Friday, August 9, 2013

Yung tipong...

Yung tipong aayain na nya ako na magshopping, tapos sasabayan pa ng ngiting hinding-hindi ko ma hindi-an... 
Yung tipong hirit na, "Ate wala na tayong ganito..." or "Sira na yung ano..."... 
Yung tipong titingin-tingin lang daw kami sa may kitchen section, ladies wear, or sa grocery dahil wala ng ganito, ganyan... 
Yung tipong may dala na syang push cart na puno na ng kung anik anik...
Yung tipong nasa counter na kami...
At mapapa speech nalang ako ng "Patay tayo dyan!" *facepalm* 
Ito yung mga moves na dinadaga ako sa dibdib at napapaluha ang wallet ko ng bongga.
Ganyan ako kamahal ng nanay ko. Hinuholdap nya ako! 
Sa aking pinakamamahal na holdaper sa buong buhay ko (kayo ni papang para fair..hehe)
Happy Birthday Mang! 
I LOVE you ng todo, todo!!! 


Tuesday, May 21, 2013

Bakit wala kang boypren?

Aside sa "What is your favorite food?" (na hanggang ngayon, tamaan man ako ng sandamukal na kidlat, ay hindi ko parin maalala ang sagot) isa rin sa hindi ko masagot-sagot eh ang tanong na "Bakit wala kang boypren?".

Scenario 1

Tumawag ang nanay ko para mangumusta...

Mamang: Oh Kamusta ang byahe mo? 
Tabian: Ok naman. Eto ang itim itim ko na mang, super negra na!
Mamang: So nagkaboyfriend ka naman sa pag gala-gala mo? 
Tabian: *tulaley* O__o

Ganyan po ang nanay ko. Casual lang po sa kanya yan. Imbes na tanungin kung kumain na ba ako eh mas concern po sya sa Lovelife ko. Kumbaga staple po yan sa tuwing tumatawag sya. Kaya may paunang bati akong naimbento sa kanya sa tuwing tumatawag sya...

Mamang: Kamusta ka na? 
Tabian: Ok naman po, mang wala parin po akong boypren. Wag nyo na po akong tanungin.
Mamang: *nga-nga*  

Scenario 2

Sa Office...

Office mate: Mam may boypren po ba kayo?
Tabian: Wala.
Office mate: Bakit po kayo walang boypren? 
Tabian: Sa wala eh...
Office mate: Diba may mga barkada naman kayo?
Tabian: Oo, marami. Bakit?
Office mate: Diba nagiinuman naman kayo?
Tabian: Minsan, bakit ba? 
Office mate: Hindi ba naman sila nagdadala ng iba nilang friends para makipag-inuman sa inyo?
Tabian: Minsan...bakit ba kasi? 
Office mate: Eh kahit isa po sa kanila mam wala kayong naging boypren? 

Sa mga panahong ito gusto kong bigyan ng malutong na slow clap si officemate...

Tabian: *poker face* Aba mam, hindi naman po ako nakikipag inuman para magkaboypren. 
Office mate: Ah ok, ang akin lang eh kung may pagkakataon lang naman. Hehe

At humirit pa talaga!

Scenario 3

Post BEERday celeb with barkadudes...prayer before kain.

Barkadude: Lord salamat po sa pagkain...at sa pagbigay nyo po kay Tabian ng another year to live (parang madedead ako any time lang 'no?) at sana po Lord next year na birthday nya eh may boypren na po sya...Amen!

Natats naman ako ng bongga..gusto kong maluha ng pako! 

Scenario 4

Dahil nga hindi ako nagdedate or kung ano man, gumawa ng drastic move ang isa kung barkadude...

Barkadude: Punta ka sa bahay bukas ha?
Tabian: Bakit? Ano meron? 
Barkadude: Wala lang. Basta punta ka lang videoke tayo. 
Tabian: Sige go!

Kinabukasan...

Barkadude: Tabian si (insert guy's name here), officemate ko. (insert guy's name here) si Tabian nga pala, single yan, malaki sweldo, wala nang pinapaaral. *wink wink* 

Ganyan ang introduction nila lage sa akin. Napaka true friends nila noh? 


Hindi ko po talaga alam kung bakit wala akong boypren, kasi alangan naman na ligawan ko ang sarili ko diba? Eh di nagmukha naman akong timang sa lagay na yun. Sa ngayon kahit cliché man pakinggan (lalong lalo na sa mga single pa hanggang ngayon), eh masaya po akong single. Masaya na ako ng paflirt-flirt here and there lang muna. Charot! Naeenjoy ko pa yung PBB teens stage muna. Charot ulit! 
Pero seryoso, hindi naman ako nagmamadali kasi hindi naman 'to unahan eh. Darating ang darating. May time ako, kaya intay intay lang muna. 

"wala akong boypren...dahil busy ako!" 

Tuesday, April 16, 2013

What is your favorite food?


Ito ay hango sa tunay na pangyayari.


Kanina, hindi ako makalog-in sa SSS online dahil nakalimutan ko ang user ID at password ko. Para makalog-in kelangan mag retrieve sa email na ginamit sa pag register. Kaya nag log-in ako sa Email na ginamit sa pag register para sa SSS online, eh kelangan naman e reset ang password sa email. Kaya sinubokan ko mag reset ng password, syempre para ma verify ang account at hindi kung sino mang pontio pilato ang maka log-in bibigyan ka ng kunting pasulit. Naalala nyo kung gagawa kayo ng bagong account may confirmation question kayong dapat sagutan?  Example, what is your mother's maiden name, where did you grow up, what's your favorite color, what is love, what are the vegetables mentioned in Leron Leron Sinta and etc? Para sa mga ganitong pagkakataon yun.

Bubulaga ang malupet na tanong bilang kompirmasyon - 

What is your favorite food? 

Sapul! Anak ng tokwa't baboy na may pigsa sa singit! Malay ko ba kung ano ang naging paborito kong pagkain nung ginawa ko ang lintek na email account na 'to, at humigit-kumulang na tatlong taon ko nang ginawa ang email account ko na yun. At sa lahat pa na pwedeng itanong dapat talaga patungkol sa pagkain? Nanadya? 
Bilang ako ay swabe sinubokan kong sagutin, malay, baka umobra. 

Unang sagot -

Banana
Invalid user credentials

Hingang malamim. Sagot uli - 

Pizza 
Invalid user credentials 

Patay parang suntok sa buwan na talaga. Subok uli-

Burger (para sosyal)
Invalid user credentials 

Na litekan na talaga. Gusto ko nang isaboy ang kape sa monitor ko because I'm so frustrated na talaga (conyo?), pero bilang ako ay swabe, sinubokan ko na naman - 

Banana
....



You have reached the maximum number of attempts to verify your account. Please try again in 24 hours.
For further assistance contact Member Services at
1-866-777-8888
Monday - Friday, 8:00 AM - 1:00 AM (EST);
Saturday - Sunday, 8:00 AM - 10:00 PM (EST).

Sa mga panahong ito gusto ko na mag amok. Pero humingang malalim nalang ako at nagbilang ng 1-100...JOKE! Syempre 1-3 lang. Tumawag ako sa hotline na nakasaad sa website. Nagkaroon ng mahabang usapan hanggang umabot sa manager. Ang ending tinanong ako ng isang malutong na -

What is your favorite food? 
Tumulo ang luha ko sa left cheek at nag crisscross sa right check with matching dausdos moment sa pader. JOKE again! Pumunta nalang akong HR at pinayohan nalang nila akong mag email sa SSS point person. 

Thursday, February 21, 2013

[Don't] Call Me Baby!





Hello Prens! Question - Bakit halos lahat ng tawagan ng magjowa eh Baby, Beh, Bebe? Dahil buwan ng Feb-ibig pa naman at mapagpatul ako sa mga ganito papatulan ko yang tanong na yan. Which reminds me, hindi naman ako ever tinawag ng mga naging jowakels ko ng BABY! 
  • Ekis 1 - Pangalan lang, as in first name bases (walang ka latoy-latoy). Ni Honey, Love, or kahit korneng Sweetie Pie wala, zero, nadah, zilch! Unang pag-ibig nga naman.
  • Ekis 2 - Bf & Gf. Ito medyo level up ng slight, pero generic parin. Pero nang magsplit naging BFF na. Ang sweet noh? 
  • Ekis 3 - Buang (Baliw), Hangal, Ga. Yes, dumaosdos ng bongga. Kasi naman hindi pa masyadong uso ang cellphone noon at nakikitxt lang si ekboypren sa Pudra nya. Para hindi mahalata eh yun ang code name. Mantakin nyong walang I love you para hindi mabisto? I hate you dapat. Super sweet na kami ng lagay na yan ha. Nang mag transition period naman eh naging Ga, short for Palangga or Pangga. A bisaya term for Mahal. Nagkataong malabo na kami nang narealize namin na mas oks pala yung tawagang yun. 
  • Ekis 4 - Siqui & Pawee. Ito pa cute, patweetums at may konting lambing na. Siqui short for Siquijor, dahil doon kami nagkadevelopan. Charot! At Pawee, short for Paulette. Para sa inyong kaalaman, bininyagan sya ng pangalan na yun which means little Paul. Ang lande talaga! Hindi ko alam anong nakain ng nanay nya kung bakit sya pinangalanan ng Paulette. 
  • Ekis 5 - Hanhan. Hindi Hon (short for Honey) Hanhan talaga sya, para maiba. Bakit? Hindi ko rin alam, naisip ko lang na cute pakinggan kaya yun na. Very well thought of diba? 
Yung mga ibang Ekis na hindi nabanggit at hindi nalagyan ng # puro first name bases na. Haha! Pero ang totoo hindi ko na sila maalala.  
Kesehudang tawagin mo sya or ka nya na Labedabs, Mahal, Palangga, Sugar, Cupcake, Puto, Kutsinta, eh wala naman talaga sa tawagan yan diba? 
Kasi kahit tawagin mo man syang Hampas lupa, Inutil, Panget at kahit mura na sa pandinig ng iba, kung sa inyo eh terms of endearment yun syempre yun parin ang pinaka matamis sa pandinig mo. 
Natural, Galing sa taong mahal mo eh. Chararat! 
Kayo anong tawagan nyo ng inyong mga jowakels? 

Ayan sinapian na naman po ang inyong lingkod, pasensya naman... Cgethnxbye! 


[by the way highway ako yan...nung Baby pa akech!]

Thursday, February 14, 2013

I love you...



I love you Al 

I love you Charlemagne

I love you Charles

I love you Reggie

I love you Mark

I love you Cyril

I love you Billy 

Kung ano man ako ngayon ay utang ko sa inyo. 

Maraming Salamat at naging parte kayo ng buhay ko.

I am a better person now. ^______________^ 

Pluma ng Kahapon

"Puta pare nalathala na yung sinulat mo. Ang tindi mo talaga tsong. Naalala ko tuloy noong baguhan pa tayo, dala-dala ko yung lumang kamera ko, yung de film pa? Tapos ikaw naman yung lumang notebook mo na kahit sira-sira na eh pinagtitiisan mo parin, at syempre mawawala ba ang panulat mong pinamana pa yata ng kalololohan mo? Kasagsagan yun ng pagpapaalis ng  barakong Mayor ng San Joaquin. Yung nang molestiya ng menor de edad. Nagigit-gitan yung ibang mga mamamahayag dahil hindi pinapapasok sa munisipyo. Pero pare tayo lang yung nakalusot sa kanila.

Abot tenga yung ngiti natin noon, kahit kita na ang kuyukot ko sa pakikipagsiksikan natin, sulit na sulit parin. Yun yung kauna-unahang frontpage natin. Kasi tanda ko pa, kontribyutor ka lang noon sa lumang peryodiko; Unang Balita, ang nakakatawa pa eh kotribyutor ng Horoscope. 

'Nak ng teteng ginawa ka talagang manghuhula. Ako naman yung taga kuha ng mga litrato. Kung hindi yung nalalaos na artista eh yung para naman sa Obitwaryo. Buti nalang eh binigayan tayo ni boss ng bagong raket. 
Eh naalala mo ba yung sinabak tayo sa masukal na gubat ng San Martin? Yung napapabalitang may tapunan ng mga sinalvage? Kahit napapabalita na marami-rami na rin ang mga mamamahayag na namatay dahil sa mga mababangis na hayop, makamandag na mga ahas at alupihan ay sige ka parin. Doon ako bumilib sayo... 

Kasabay ng pagsikat mo ay ang pag-angat din ng estado ng pamilya ko, bilang ako naman ang iyong side kick, kasangga at partner. Malaki talaga ang utang na loob ko sayo pare. 

Kung noon kahit sorbetes para sa kaarawan ni junior eh hindi ako makabili, eh ngayon kaya ko nang imbitahan kahit pa isang buong baranggay tuwing may okasyon sa amin. Kung noon madalas kaming mag-away ni misis dahil lampara at kandila lang ang meron kami kasi nga naputolan na naman kami ng ilaw, o di kaya walang pang ligo dahil naputolan ng tubig. Sa ngayon hindi na muling mangyayari yun. Alam mo ba, si junior ko, pinagaral ko ng medisina? Yung inaanak mo si neneng, malapit na rin matapos ng haiskul. Ang daming nagbago sa buhay namin sa tulong mo pare. 

Pero pare, sa dami ng naisulat mo walang tatalo sa paglantad mo ng anomalya patungkol sa sabwatan ng gobyerno at malaking sindikato na nagbebenta ng ilegal na droga. Ito yun, nalathala na! Sabi ko na sayo sisikat ka talaga. Magaling ka eh.


Kaya lang pare noong binangga mo sila para ka na ring bumangga ng pader. Sabi ko na kasi sayo 'wag na tayong makialam. Manganganib lang ang buhay natin. 

Nilapitan ako ni Congressman. Puta talaga pare, bukod sa malaking pera na inalok sa akin eh hawak nila ang pamilya ko. Iniisip ko lang naman ang kapakanan ng pamilya ko. Kahit ano gagawin ko para sa kanila, alam mo yun..."


"Kailangan kong gawin ang nararapat."

Sa isang kalabit ng gatilyo ay natapos ang lahat.  


Lunod ng lungkot at pagsisisi ang aninag sa mukha ng lalaking naka kahel...may pusas ang mga kamay at luhaan sa pagkwento sa kaibigan. 

"Patawarin mo ako pare..." 

********************************************
Ito ang aking munting lahok bilang pagsuporta sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy

Friday, January 18, 2013

Dos


Kwento
Tula
Rhants 
Tawa
Photoblog
Byahe
Kabarkadudes
Pamilya 
Buhay

Kung susumahin ito yung mga salitang naglalarawan sa Tabianmuch. Akalain nyo umabot na ng dalawang taon? Nakanang! Nagpapasalamat ako sa lahat (parang ang dami) na walang sawang nakibasa, nagkucomment, at higit sa lahat naging kaibigan sa blog kong ito. Kahit ako'y kadalasan minsan sabaw. Hayaan nyong initin ko ulit nang makahigop naman kayo ng mainit-init, siksik, liglig at umaapaw na sabaw. LOL 
Nonetheless, Salamat ng malupet!!! 

Tuesday, December 18, 2012

Gunawan Blues


Ayon sa mga Mayan magugunaw na raw ang mundo ngayong Biyernes, sa ika- 21 ng Desyembre taong 2012. Amazing! Dahil sa ka praningang ito, lahat nalang ng delubyo, at kung anu-ano pang sh*t eh kinukonek dito. 

Tambay 1: Napakalas daw ng bagyong Pablo pare, signal no. 3 sa Mindanao. 

Tambay 2: Kasi malapit ng magunaw ang mundo. Yun yun! 

Tambay 3: Agad-agad? Di ba pwedeng isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugar , tumatakbo sa pamamagitan ng init na inilabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin. Natutukoy sila sa mga ibang unos, katulad ng mga mababang presyon sa polar, sa pamamagitan ng mekanismo na nagpapatakbo sa kanila, na ginagawa silang "mainit na gitna" na sistema ng klima lang? 

Tambay 1&2: *Nga-nga*
=================================================
Chismosa 1: Mare narinig mo na ba ang latest? 

Chismosa 2: About kay pareng Erning?

Chismosa 1: Ay hindi, lumang issue na yun. Yung about sa Gangnam Style na kanta...

Chismosa 3: Ay mare marunong na akong sumayaw nyan. Gusto mong sample?

Chismosa 2: Me too!

Chismosa 1: Ay mga tanga! Hindi, sabi kasi nila signus na daw yang kantang yan sa pagkagunaw ng mundo

Chismosa 2&3: Weh? Talaga? Di nga? 

Chismosa 1: Google nyo kaya?  *walk-out*
=================================================
Kiddo 1: Si Enchong bading daw?

Kiddo 2: Ay talaga? Kalerky naman. 

Kiddo 1: Uu, hush lang teh. Closet kasi. 

Kiddo 2: Wala na, end of the world na talaga. Tege na beauty naten! 
=================================================

Pause, pause, pause! Seryoso? Halos lahat nalang inuugnay sa pagunaw ng Mundo. Pero kung sakaling totoo man na magugunaw, handa na nga ba tayo? Natanong ko na rin to sa sarili ko *timang lang? kinakausap sarili?* ako kaya go na? 

=================================================
Ito usapan namin ni Nieco

Nieco: Day kung sakaling magunaw ang mundo sa Friday, ready ka na?

Tabian: You mean like salbabida, food, shelter, clothing and stuffs like that? *conyo*

Nieco: Huh? As if maliligatas lahat noh? 

Tabian: Yun pala eh, syempre wa choice teh. Wa na prep, go na sa gunawan.

Nieco: Pag hindi ka nakasurvive bigay mo sakin yung susi ng pad mo ha?

Tabian: At bakit?

Nieco: Sayang naman kasi mga gamit mo. Akin na yung laptop mo tsaka yung aircon, yung TV 'di naman flat screen yun pamimigay ko sa mga hampas lupa. Wahahaha!

Tabian: Tengene! At pano naman kung ako nakasurvive? Ano ibibilin mo sakin? 

Nieco: Syempre madami, yung napanalonan kung ref. 

Tabian: Yun lang?

Nieco: Wait there's more...syempre sabi ko madami diba? Yung mga utang ko! Wahahaha

Tabian: Wahahaha, punyeta ka, animal!!! Wahahahaha

*Yes ganyan kami magusap* 

Nieco: Saka na nga lang, planuhin nalang naten yung "End of the world" day.

Tabian: Wow! Papapartey tayo? 

Nieco: Nomon! Paniguradong magtatakbuhan yung mga tao kasi nga magugunaw na ang mundo diba? 

Tabian: As if di ka tatakbo? Epis nga eh parang sinilaban na yang pwet mo. Wahahaha 

Nieco: Baliw! Hindi, di tayo sasabay sa mga magpapanic by that time. Papauwiin ko yung mag-ina ko sa  nanay nya. At least alam ko at panatag na kahit may gunawan na eh magkakasama sila ng pamilya nya.

Tabian: Wow! Umeemo? Heavy ha, iyakan portion na 'to teh? Eh paano ka?

Nieco: Syempre may pasok tayo nyan. 

Tabian: Ah oo, wala pa nga namang memo sa "End of the World" day. 'No plano mo?

Nieco: Natin dapat! Magiinoman tayo habang yung iba nagtatakbuhan at nagpapanic. Total wala namang ligtas lahat eh, para ano pa kung tatakbo diba? E-effort ka pa. 

Tabian: Genius! *slow clap* 

*At totoo, solid plan po namin ito kung sakaling magunaw ang mundo*


So sa Biyernes alam nyo na kung saan kami hahagilapin...