Nakanang! Nagpapasalamat ako sa lahat (parang ang dami) na walang sawang nakibasa, nagkucomment, at higit sa lahat naging kaibigan sa blog kong ito. Kahit ako'y kadalasan minsan sabaw. Hayaan nyong initin ko ulit nang makahigop naman kayo ng mainit-init, siksik, liglig at umaapaw na sabaw. LOL 
Nonetheless, Salamat ng malupet!!! 

Tuesday, December 18, 2012

Gunawan Blues


Ayon sa mga Mayan magugunaw na raw ang mundo ngayong Biyernes, sa ika- 21 ng Desyembre taong 2012. Amazing! Dahil sa ka praningang ito, lahat nalang ng delubyo, at kung anu-ano pang sh*t eh kinukonek dito. 

Tambay 1: Napakalas daw ng bagyong Pablo pare, signal no. 3 sa Mindanao. 

Tambay 2: Kasi malapit ng magunaw ang mundo. Yun yun! 

Tambay 3: Agad-agad? Di ba pwedeng isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugar , tumatakbo sa pamamagitan ng init na inilabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin. Natutukoy sila sa mga ibang unos, katulad ng mga mababang presyon sa polar, sa pamamagitan ng mekanismo na nagpapatakbo sa kanila, na ginagawa silang "mainit na gitna" na sistema ng klima lang? 

Tambay 1&2: *Nga-nga*
=================================================
Chismosa 1: Mare narinig mo na ba ang latest? 

Chismosa 2: About kay pareng Erning?

Chismosa 1: Ay hindi, lumang issue na yun. Yung about sa Gangnam Style na kanta...

Chismosa 3: Ay mare marunong na akong sumayaw nyan. Gusto mong sample?

Chismosa 2: Me too!

Chismosa 1: Ay mga tanga! Hindi, sabi kasi nila signus na daw yang kantang yan sa pagkagunaw ng mundo

Chismosa 2&3: Weh? Talaga? Di nga? 

Chismosa 1: Google nyo kaya?  *walk-out*
=================================================
Kiddo 1: Si Enchong bading daw?

Kiddo 2: Ay talaga? Kalerky naman. 

Kiddo 1: Uu, hush lang teh. Closet kasi. 

Kiddo 2: Wala na, end of the world na talaga. Tege na beauty naten! 
=================================================

Pause, pause, pause! Seryoso? Halos lahat nalang inuugnay sa pagunaw ng Mundo. Pero kung sakaling totoo man na magugunaw, handa na nga ba tayo? Natanong ko na rin to sa sarili ko *timang lang? kinakausap sarili?* ako kaya go na? 

=================================================
Ito usapan namin ni Nieco

Nieco: Day kung sakaling magunaw ang mundo sa Friday, ready ka na?

Tabian: You mean like salbabida, food, shelter, clothing and stuffs like that? *conyo*

Nieco: Huh? As if maliligatas lahat noh? 

Tabian: Yun pala eh, syempre wa choice teh. Wa na prep, go na sa gunawan.

Nieco: Pag hindi ka nakasurvive bigay mo sakin yung susi ng pad mo ha?

Tabian: At bakit?

Nieco: Sayang naman kasi mga gamit mo. Akin na yung laptop mo tsaka yung aircon, yung TV 'di naman flat screen yun pamimigay ko sa mga hampas lupa. Wahahaha!

Tabian: Tengene! At pano naman kung ako nakasurvive? Ano ibibilin mo sakin? 

Nieco: Syempre madami, yung napanalonan kung ref. 

Tabian: Yun lang?

Nieco: Wait there's more...syempre sabi ko madami diba? Yung mga utang ko! Wahahaha

Tabian: Wahahaha, punyeta ka, animal!!! Wahahahaha

*Yes ganyan kami magusap* 

Nieco: Saka na nga lang, planuhin nalang naten yung "End of the world" day.

Tabian: Wow! Papapartey tayo? 

Nieco: Nomon! Paniguradong magtatakbuhan yung mga tao kasi nga magugunaw na ang mundo diba? 

Tabian: As if di ka tatakbo? Epis nga eh parang sinilaban na yang pwet mo. Wahahaha 

Nieco: Baliw! Hindi, di tayo sasabay sa mga magpapanic by that time. Papauwiin ko yung mag-ina ko sa  nanay nya. At least alam ko at panatag na kahit may gunawan na eh magkakasama sila ng pamilya nya.

Tabian: Wow! Umeemo? Heavy ha, iyakan portion na 'to teh? Eh paano ka?

Nieco: Syempre may pasok tayo nyan. 

Tabian: Ah oo, wala pa nga namang memo sa "End of the World" day. 'No plano mo?

Nieco: Natin dapat! Magiinoman tayo habang yung iba nagtatakbuhan at nagpapanic. Total wala namang ligtas lahat eh, para ano pa kung tatakbo diba? E-effort ka pa. 

Tabian: Genius! *slow clap* 

*At totoo, solid plan po namin ito kung sakaling magunaw ang mundo*


So sa Biyernes alam nyo na kung saan kami hahagilapin...

Tuesday, November 20, 2012

Hello!



Of countless cigarette sticks, in between gulps of beer, drenched tissue papers,and dried out tears 

Our memories were a part of it 
On every glimpse of morning dawn until the sun sets, you linger 
There was you
There was me
But no more us


***********************************

Nakanang! Kapag tinamaan nga naman ng libog  kaemohan, wagas. Hindi ko pa natatapos yung kwento ko sa Ilocos escapade. Sadyang nauubosan na ako ng dugo sa umeenglish na post kay for the mean time updates nalang muna.

  • Stress drillon at toxic na sa office. Support all na kami, halos hindi na ako makapag post sa sobrang busy. Super queue na kasi at yung ibang teammates eh on training, tambak tuloy sa workload. Ang hirap pa eh madalian ang training session, ang labas half-baked tuloy ang mga agents. In short kapaan sa bagong support. Susme!
  • Sadly swelday nalang at weekends ang nilolook forward ko. 
  • Dahil sa sobrang busy sa office paguwi ko sa haybol konting fb at chwirrer ng slight nalang nagagawa ko. Borlog agad!
  • Tiis ganda parin dahil sa nalalapit na weddinglaloo. Gawwd! Felt na felt kong andami ng temptation pero pigil ang lafang. #balikalindogprogram Infairview sabi nila lumiit na daw ang aking tyan, mejo di na sya level sa boobs ko. Mga limang tambling at tatlong split nalang at kalinya ko na sa kaseksihan si  Anne Curtis. Walang ka gatol-gatol kong sasabihin yan. Ang kumontra tutuboan ng pigsa sa singit! 
  • No Beer...for now! Malakas kasi magpalaki ng tyanibells yun so off limits muna. (Halatang tumador) 
  • May bago kaming na discover na beach at naeexcite akong bumalik over there. 
  • At dahil sa madalasang pagbibilad ng araw may naka notice na. Tanongin ba naman akong nagpa-tan ba daw akech? Hala ha! Subtle way of saying ang Negra mo na. Pero kebs, ang kulay kong itey eh patunay akoy isang sarena *insert song here* 
  • Gusto ko na ulit gumala! As in, parang nakaka-adik. Para akong lintang nabuhosan ng datu puti pag may seat sale, at kung may nagaaya tuwing weekend automatic yes. Resulta na rin siguro to ng stress sa trabaho. 
  • Malaki na si pamangkin! ^_______^ At friends na kami, hindi na sya umiiyak pag bumibisita ako sa kanya. Di ko lang dapat makalimotan ang bribe, magdala ng pagkain! Wehehe 
  • Hindi ito Random post ha, updates itey, updates!!! (galit?) 
*************************
Yung poem sa taas, last month ko pa ginawa yan. Nastuck sa drafts, nasulat ko yan nung nalaman kong kinasal na pala yung tibay muks kong ekis na dinatnan ng delubyong amnesia. Pero ok na akech, moving forward. Aja! 

Wednesday, October 24, 2012

Byaheng Norte Chronicles - Pagudpud | Part 2


 The morning after our northbound Pagudpud tour we woke up early to discover Saud Beach. The so-called Boracay of the North. Compared to Blue Lagoon, Saud was calmer and clearer. It reminded me of my favorite beach getaway in Bantayan Island



A long stretch of white sand beach, clear water, and my two piece bikini, I say is a perfect combination. Of course the bikini part was a joke. 



As we were basking by the shore, a few local kids arrived. Shyly they were looking at us while they played by the beach. I noticed the youngest among them, he was smiling at me, so I approached him. 
Boy: *insert subtitle here* (nilublob ang mukha sa buhangin)
Me: Ayush yan boy ah. Ma try nga. (lublob sa buhangin ang mukha) :) 

"trying hard sand angel" 


 We laughed at each others faces and they didn't even hesitate to smile to the camera. Despite the language barrier, we knew that we had something in common - the love for the Beach. The fun was cut short since we need to be back at the homestay by 9 am to meet up Kuya Arnel, and go on with the tour. So we bid our goodbyes to them, which in return they did as well with a whole lot of smiles. 
When we arrived back at the homestay Ate Cathy already prepared our breakfast. Rice, scrambled eggs, instant pancit canton (which we purchased the day before) and the Vigan longganiza. Yes, you read it right that was our breakfast. Patay gutom lang? Kaing walang bukas - Breakfast edition. Sorry I don't have pictures of which though, I was too hungry and had to dig in right away. Walang keme keme, lafang kung lafang. Nyahaha!

After the sumptuous meal we had to pack up for yet another adventure. This time we went down south of Ilocos. 


"A view of Bangui Windmills from Saud Beach" 

From afar I was already amazed by the windmills, but when I was already where they were standing, I was dumbfounded. 


"Gigantic electric fan" 


I think humongous was an understatement, but they were a beauty. You can hear them spinning as the wind from the South China Sea blew. Had this strange imagination that any moment those windmills would fall on me, but then again that was just me being morbid. Haha! 


"Like a Boss!:{
There was this one windmill that stopped turning, so I asked Kuya Arnel if that was broke. Apparently when the windmills are fully charged (or naka quota na ng ikot, as I understood) it would just stop turning. I wanted to stay longer and stare at them all day, but time was ticking and we needed to get going. 




 Our next stop was Kapupurawan Rock Formation.




It seemed like a rooster's comb. Two kids acted as our tour guide to get us to the said rock formation. It was not quite a walk in the park though since tirik na tirik ang araw. Ang jinit! There's actually horse rides available, but we opted to walk since we're on a tight budget. Nonetheless, it was a site not to miss. 
The word "kapurpurawan" means "Kaputi putian" or whiteness in Ilokano

The kids were running along the grooves, holes and curves like it was their playground. As for us...Yes, we were holding on, to our dear lives. 


"Kapit men, kapit!" 
I think the sun melted our brains because we were goofing around the whole time we were there. 




"ang jinit talaga!"
After we fried our brain cells from the heat, we went on to visit another must see place which was Cape Bojeador or Burgos Lighthouse.

"Faro de Cabo Bojeador"

We were very eager to go up top but they locked out the lighthouse for some reason. 


Anyways, the structure was already a view in itself. I personally love the red brick walls, washed out paints, and slabs of wood that witnessed the test of time. 

Sadly this was our last stop for Pagudpud

We decided to do a DIY tour in Laoag, it turned out that the places that we wanted to visit was far apart. Kuya  Arnel being so bait, offered and gave a contact to help us out, he also suggested a cheap and cozy place to stay. 

It felt comforting having Kuya Arnel around, the stories/blog entries about him was all true. He even extended help when we're already in Laoag and Vigan
Now that's another story to tell on the next post. ;)

Kuya Arnel and Tabian aka fan girl
As we rode the the bus for Laoag it dawned on me that it was parting time already, it felt bittersweet, but I promised myself to come back. 
Baon ko ang mga magagandang tanawin, mga ngiti at mainit na pagtanggap ninyo sa amin. 
Salamat Pagudpud, sa muling pagkikita. 

**********************************************************************
And off we were to another adventure! 

"Next stop..."


Wednesday, October 10, 2012

Ikot ng Buhay



Malakas o mahinang ihip ng problema ay tuloy parin ang ikot ng buhay
Bukas,makalawa ay lilipas din yan
Maniwala
Manampalataya
Magsumikap
Sige lang sa pag-inog
Dahil ang buhay ay isang paikot na paglalakbay
Gaano man kahirap ay patuloy parin...


Ang larawang ito ay ang aking munting lahok sa Saranggola Blog Awards 4 






 


 


Tuesday, September 25, 2012

Byaheng Norte Chronicles - Pagudpud

  It started with an idea to try travelling solo, but I guess that was too abrupt of a decision. So I dragged a willingly able friend/barkadude for a duo backpacking trip, and the Byaheng Norte "Ilocos Adventure" conspired. Booked tickets for Manila, applied and approved leaves, prepared the budget, and research, research, research. 
With full on excitement, we braved Manila for our side-trip.  We had the whole day to spare before heading on to Laoag, so we walked the streets of Intramuros, Rizal Park and Binondo. With our loaded backpacks we dared to commute Manila, and boy that was a challenge. Note to self: Travel Light! 
When the night came to board the bus to Laoag we were dead tired. Good thing we took the sleeper bus and was seated at the back. Amazing how they constructed the bus with double -decks and how you can recline your back up to 60 degrees. Of course being luckily seated at the back we got the luxury to recline it all the way. Jackpot!

Time check: 10 PM. I pulled my sleeping bag and off I went to Lala Land. It was a snooze feast indeed for me and my travel buddy. 

"semi-alive pa..."
Come morning I awoke with the rice fields of the North, it was such a sight to behold. I knew we're almost there, or so I think. I woke Pia (my travel bud) up, "malapit na tayo", I mumbled. With her half-awake-half-asleep self she took a quick peak at the window. "Batac pa 'to", and I raised the loser signed on my forehead.Haha 
I guess I was too excited to get off the bus and start the adventure. I waited for a few more minutes and we arrived our destination - Laoag. 





 From Laoag terminal we rode a tricycle to the nearest terminal for Pagudpud. I think we were too early since there was no bus yet. We waited for quite some time, as giddy as I was, Pia decided to call up Kuya Arnel (our tour guide in Pagudpud) for an alternative ride from Laoag, he then suggested to go for the van since it would save us some time waiting. Without hesitations we walked a few blocks from the bus to the van terminal. We hopped on to the van and quick enough (like 1 and 1/2+ hours) we arrived in Pagudpud. 

"On the way to Pagudpud" 
  We were greeted by Kuya Arnel. Deep inside I was ecstatic. Reading about him, and now finally meeting him in person was like meeting a celebrity. Fan girl lang ang peg?! 
Beforehand, we told him that we didn't have any reservations yet for Pagudpud. So he gave us options as to where to stay. We went to Saud beach and there were a lot of home stays and resorts to choose from. I then asked him about Cathy's Home stay (which I read from my research). He lead us to the said homestay, which was a few steps away from the first option.  We settled and got a room for 800 Php/day, fair and cheap enough, considering that the beach is just a few walk away. After a quick shower fix and stuffed ourselves with brunch we head on with our tour.  

"Hello from Pagudpud!"
 Kuya Arnel opted to start us with North bound destinations. First stop was Kabigan Falls. We had to get a guide for 100  Php and 10 Php entrance fee. Our guide gave us a heads up that before reaching the falls we need to trek. In my head I knew it was going to be a long walk considering the word TREK, true enough it was indeed a long walk but the sights on the way was amazing. A sea of clouds, blue skies, vast green, and mountains. It was a different scenery from the city, it came to me that I was really on vacation. Yeahbah!  After maybe a 25+ mins we reached the great Kabigan Falls. I am always in awe with falls and this was one of those moments where you can stare at its wonder. 



"pagod ka na teh?" 
 The urge to go for a swim was inevitable, we had to submit. Our guide said that the water is cold and it would relax us after the long walk. True enough, cool nga! We can stay there for a long period but since we need to see other places, so off we left. 





"Oh yeah baby!"

"Uhaw teh?"


"I'm sexy and I know right!" 

 Second stop was Patapat Viaduct. One of the highlights when you go north of Pagudpud. Curiosity hit me and I asked Kuya Arnel why it was called Patapat. He made kwento that before the viaduct was built they only had a one way road, to and fro, the road will accomodate 4 vehicles. "Apat, apat lang na sasakyan", he said. That's where they got the name Patapat. O diba? 

"Patapat Viaduct" 




"Kuya Arnel umeemo?" 

 Third stop was Paraiso ni Anton. There was a grotto and a flowing water located along the highway. I dared to drink from the flowing water, parang nasa ref ang lamig ng tubig. Pawi uhaw! Fortunately I didn't get any diarrhea, so it's either the water is clean/pure or I happened to have a stainless steel sikmura. LOL  


"Paraiso ni Anton" 

We made a quick fourth stop at the Agua Grande. Nothing much to see though but flowing water and tons of rocks. 

On our Fifth and sixth stop we went to Timangtang Rock and Bantay Abot Cave. Because I was curious (for crying out loud, I am always), I asked Kuya Arnel why it was called Timangtang (because I was thinking that the rock was timang? LOL). It's because the old people saw the rock shaped like a bell, bells that sounded like "ting-tang". Basta ganun yung pagka explain nya. Hehe 

"Timangtang Rock" 

"We climbed Timangtang para konting exercise"  

"Bantay Abot Cave" 






For our seventh and final stop was Blue Lagoon and Dos Hermanos Island. Pia and I were all hyped up since base on our research, on a good weather you can surf at Blue Lagoon. When we arrived there, unfortunately the waves were not enough for long neither short rides. Big sighs from the both of us, but to no avail we are beach bums, make use of what is there. Bira! We played with the waves, sun bathed and chilled. 

"Blue Lagoon" 

"Dos Hermanos" 
Time Check: 6 PM. After we had our fill with the sun, sand and sea, we went back to Saud and call it a day. 

"A sight of Bangui windmills from Saud"

"Wagas" 

And To cap off, we were greeted by Saud Beach's sunset.  Hamazement! 

******************************************************

"Next stop..."