Tuesday, April 26, 2011

toslob sa oslob

Sa mga nagbabasa ng aking kalokohan dito sa aking blog, alam nyo na siguro na may sariling buhay ang aking mga twinkly toes. Heavy gala na naman ang nangyari sakin last weekend. At dahil sa summer di na nagpapigil ako sa beach excapade ko. 
Pupunta sana akong Bantayan Island, pero dahil sa budget constraints at dahil din sa maglilipat haybol na naman ako for the nth time around eh nagiba ng plano. 
Ganito kasi yown, hindi ako niyaya ng kung sino, ininvite ko ang sarili ko. *big grin* 
Papunta kasi ng Oslob ang bespren ko kasi taga doon ang boyfie nya, so since na cancel ko na ang Bantayan getaway ko might as well na sumama ako sa kanila for a change. 
Ektwaly, mas cheaper pag sumama ako dahil free accommodation and all that churvaness except for the fare. Ang kupal ko naman siguro kung isasama ko pa yown, eh self invite ko lang naman ang trip na ito. 
Eto na, umalis kami ng Sabeerday morning from Cebu City to the province of Oslob, which is a 3 hour bus ride from the citeeey. Sa tagal naming hindi nagkita at nagusap ng aking bespren eh halos tatlong oras din kaming nagcatching up sa bus, eh kami lang ata ang maingay sa bus, pero kebs parin. Kami kasi ang tipong kahit 'di nagkikita at naguusap ng mga ilang buwan eh pag nagkausap na in person ay parang yesterday lang kami magkasama. In short ganyan kami ka close. Pag arrive namin, eh heavy relatives pala ang sasalubong samin. Yah know na pag nasa province close family ties and all. They had this warm welcome that you'll surely would appreciate. 
Sige na fast forward na nga tayo. Eto na dahil Easter Sunday, we attended the Salubong mass na sobrang aga, pero go parin. Tapos ng mass eh pictorials galore.


Here na -


"St. Mary's Church"

"Another shot" 


"and more..sa labas"

 The church was built in the olden times. Hindi ko na natanong kung ilang taon na sya pero as you can see mas matanda pa sya sa lolo ko. A bit of fact - nasunog ang church before pero miraculously hindi nasira ang outer facade nya, kaya intact at so gorgeous parin. Ang mga walls ang arches sa pictures eh isang Kuartel na nagsilbing barracks ng army noon. Medyo konti nalang ang naiwan, umabot kasi ang dagat over there kaya mga portions nalang ang natira. 


"ruins of the watch tower and me trying hard timang na nagjump shot"  
Eto ang natira sa watch tower. Chunk nalang dahil na wash out ng dagat. And Speaking of dagat, syempre hindi pahuhuli ang mga beach sa Oslob. 


"oh yeah! beach baybeh"
Big thanks to my major sponsors - 

"bespren/co-beach bum"
"the boyfie/host and bespren"
Kamusta naman ang nagsimula kaming magswimming mga 11 am something, natapos kami mga past 3 pm na? Kaya ngayon, ang hapdi ng sunburn. Mangiyak-ngiyak ako sa hapdi. 
Pero kebs, as always na enjoy ko naman ang beach, at uulit pa ako.*hehehe* Humanda! 
By the way highway, bago ko makalimotan. Ang ibig sabihin pala ng toslob eh dip or to take a dip. Oh, yan na muna sa susunod na excapade muli. Sige bye! 

Tuesday, April 19, 2011

kung gago ka, wag kang magmaneho!

Still have the weekend hangover. Hindi alcoholic hangover ha, marami akong na realize over the weekend at hanggang ngayon eh traumatic parin. I was shocked about the death of AJ Perez, hindi dahil sa (1) close kami of some sort, (2) fan ako- w/c is by the way hindi,or (3) twitter/fb follower ako nya. Nalaman ko rin lang na namatay sya dahil it was all over social networking sites. At dahil na curious ako, nagpatulong ako kay mr.google, eto ang malupet na article. 
Before the incident, syempre weekend dapat gumala ang tabian. It was an impromptu lakad na naman. Dahil natulog ako whole sabeerday eh energize much ako by night time. Daig ko pa ang energizer bunny kasi pag weekends except noong nagkasakit ako. 
Maybe it was about 9pm na ako bumangon, text brigade sa mga barkadudes para gumala. Everything was set. Pumunta kami ni june sa haybol sa 'sang barkada namin. Dahil nga may sasakyan ang barkada naming yown, go kahit saan. Ready na. We're all set to go. Nang papunta na kami sa aming destinasyon para maghasik ng lagim, may nadaanan kaming group of teenagers. 
Mga magbabarkada rin, sakay sila ng dalawang kotse. Syempre we noticed them kasi ang ingay nila and hinay hinay rin sa pagmamaneho ang barkadude ko. Parang nakainom narin siguro sila. At a distance kita namin na nakasunod sila sa amin, mga limang dipang tao siguro ang layo nila. Kita namin kasi ang sasakyan ng friend ko ay parang mini multicab/pickup, so open likod. 
Sa isang iglap me narinig kaming skretch ng kotse. Pagtingin namin ang isang kotse na kasunod namin eh bumangga na pala sa nakaparadang taxi, umikot ang kotse ng 360° at tumilapon ang bumper. Napahinto kami sa gulat, mga isang kotse siguro ang layo namin sa tumilapong bumper. Siguro kung napalapit kami ng konti, sabog! Tatamaan talaga kami. Bilang kami ni june ang nasa likoran ng sasakyan, kami ang magiging casualties kung nagkataon. 
Huminto nang saglit ang kotseng nakabangga, tumingin tingin sabay may sumigaw -


"Tara bilis, bilis!"
Kumaripas ng takbo ang kotse at sumunod narin ang isang kotseng sakay din ang barkada nila. Bilang napahinto kami, kitang kita namin ang buong pangyayari. Pagdaan pa nila, kitang kita na nakangisi pa ang hinayopak na driver with his friends. Sa pagkakataong yown, dali dali naming kinuha ang plate number ng sasakyan. Pero parang sa bilis ng pangyayari, naging blurry ang lahat. Walang plate number na nakuha. Naging concern nalang kami sa nabangga nila. Bumaba ang barkada ko to check if there was someone na sakay sa nakaparadang taxi. At meron nga. Kaya pala nakaparada ang taxi kasi natutulog ang driver sa loob. 
Wasak ang likoran ng taxi. Lumabas ang driver kahit hilong talilong sya sa pangyayari. Natakot kami sa kalagayan ng driver. Morbid akong tao pero when it comes to this, parang ayokong nakakakita ng totoong nakabulagta at duguan. Jusko po!
Confirmed that he was ok, tinignan namin ang lumipad na bumper. Ang loko naiwan pati ang plate number. Buti nalang at nagkaganon. Naka hit and run sya pero nagiwan pa ng ebidensya, buti nga! 
Nagsidatingan ang mga repapeps, alam mo naman ang pinoy pag may ganitong mga eksina, daig pa ang langaw na umaaligid sa tae.
Umalis kami sa scene of the crime, kasi alam naming everything will be taken cared of at dumadami na rin ang mga langaw tao. 
Pumunta kami sa nearest ATM para may maiwaldas naman kami sa tagayan session. Malapit sa ATM nakita namin ang kotseng walang bumper, familiar. Fortunately nahuli ang guy na nakabangga, kung hindi pa naman sya ang pinaka engot, bumalik pala sya sa scene of the crime para kunin ang bumper ng sasakyan nya. Ayown huli tuloy, again buti nga sa kanya!
Naging pulotan namin ang nangyari. Swerte kami at hindi kami ang nabangga. 
Swerte at walang nasaktan sa pangyayari. Swerte at nahuli ang hinayopak. Swerte kami sa mga kaonting segundo na hindi kami ang nasa likoran ng kotse, malamang sa alamang eh wala ako ngayon at nagkukwento sa inyo neto.
Kung Gago ka, wag kang magmaneho. Kung gago ka, wag kang uminom at magmaneho, may sakay ka pa naman. Gago ka, at pinahamak mo ang iba. Gago ka at hindi ka nagiisip. Gago ka, natraumatize ako, sa tuwing malapit ako sa mga sasakyan ngayon ay laking takot ko na. GAGO! 
And its sad to admit, naglipana kayo!
Bakit may relate etong post ko kay AJ Perez? Dahil namatay sya sa car accident. 


------------------------------------

Kung umabot ka sa linyang eto either tinapos mong basahin ang post ko (salamat) or nag skip read ka (ok lang)*roll eyes*. 
On a lighter note. Dahil sa dami ng catching up to do at kwentong na pending ng mga barkadudes ko ay inumaga na naman kami sa tagayan sessions.


"nyeta! ako na ang parang na e-ebs ang smile"

Tuesday, April 12, 2011

weekend wawa



Hindi naging mabait sakin ang weekend. Rest day ko paman din, pero wala, wala akong ginawa kong hindi humilata. Nagkasakit ako, sorry naman. Lagnat ng bongga at sore throat. Nagbabadya na talaga na magkakasakit ako last Friday. Bahing dito, sneeze doon, kaliwa't kanang atchoo! Pero sabi ko sa sarili ko, hindi pwede, may gala this weekend. Sasama ako sa Camotes Island, white beach and excited much dahil first time ko makapunta doon. 


Ang plano eh Sunday morning kami lalarga, so sa isip ko ok lang na magkasakit sa Sabeerday wag lang sa araw mismo na aalis kami. Paguwi ko galing office, eh syempre Saturday morning na yown, may kakaibang lamig na akong na fifeel, pero kebs parin. Nagyaya pa nga ako kay nieco ng tagayan session. 
Before mag session, chumibog muna kami, pero talagang di na nagpapigil ang lamig. Nasa labas na ako sa office at sikat na sikat na ang araw eh naka jacket pa ako pero malamig parin. Nagsimula naring sumakit ang ulo ko. Kaya pagkatapos ng chibog, walang tagayang naganap. 


Umuwi ako at lumagok ng biogesic, nagbabakasakaling umokey. Nakatulog ako mga 9am at  naka set na ang alarm ko to 3pm, magpapalaundry ako pagkagising. Nagising ako ng mga 1pm siguro dahil sa lamig. 
Sing lamig na ng Siberia ang kwarto ko. Pinatay ang electric fan at lumagok uli ng tabletas na iniendorso ni john lloyd, pinatay ko na ang alarm. By this time, parang nang hina na talaga ako. Unti unti ko nang tinanggap na walang lakarang mangyayari kinagabihan. 


Marami na akong napanaginipan, kung ano-ano nalang ni hindi ko na maalala sa taas ng tulog ko. 
Deep inside nananalangin ako kay papa jes na sana umokey na para makasama naman ako sa Sunday. Sabeerday night, medyo umokey na ang lagnat ko, nagdecide akong maligo, which is by the way a wrong move. Ang laki kong engot, yown pala ang ikahihina ng powers ko.


Feeling fresh pa akong lumabas para kumain sa pinaka malapit na fastfood na may malaking bubuyog. 
Paguwi ko nagmarathon pa ako ng debede, then suddenly, naramdaman ko na naman ang lamig. 
Patay! Parang lalagnatin na naman ako neto, ayown bat kasi naligo. Wala akong nagawa kundi tumungga na naman ng biogesic, halos naubos ko na yata ang isang baon pack, yung may walong lamang tablets. Bumili pa nga ako ng panibago kasi naubosan pa. Pagkatapos lumagok, nag gear up (pajama, jacket, makapal na kumot) na ako para matulog. Lumamig uli ang kwarto ko. Sa kapal ng jacket at kumot ko ay ramdam ko parin ang lamig.Lentik! 


Sa mga oras na yown, ng papapikit na sana ang pumopungay kong mata tumunog ang aking selopono...

"6am ang dating ko, uuwi lang ako at magbibihis tapos larga na tayong camotes"
2am na text galing sa barkada ko. 
Nak ng tipaklong! Pano 'to? Homayghad! 
Suntok sa buwan kung makarecover ako sa kalagayan kong 'to. 
Wala na, wala ng pagasa na gumala at mag beach.
"Pass na muna ako...may lagnat pa kasi ako, with matching chills..di rin ako mageenjoy. Next time nalang siguro"
At gumuho ng pagka bongga ang aking world. Gusto kong maluha ng pagkadami daming popcorn sa panghihinayang...
"Sure? Matagal pa tayong makakabalik don.."
Eto lang ang sinagot ko - 
"Ok lang, may next time pa naman eh...enjoy nalang kayo"
Nyetang katawang lupa, hindi talaga nagcooperate. Natulog nalang akong hilo sa pinatutungga kong biogesic. Sunday morning, umalis ako at bumili ng gamot. Iba naman, para kasing pinagloloko na ako netong si john lloyd sa mga ingat lines nya. Nagpauto naman ako sa iba, bioflu naman. Nag self diagnose at self medicate na naman ako. 


Ang hirap kasi sa hindi pa regularized sa trabaho, wala ka pang coverage sa health insurance. Next month pa kasi ako mareregularize(fingers crossed). Bawal magkasakit. Sa awa naman ni papa jes naka recover ako, may side effect nga lang. Nang pumasok akong office Monday night eh hilong talilong pa ako sa mga pinagiinom kong tabletas. Nang pumunta akong clinic mahaba na ang pila, umalis nalang ako baka bigyan lang ako ng biogesic. Nang simulan ko ang entry ko na 'to Monday night, natapos...Tuesday morning. Ako na ang parang junkie. 




Nagkandaduling din ako sa pagsulat ng entry kong 'to. Side effect din siguro. Lech!
Nagkandaduling din ako sa pagsulat ng entry kong 'to. Side effect din siguro. Lech!
  
"ingat mo muka mo!"
 

 

 


Saturday, April 9, 2011

blurt of the day

"Dearest,
Do you know how much in love with you I am? Did I trip? Did I stumble – lose my balance, graze my knee, graze my heart? I know I’m in love when I see you. I know when I long to see you, I’m on fire. Not a muscle has moved. Leaves hang unruffled by any breeze. The air is still. I have fallen in love without taking a step. You are all wrong for me and I know it, but I can no longer care for my thoughts unless they are thoughts of you. When I am close to you, I feel your hair brush my cheek when it does not. I look away from you sometimes, then I look back. When I tie my shoes, when I peel an orange, when I drive my car, when I lie down each night without you, I remain, yours.♥"

                                       - The letter in the movie " The Love Letter". 

Friday, April 8, 2011

to sir, with love


Dahil medyo wala pa akong gala kasi nga sick pa nang konti at nagiipon pa ng strength para sa next jump shot, eto at nagmamarathon nalang muna ng debede. To Sir with Love.


Hindi ko alam bakit yown ang title ng movie, eh maam naman ang teacher. Babala lang sa mga mahihina ang sikmura, hindi ito para sa inyo. Simple lang ang plot ng story. 
Reunion ng magkakaclassmate at ang maestra nilang may sakit at naguulilyanin. Ang reunion eh naganap sa cottage house ni teacher. Nagsidatingan ang mga old students ni maam. At first medyo dragging ang story kasi meet and greet at sari-saring kamustahan, hanggang sa naungkat ang history. Nag flashback ng bongga ang mga classmates. Na remember nila ang mga pinagagawa ni maam sa kanila noon. Si class president at vice pala eh hinamak ni maam dahil sa kahirapan, si jock - pinalo ni maam ng bongga dahil hindi pinanalo ang team sa relay, ayown naging step no-step yes ang lakad ngayon. Si pretty boy - dahil nga pretty boy eh minolestiya ni maam (kadirdir). Si obese girl - naging laughingstock dahil nakasira ng weighing scale at sa pasimuno na rin ni maam, na ngayon eh seksing cheching na obsess sa plastic surgery. Si shy guy - ang di nakapag pigil at tumae sa klase na pinagtawanan ng buong section calamansi dahil din sa hudyat ni maam. Oo, si maam ang pinaka bad sa story. Pero wait na malupet. Hindi pa complete ang story. Isa isang pinatay ang mga classmates. Ang suspek - ang anak ni maam na deformed and mukha at nakatira sa basement. The creepy part is the killing spree. Koya wores a bunny mask pag pumapatay na. Interesting? May matinding twist sa story na hindi ko sasabihin para may abangan naman kayo. That is if you have the guts to watch this movie. 




Eto konting patikim - 


"Ang haybol ni maam"



"The gang - aka mga tomador"

"maam pengeng cake?"


"pretty boy -huh?"
Babala: Ang mga susunod na piktyurs ay para lamang sa mga mala stainless steel na sikmura. 

-

-

-

-

-

-

-

-

-
"don't tell me I didn't warn you"

 May mga eksinang parang hindi ko na keri pero in fairview natapos ko sya. *evil laugh*

Wednesday, April 6, 2011

viliam


At dahil lusaw pa ang utak ko eto na muna ang aking post na napulot ko lang din. Viliam ang batang gawa sa papel, enjoy!


Sometimes, life is not always what we want it to be.

Tuesday, April 5, 2011

sick

"in bed"
I'm feeling quite sick the past few days. I've been having this re-occurring headaches, specifically on my left temporal part of the head. Having a hard time sleeping even if I took aspirin just to get rid of it. Been homesick and terribly wanted to go home, but I can't. Don't know if this is due to stress or any of some sort. I need a break.  

    Thursday, March 31, 2011

    fact me, oh yeah, fact me!

    Ang dami ko nang drafts, hindi ko matapos tapos. Minsan talaga lusaw ang utak ko. Kaya eto mageentry na ako ng gusto ko lang isulat. 

    • Tabian is Cebuano term for talkative, madaldal, o makwento.
    • Makulit. Madalas pa sa madalas eh may topak. Maingay (on a normal bases) pero tahimik pag may sumpong.
    • Gustong gustong pumayat pero pang construction worker kung lumantak ng chibog.
    • Extra rice is ♥.
    • Nag gym narin noon. 1 week lang naging religious sa pagpunta, naging once a month, nainip at tumigil.
    • Gusto maging chef. Kaya magsaing ng kanin, prito ng itlog at expert sa instant noodles.
    • Mahilig sa pancit canton. Nakakaubos ng 3 pakete sa isang upuan lang, hindi ko alam bakit. Chili-mansi paborito kong flavor.
    • Pag nagluluto ng instant noodles dapat 2 eggs. Mas maraming egg, mas masaya (wag green, sadyang mas masarap pag dalawang itlog).
    • Mahilig sa siomai, ginabut (chicharong bulaklak), balut at street food. Mahilig din magkakain sa bangketa, rubbing elbows with the ordinary people (feeling extra ordinary daw ba ako?).  
    • May short attention span, mainipin for short. Isang kutsarita lang ata ang pasensya ko sa maraming bagay.
    • Hirap matulog pag walang kulambo sa paanan. Oo, ako na ang may sakit at weirdo pero mula ng bata pa ako eh ganito na ang habit ko. Ganito rin ang mga kapatid ko. Hindi ko rin mapaliwanag, kung may scientific explanation kayong nalalaman, please enlighten me. *hehe*
    • Hirap matulog kung may katabi. So good luck to me in the near future, at good luck na rin sa husband (kung meron mang dumating. *fingers crossed*)
    • Frustrated Veterinarian. Mahilig sa hayop, except sa mga animal kong ekis (bitter much?).
    • Mahilig sa kulay RED. Oh yeah!
    • Morbidity is an understatement pagdating sa movies.
    • SAW. Favorite movie of all time.
    • Curious sa maraming bagay.
    • Independent.
    • Positive thinker (except for the pregnancy kit..nyuk!)
    • Masayahin.
    O sya, yan na muna. Major facts tungkol sa inyong lingkod, bow! 

    "caught in the act!"

    Tuesday, March 29, 2011

    paalam



    Walang pagsidlan ang aking kalungkotan ng ika'y lumisan

    Hindi ko inaasahan na sa maikling panahong tayo'y nagkasama ako'y iniwan mo na

    Sa tuwing ika'y aking kapiling, ngiti ang lagi mong dala 

    Ikaw ang nagbigay ng  mga ala-ala, ng mga kahapong kay saya

    O bakit lumisan ka

    May luha, pighati at lumbay sa iyong pagkawalay

    Batid kong maiibsan rin ito mahal ko

    Kaya sa huling pagkakataon ito ang tanging alay ko

    Paalam

    Paalam mahal kong Ex

    Paalam

    -

    -

    -

    -

    -

    -

    January 2009 - March 2011






    Friday, March 25, 2011

    blurt of the day

    "So what God is saying here is get drunk. It’s totally cool. Just clean up afterward."
                                                                  -Neil Straus 


    (An excerpt from- The Meaning of Life and the Secret to Happiness) 


     Big thanks to Jakey Junkie The Bunny for the link. Pindot!

    Wednesday, March 23, 2011

    wholesome ako...promise!



      I've been watching TV series for quite sometime now. Gossip Girl, CSI, Beverly Hills 90210, Big Bang Theory, Outsourced and Criminal Minds to name a few. At umeenglish na naman ako, nyuk! Eto na nga, kasi may bago akong kinahuhumalingan ngayon and I bet sa mangilan-ngilan na nagbabasa ng blog ko (kung meron man, salamat) ay eshashare ko lang. This is one of the series that you won't regret watching (may plugging talaga on the side). This is so life changing, parang 700 Club lang. And here it is... *drum roll*




    Season 1

    Season 2

    Blood, gore, and sex. Dahil ako na ang weirdo at likas na mahilig sa madudugong eksina, eto na talaga ang hulog ng heaven sakin. Walang keme ang series na itey, patayan kung patayan. A story of a man turned into a gladiator by fate, in short wala syang choice. Kung nanginig ang laman mo sa 300 na movie, dito kikiligin ka sa mga eksina, hindi dahil mushy or may nag HHW kundi dahil siksik, liglig at umaapaw ang dugong lumalabas sa patayang nagaganap. Alam kong parang nag back read ka sa blood, gore, and SEX. Yep, you've read it right. Spot on kung baga. Soft porn daw sabi ng kabarkada ko. In fairness may disclaimer naman sila.  
    "Spartacus depicts extreme sensuality, brutality and language that some viewers may find objectionable. The show is a historical portrayal of ancient Roman society and the intensity of the content is to suggest an authentic representation of that period."


    Pero parang isang episode ko lang nakita 'tong disclaimer lumabas. Hindi rin ako na warningan na may mga hindi pambatang eksina na magaganap.(weh?) Baka na forward ko lang siguro sa mga boom boom pow scenes. Naka 2 seasons lang ang series na eto hindi dahil na ban sila of some sort, kundi dahil si Spartacus (Andy Whitfield) eh nagkacancer. Henyways, hindi ko na pahahabain eto, kayo nalang ang mag discover how life changing ang series. 


    Eto mga patikim:


    "mainit ba koya?"

    "mainit din daw sabi ni ateh"


    "si Xena at si koya sa The Mummy"



    "wag dyan, may kiliti ako dyan"


    "hindi 'to aandar, so wag mong pindotin...masyado kang excited"


    Note: Thanks to mr. google sa mga piktyurs.

    Tuesday, March 22, 2011

    sonofabeach



    Dahil kating kati ako na magpa-araw at mag swimming, nagyaya ako sa barkadudes ko na mag beach last Friday. Impromptu, go lang over the weekend. 
    Sa kasamaang palad eh hindi nagpakita si pareng sunshine at nagtampo yata. Umulan buong araw ng Sabado. Dahil sa frustration ko, napapanaginipan ko na nasa beach ako. 
    Kinagabihan ng sabado uminom nalang kami. Kahit sa inoman eh yown at yown parin ang pinaguusapan namin. Kung bakit hindi pumayag si papa jes na magpa-tan kami. Mga madaling araw na ng tumigil ang ulan. 
    Para kaming lintang nabuhusan ng suka sa excitement. Here we go final na eto, beach kung beach! Pumunta kaming molabola (Moalboal). Its a two hour bus ride from the City. Larga!
    Umalis kami na tirik na tirik si sunshine. Sumakay ng bus, at kahit sa layong dalawang oras na byahe eh hindi namin ininda. 
    Dahil sa excitement pinagdisketahan kong piktyuran sila koyang nagbebenta ng ice tubig, chicharon, at isaw. Si manong driver at kahit paa ng mga kasama ko eh pinunterya ng aking lente.

    "oh yeah! on the way to molabola"
    Syempre sulit to the max ang saya dahil sa kanila...

    "ang aking mga kaladkarin barkadudes"
    The sun, sand and the beach...olala!

    "pang postcard piktyurs :)"

    At hindi pwedeng ma-absent eto...

    "obligatory jump shots...yeah baybeh!"
    Before mag babye...

    "sunset piktyurs...aylavet!"
    Over all eto lang yown eh...

    "tabian-pretending-to-be-a-serena look"
    Hindi ako naging tan. Nahulog pa ang aking camera at nasira. 
    Pero na enjoy ko ng bongga ang getaway namin. 
    All in all, it was a blast! Obyus much? 







    PS. 


    Dahil mainit sa beach, eto ang nasagap ng aking camera...
    -
    -
    -
    -
    -
    -
    -
    -
    -
    -
    -
    -
    -
    -
    "boom boom pow sa tabing dagat...huwaaaaaat? *big grin*"


    Friday, March 18, 2011

    blurt of the day

    "Assumption is the mother of all f*ck ups"
                                                                   - Anonymous  

    pamilya

    Happiness :)

    Nahalungkat ko sa baul. Eto lang ang family picture namin na kompleto kami. Summer yown hindi ko na maalala ilang taon ako, vacation with the whole family sa Siquijor. Ang lampayatot ko pa dito. Kamusta naman ang bathing suite ni mudrax at ang abs ni fader. Halatang namimis ko lang talaga ang pamilya ko. *teary eyed*

    Monday, March 14, 2011

    the beer, the videoke, and the scandal

    Its Sunday..ay Monday na pala. Maraming nangyari sa amin kanina (if I may say) dahil inumaga na naman ang tagayan sessions namin. While I'm writing this entry ay on going pa rin ang session. Sa totoo lang hindi ko talaga ma gets kung bakit napaka possessive ng girlfriend ng kabarkada ko sa kanya. Ganito kasi yown, we went out since umuwi ang kaibigan namin from Manila. So get together ang show. Kumain tapos ang usual routine catching up over a bottle of beer or so. Syempre sinama namin ang kabarkadang  may gf na super hitad at insecure nyetaness. Nakakasama lang namin ang barkada naming yown pag wala ang hitad or may war of the worlds sila. Parang mabibilang ng isang kamay ko ang beses na makasama namin sya, so usapang walang humpay, tawanan at ukrayan to the nth level. Itago nalang natin sa pangalang sun ang barkada ko. Si sun may trust issues na talaga sya with the gf, pero that was so long ago, and take note they're still together despite that fact. Ang hindi ko maintindihan kung bakit kahit kami ang kasama eh aligaga etong si ateh. Parang kapatid lang ang turingan namin ni sun, matagal na rin kaming magkabarkada so parang incest na kung patulan namin sya. Nag open-up si sun na hindi sila ok, at parang wala na syang gana sa sex nila. Kahit kiss nga eh hindi na nya ma atim. So there's no point to stick with the relationship if wala na talaga. Ang rebuttal ng gago naawa daw syang iwan sya. Sabi ko sa kanya " engot ka pala, kung pity lang yan eh wag na kayong maglokohan. Nyeta hindi mo na mahal, bat mo pa patatagalin?". Si sun tulaley at walang ma isagot. Bilang, matagal na nilang issue yan at ulirang kaibigan nerespeto ko desisyon nya. Ganyan naman talaga eh, hanggang advise ka nalang, nasa sa tao na rin kung gagawin nya yown. The whole time we were together bukang bibig nya ang problema nila. Marami akong sinabi, kesyo masyadong syang push over kaya ginagawa ng hitad na yown sa kanya, sya ang may balls - dapat na magmatigas naman sya at umalis nalang muna, at pumapayat na sya sa pangyayari. It was always the same conversation that we have. Nagiging cycle na nga lang ang lahat, today ok sila, kinabukasan aatake na naman ang di ko na eexplain... Sa kasarapan ng videoke at inoman namin, hindi ko namalayan na tumatawag na pala ang gf ni sun sa aking selepono. Ngumangawa kami doon na parang wala ng bukas, so expected na di ko talaga mapapansin ang tawag nya. Biglang may nag open ng pinto sa videoke, gf ni sun. Umuusok ang tenga at ilong sa galit. Ang siste kasi, pinapauwi na pala si sun eh sa nag eenjoy pa sya at late narin ng sumabay samin. Tumatawag din pala sya sakin para pauwiin na sya. WTF? Parang eksina sa pelikula, nanlaki ang mata ng hitad samin, hinila nya si sun at sinampal ng walang ka kem-keme. Ay nag scandalous acts ang gaga, hinampas ang pinto at muntikang magwala. Na shock much ang beauty ng tabian and friends. Hindi namin inakala na she would go that far to get his man to go home. Pinigilan ni sun si gf sa pagaway samin. Lumabas at nagusap. Hindi kami kumibong magbabarkada. Pero dahil sa abnormal kami, tuloy ang kanta (sayang naman ang babayarang oras noh?). Binukas muli ni gf ang pinto sabay sambit na " kanina pa ako tumatawag, kanina pa ako sa labas, you know how that feels? So masaya na kayo?" at nakatutok pa sa'kin. Hindi ko sya pinatulan. Gusto ko sana syang sabunotan, sa laki kong 'to tignan lang natin kung hindi ka manghiram ng mukha sa aso. Pero dahil barkada ko si sun, I didn't stoop down to her level. Umalis silang hindi ko alam kung na fix ba, nagkalimotan sila all the way sa bahay, tinarak ba nya ang kutsilyo kay sun or either ways, or naging ok ang lahat, at magiging cycle na naman ang nangyari. Patapos na ang entry kong eto pero hindi parin dumarating ang barkada kong si sun. Last text nya samin, aalis na daw sya doon (oo,live in sila and it makes it harder for things to happen) at itutuloy namin ang session. Wala ni anino. At a single's point of view, hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi nya maiwan-iwan ang gf nya, eh hindi na naman nagwo-work ang lahat sa kanila? As far as I can remember, may bf pa ako eh issue na ito, ngayon na single na ako at wala na ang mga hinayopak kong boypren ay ganito parin? I pity both of them. Sa opinyon ko lang, staying for the comfort and having a relationship just for the heck of having it is such a waste of time. Pity will never be enough to fill the hallow spaces of the f*cked up relationship. When you loose trust, parang thank you nalang lahat, unless you're willing to forgive and forget. Hahay ewan!















     Tagay ko na pala...

    Saturday, March 12, 2011

    randoman sa last day shift

    office - monitor - keyboard - mouse - notes - coffee - usb - chow mien - nachos -  break sked 

    "office anik-anik"

    Happy weekend everyone! :)

    Thursday, March 10, 2011

    Blurt of the day

    " Kung wala kay valid ID, does that mean   di ka valid person?"
                                               - Tabian

    Wednesday, March 9, 2011

    mangaon nata!


    Dahil dyeta ako, walang gana at may lock jaw, nagyaya akong mag food trip last Sunday. Pumunta kaming The Gallery para umpisahan ang krimen. First stop, Boosog, homegrown Cebuano restaurant specializing in authentic Filipino and lutong bahay dishes at unbeatable prices. Naks! Parang commercial lang. Ang susunod nyong masasaksihan ay ebedinsya ng krimen...
    "Ready, set...kainan na!"
    Boosog Lasang Pinoy Restaurant
    "Only in the Philippines...hehe"

    "Order time"

    "ang walang kamatayang bottomless iced tea.." 


    "Squid with ata - hindi ko alam ang ata sa tagalog, basta yung black ink ng squid yown...hehe"


    " in all fairness masarap sya..smile ako pagkatapos"

    "Chicharon Bulaklak - heart stopper"


    "crispy and yummy..."

    "Bam-i - pancit guisado chorva"

    "pampahaba ng buhey"





    "the after math...hehe"



    "damaged, cheap and cheerful"
    In all fairness the food tasted good. Very homey ang lasa and the serving was quite ok. Kung gutom much baka sakto lang sayo, pero kung pang date lang at gusto mong pakyut na kain, eh good for two na serving nila. Hiningal ako pagkatapos, kamusta naman ang unlimited rice, which by the way my weakness. *big grin*  Boosog is so busog much .
    Syempre hindi pahuhuli, I still had room for dessert at that time. Next stop, FIC (fruits in ice cream). Sabi kasi ng kaibigan kong mahilig mag food trip din, worth it ang mga ice cream nila and I should try their butter scotch flavored ice cream baka kasi daw makalimotan ko ang pangalan ko. At hindi ko na pinalampas. We went to The Pantry , which is a few stores rin lang from Boosog. The place was a deli/dessert/sandwich shop. 



    "may mga coffee, wine and special Spanish sardines" 


    "Some of their ice cream selections"



    "they also have yummy cupcakes..nomnom"
    "eto pa..nakakatakam"
    "yum,yum.."


    "sorts of cupcakes and cakes, hindi na ako lumapit...mahirap na"
    "Butterscotch ice cream - dahil nga dyeta ako, eto lang inorder ko"


    "pansinin ang dalawang kutsara"
    "asan na ang isa?"
    "tada! may tooth ache po ako, walang gana much..."
    I was looking for a word to describe the taste, ang ending na tameme nalang ako sa sarap. Umalis kami doon na bundat. *burp*