Tuesday, September 27, 2011

feeding program

   
    Hindi ako umaatras sa tagayan. Kung meron, hala sige lang. May pagkakataon na kung nasa kondisyon eh parang walang nangyayari, ginagawang tubig ang alak. May mga pagkakataon din na lasing kong lasing, yung tipong dalawa na ang kausap mo kahit isa lang at sumasayaw ng kusa ang mga paa mo kahit walang tugtog at kahit nakaupo ka lang. May iba na natutulog lang, meron namang umeenglish na, nagaamok ng away na akala mo kung sinong matapang, may ibang umiiyak nag eemo at kung ano-ano pa. Kumbaga pagnakakainom may ibang sapi ng kung ano. Ako, pagnalalasing simple lang...may feeding program ng mga pato, in short nagsusuka.


Eksina - Inoman sa boarding house ng kaibigan
Culprit - Tanduay 5 years (lapad), tubig (hindi malamig), walang ice


   Sa labas lang kami nagtatagayan at may duyan. Ako naman itong atat sa duyan, hala sakay kahit nakainom. Ang ending hilong talilong ako ng bongga. Nang pauwi na kami sabi ko sa sarili ko dapat umabot ako sa boarding house namin at doon na ako susuka, nakakahiya naman sa mga kasama ko. Pasuray- suray ang tabian. At dahil sa hindi pa ako cool noon, ayown nag feeding program sa daan. Ewww, kakahiya much.


Hindi ako nadala...


Eksina - Inoman sa bahay ng barkadudes
Culprit - Pulang kabayo, ice, barbeque


   Hindi ko maalala kung may occasion ba noon o wala pero kahit naman wala basta nagtrip, go parin. Nang malasing na me, nagexcuse ako para mahiga muna at matanggal ang amats. 
Sa aking pagkahiga at pagpikit ng mga mata, parang feeling ko umiikot parin ako. Yung tipong nasa chubibo. Sheyt na malagkit. Parang masusuka na talaga ang feeling ko noon. So dahil ako ay mabait na kaibigan at hindi ko haybol yown bumangon ako at pumunta sa pinakamalapit na suking lababo. Tinawag ko ang isang barkadude ko para alalayan ang nanghihinang katawang lupa ko. 


Pagtapat sa lababo --- shoot! 


Kinaumagahan pinagtawanan ako nila kasi hindi in liquid form. Buo buong barbeque, sabi pa ng barkadude ko "nginuya mo ba yung kinain mo or derecho lunok?" Ang saklap lang ng sinapit ko sa mapanghusgang mundo.Chos! 


Hindi parin ako nadala...


Eksina - Sa isang malapit na inoman/videoke bar
Culprit - Sandamukal na Pulang kabayo


  Galing kaming team outing, pero dahil sa bitin ang inoman nagkayayaan ng another set. Ang sumama napakadami...tatlo lang, at ako ang pangatlo. Pumayag ako kasi crush ko ang isa sa nagyaya, ang harot harot ko lang ano? *hehe* 
Syempre pasikat naman me. Tagay dito, lagok doon. Shoot dito, inom doon. Kwentohan kunyari nakikinig ako sa kanya pero pinagmamasdan ko lang sya. Nagiimagine na ako kung paano kaya kung magiging kami (with twinkling eyes), mas umaandar ang imagination pag nakainom eh.
Parang tatlo na sya sa paningin ko. So sabi ko sa kanya tama na kasi inaantok na ako, pero sa totoo nasusuka na talaga ako. Nakakahiya naman kung magkalat ako na andyan sya. Homayghad, that's so shameful! Charot!


Pinamigay na niya ang natirang beer. Sabi ko sa sarili ko, this is it. Pipigilan ko talaga 'to hanggang bahay total magtataxi naman kami. Hinatid nya ako, so ang haba na ng hair ko abot hanggang outer space. 
On the way home, nagpipigil parin ako. Mataimtim ko nang tinatawag ang lahat ng santo at espiritu ng mga namatay, hindi dito sa loob ng taxi, hindi sa tabi nya. 


Nang hindi ko na talaga mapigil at pumapaibabaw na ang kung anong bagay sa aking esophagus.


Sabi ko kay manong driver...


me: koyah pwede bang huminto muna tayo? sandali lang


Sumagot si crush...


crush: mamaya na, malapit na naman tayo sa inyo diba?


Umiling iling ako


me: koyah please, sandali lang 'to nasusuka na talaga ako 


crush: pigilan mo na muna yan, malapit na tayo


nagisip ako at nakiramdam hindi na talaga carry ng powers ko


me: koyah STOP!!! (ang sosyal lang ano?) buksan mo ang door! (sabay turo sa pintuan ni crush)


At dahil sa bagal nya, nagsuka ako sa labas pero nasukahan ko rin ang shorts nya ng slight (as far as I remember). Hindi ko maalala kung nagsorry ba ako sa kanya or may ginawa ako pagkatapos. Basta nakauwi akong buhay at kompleto pa naman. 
Kinabukasan kinamusta ko ang shorts nya, at nagsorry na rin ako sa nangyari. Ang saklap talaga, paniguradong auto turn off sya sakin. 



Babala: Huwag gayahin, ang inyong natunghayan ay gawain ng pawang propesyonal lamang.


Simula ng mga pangyayaring yown ate charo natuto na ako.


  • Kung nasusuka na wag magpahalata dapat hanggat maari eh cool lang. Pasimpleng magexcuse at pumuntang CR. 
  • Pumasok sa pinakahuli at liblib na cubicle, wag sa lababo paniguradong may makakita or kung isang banyo lang wag kalimutang mag lock ng pinto.
  • Isabay sa pagflush ang paglabas ng sama ng loob, para hindi masyadong halatang nagfefeeding program sa mga pato.
  • Kung may gripo at balde, lakasan ang tubig para kung may nakikinig man sa pagmumura sa inodoro eh hindi masyadong marinig.
  • Pantilihing walang bakas o ebidensya. Punasan ang mga natitirang kanin o ulam sa bibig o mukha. Malaking kasalanan ang magdeny na halatang may nakasukbit pa sa cheeks na kanin. 
  • Hanggat maari wag talsikan ang suot, or else magiging kaduda-duda na nagkalat ka nga.
  • Kung hindi talaga maiwasan ang talsik at nagtanong kung anong nangyari, mag alibi na sira ang lababo. Wag nang damihan ang paliwanag dahil napaghahalata at magiging defensive ka lang sa paningin nila.
  • Mag estimate, kung sa tingin mo kaya mong pigilan ng 2 oras pa ang pagsusuka, go! Pero babala: Hindi lahat ng estimation ay tama. 
  • Kung hindi na talaga napigil at nagsuka na sa harap ng madlang people, umarteng lasing na talaga at wag nang magtangka pang uminom. Utang na loob, umuwi ka nalang. Kinabukasan, deadma. Pag may nagtanong sabihing wala kang naalala.
  • At ang huli, kung hindi na kaya wag nang tumagay pa (rhyming?). 

Na master ko na yata na hindi halatang nagsusuka. Dahil ang goal ko sa buhay- dapat laging cool at swabe lang. 

Tuesday, September 6, 2011

Leaflet

"Desperate times call for desperate measures."


May naalala akong pagkakataon dahil sa mga linyang 'to at sa post ni ser gasti. 
Faflash back tayo sa isang araw kung saan ako naging matakaw at naganap ang kahindikhindik na pangyayari.           *insert maalaala mo kaya theme song here*


So ito na, dahil sa maaga ang labas namin sa office at nagaantay kami ng mga kasama para makaalis sa team outing eh chumibog muna kami ng bonggang bongga! Lafang dito, lafang doon, kung makakain lang parang wala ng bukas (patay gutom much?). Sorry naman gutom lang eh. May nararamdaman na talaga ako sa kaibutoran ng aking tyan nang gabi pang yown pero dahil sa likas akong matiisin, so I held it back. Dahil din sa excitement sa team outing eh parang deadma na rin ako.


Ayan pwesto na lahat sa van. May mga kasama akong nagsight seeing, may nagkwentuhan/chismisan at may naglandian sa isang sulok, at ako...nagmemeditate. Nagpipigil na ako ng bongga dahil nagsisimula na ang putaness kong tyan. Pinilit kong maidlip muna para makalimutan na may parang sasabog na. Pero hindi... hindi ko makalimutan na may nagaganap na gyera sa loob-loob ko. 


Kamusta naman ang 3 hours ride papunta sa Resort? Sheyt na malagkit. Iba na talaga ang nararamdaman ko, yung tipong tumatayo na ang balahibo, nanlalamig at di na mapakali. Ang mga lecheng kasama ko pinalakasan pa ang aircon. Sing laki na ng popcorn ang malamig kong pawis. Sa isip-isip ko dapat cool parin, wag magpahalata na near crowning na. Nagdadasal na ako ng mataimtim kay papa jes na sana umabot ako sa stop over or sa destinasyon, na sana makisama naman ang punyeta kong pwet. 


Inaaliw aliw ko ang sarili sa pakikipagsmall talk sa mga kasama ko, kunwari ok ako. Baka makahalata na jebs na jebs na talaga ako. As if nakikinig ako sa kasama ko pero nagpaplano na ako ng escape route. Ano kaya ang magandang gawin? (1)Pag nagsimulang mangamoy magtuturo ako ng kasama sa likoran yung naglalandian, (2) pag nagtakbohan na dahil sa baho, kunwari tatakbo rin ako pero mas malayo na ang tatakbohin ko para may chance pang magbawas o (3) magkukunwaring tulog para swabe lang. Patay, parang pwedeng sumablay lahat. 


Nang mga isang oras nalang para maabot ang pupuntahan, nagdecide ang isang kasama namin na mamalengke muna bago pumuntang resort. Ayan, may chance na ako kasi kung public market paniguradong may public toilet. Eto na talaga, as in this is really is it! 


Tumigil ang van, pasimple akong nag excuse para magrestroom. Sabi ko sandali lang ako at magwiwiwi. Pagdating ko sa public toilet parang may mga anghel na kumakanta sa langit at dinuduyan ako nang pasokin ko ang cubicle.  Pero in reality dugyot na enodoro at naglilimahid na pader, wala na talaga akong pakialam crowning na sya. Bukas ng zipper, sit on the air position. Bira! 


Nang matapos akong maglabas ng sama ng loob, tumingin tingin ako sa paligid. May baldeng may laman na tubig pero walang tabo. Parang sakto lang pang flush, nagtitipid yata sila. Lingon lingon para maghanap ng tissue. Homayghad! Walang tissue!


Hindi ko napansin na wala din pala akong dalang tissue. Sheyt again! @#$^&*! Lech! Anak ng bakang baog naman oh. May dala akong panyo pero no way jose! Hindi ko 'to pwedeng ipamunas sa pwet. Dumokut ako sa bulsa ko, to the left - walang laman. Patay na talaga. To the right - may nadukot ako, dalawang leaflets ng yellow cab. Sa kasawiang palad yung glossy type pa na leaflet. Nagisip me ng matagal...mga 2 seconds. No choice, bahala na. Pinunit ko ang leaflet para dumami kunwari, sing laki na sya ng apat na calling card. At yown din ang ginawa ko sa isang leaflet. Ang dami ko ng pretend tissue. Pikit mata kong pinunas sa a**. Ubos ang pretend tissue ko, now I'm squeaky clean. Flushed! 

Tapos na. Kebs na sa ibang factor basta wala na ang mabigat na pakiramdam, para akong nasa commercial ng dolculax na tumatalon talon sa tuwa. Pagdating ko sa van nagtaka sila kung bakit ang tagal ko daw. Swabe kong sinagot, "ang haba kasi ng pila eh". Sabay balik sa cool self. *big grin*



Wednesday, August 24, 2011

Lugar? weh?


Word - Gall Bladder 
 Ateh: Tao ba 'to?


Koyah: Hindi...


Ateh: Hayop? Bagay? Pagkain?


Koyah: Pwede?


Ateh: So pagkain?


Koyah: Oo..(sabay ngiti)


Ateh: Pagkain nga?


Koyah: Hindi..hindi...


Ateh: Lugar?


Koyah: (nag-isip, ang difficult naman) Pwede..Oo


Ateh: Sa Pilipinas?


Koyah: Pwede..hindi


Ateh: International? 


Koyah: Oo (nalito)...pwede


Ateh: Europe? London? Asia?


Koyah: (nag-isip) Ah..hindi? (nalito uli, umiling-iling)


Ateh: Sa ibang bansa?


Pagkatapos ng 2 mins....


Bossing Vic: Alam mo ba 'to?


Koyah: Hindi? lugar diba? (na confuse pa?)


Bossing Vic: Street food 'to...pwedeng street food (sabay tawa) yung iniihaw...


Ateh: (tulaley) ay yun pala...lugar!(ngek!)




Ang laki ng tawa ko sa Pinoy Henyo. Nababagabag lang ako ng slight na ang Gall Bladder pala ay isang lugar, kelan pa? Baka Mall sya or tourist spot. Hahaha 






 

Friday, July 29, 2011

quickie

Pansamantagal akong walang maibahagi sa dami ng ginagawa eh blog hopping lang ata nakaya ng powers ko. O sya ito na, last weekend eh nag eskedyul na kami ng gala maraming nagbadya ng pagkulog at pagulan ilang araw bago ang final day. Hindi umayon ang panahon nang una pero nang may sumilip na katiting na haring sunshine gora agad! 


"All my bags are packed I'm ready to go..." at may pa sway sway pa!


Destination - Bogo Citeeey! Mga dalawang oras na byahe sa bus going North from Cebu City, kebs basta makagala. At hindi ko na patatagalin dahil hindi naman suspense thriller ito kaya ito na ang mga ebidensya -  


The Bitches 
"ok na sana, kaya lang parang gusto yata sumama ni ateh sa pic..."


Kasama ko si maldits at nieco. Ektwaley post birthday celebration ito ng anak ni nieco, hindi naman kami choosy teh basta galaan hala gorabells.


"galing-sa-palayan-look"


Pagdating namin eh umulan ng pagkabongga. Pero hindi nagpapigil ang makakating paa. Girl scout yata ako,  inilabas ang payong at nagwalking in the rain ang show. Nagwalkathon kasi nalagpasan namin yung babaan sana namin, ang reason - nawili sa naka two piece na palabas sa bus. 

"beer + good friends = super duper laugh trip"


Pagdating sa kanila, syempre may iba pa bang sasalubong? Beer baybeh! 
Ayown kahit wala pang kain tumatagay na. Kumain, uminom, kumain ulit at uminom ng marami. May kwentuhan, may nagtayo ng tent, may nalasing, may nagsuka at marami kaming tawa sa kung ano-anung bagay, may kwenta man o wala. Basta tawa nalang kami ng tawa. 



The next day, kelangan maghugas ng mga kasalanan magpray. Bumisita kami sa isang Shrine na malapit. Pero bago ka makarating sa top eh para kang nagpenitensya, kamusta naman ang 150 steps? Henyways the view from the top was worth it, medyo makulimlim nga lang ng konti pero solb na rin.


Syempre hindi complete and gala kung walang beach. Kahit umaambon at wala masyadong sunshine eh rampage parin sa dagat and swimming pool. 

"no comment..hehe"
Parang ang haba ng gala namin pero tatlong araw lang yan. 


Finally, hindi naman siguro magiging memorable 'to kung wala sila - 

Bitch#1 - Nieco



Bitch#2 - Maldito





Mas marami pa ata ang laugh trip namin kesa sa mga pera naming dala. Until next getaway Bitches!!! 

Friday, July 22, 2011

noon-ngayon

Noon pag nanonood ako ng TV akala ko si Sharon Cuneta si Mamang at si Dolphy si Papang kasi may bigote.


Noon ang gusto ko lang paglaki ko maging flight stewardess, kasi gusto  kong lumibot sa buong mundo.


Noon solb na pag nakakapanood ako ng Power Rangers.


Noon nanglilibre na ako pag P5 ang baon ko sa skwela.


Noon pag nawawala o nasisira ang pencil case ko ok lang kasi ibibili naman ako ni Mamang/Papang ng bago.


Noon problema na kung paano ako mangongopya sa kaklase kung may pop quiz, kung paano ko ipapasa ang mga grades, kung pwede kaya akong mag hello sa crush ko kung dumaan man sya at kung kelan ako magkakaboypren.


Noon ang gusto ko lang eh yumaman.


Ang simple lang at ang babaw ng mga problema at iniisip ko noon. 


Ngayon sa dami ng ginagawa eh ang gusto ko lang gawin pagkatapos ng trabaho eh matulog.


Ngayon swerte na pag may sale sa mga airlines saka pa lang nakakabyahe sa ibang lugar.


Ngayon hindi na uso ang libre, mahirap kumita ng pera.


Ngayon pag may mga bagay na sira hanggat pwede pa gamitin eh pagtitiisan at kung may sobra sa pera saka pa lang bibili ng kapalit.


Ngayon kung hindi ka magsisipag sa trabaho o hindi ka performing malamang sa alamang sipa ka.


Ngayon halos ipamigay na ako ni Mamang kasi dapat na daw akong magasawa. 


At hanggang ngayon gusto ko parin yumaman.


Ang hirap pala pag matanda(adult) ka na. Marami ka nang iniisip at parang kabute lang ang problema, sumusulpot nalang ng bongga. Minsan naiisip ko sana bata nalang ako. 


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------




Ngayon...


"Juan Paulo Antonio = Love :)"
Anak ng sisterloo ko, bagong addition sa aming family. Welcome baby Juan! 

Friday, July 8, 2011

suplado ako sa kwarto

"pwede na bang endorser?"

Barkadude: Bat ka pa bibili nyan eh pwede ka naman magsulat ng ganyan? (regarding the Suplado Tips book)
Tabian: *tawa ng malakas* Meganon? Attitude ka teh? 

Ito po ang pinagkakaabalahan ko sa ngayon. Pumunta kaming Fully Booked kahapon at as always paglabas ko may sukbit na akong supot. Swerte ko last copy ng Suplado Tips, parang meant to be talaga. Ako po ay nanalangin ng mataimtim na sana ay matapos ko ang librong Room ni Emma Donoghue at may makuha naman akong tips sa Suplado Tips ni Stanley Chi. Here we go sago! 

Wednesday, June 29, 2011

midnight fm

"Midnight FM - ayan ako na ang nagtranslate"
Hanggang ngayon eh lusaw parin ang utak ko, kaya for the mean time eh movie review muna ang aking ekukuwento. Awright here we go! Midnight FM. 
So kung nagbabasa kayo ng aking mga gawa gawa dito sa aking blog eh may hint na siguro kayo kung ano ang theme ng movie na itey. 
Simple lang ang plot ng story, DJ si maam at yown finish. Juk! Syempre midnight ang timeslot, title pa nga lang may idea na kayo. Ayown, nang magdecide si ms. dj na magstop na sa pagdedejay (break it down) eh nagfinal show ito, bakit kamo? To say goodbye sa kanyang mga avid listeners. It was a typical night, at yown ang akala ng lahat. Ito palang si ms. dj eh may obsess na fan at doon imukot ng pagkabongga ang storya. 


Itong si obsess fan eh disagree sa pag-goodbye ni ms DJ kaya gumawa ito ng way na iparamdam na hindi pwede as in no, no, no sa saying goodbye. Pumunta ito sa haybol ni ms dj at naghasik ng kalagiman at rainbows. Hinostage ang sisterloo ni ms dj at saling pusa din ang mga jonakis. 


Ang trip netong si koya eh dapat e play ni ms dj lahat ng request na pinadala nya through fax kung hindi tigok ang mga hostages. Eto namang si ateh na eengot engot ay hindi malaman kung asan na ang fax. Kaya super recall much ang ginawa ni ateng naka mic. Uso sa kanila ang video call kaya super threat itong si koya, nang hindi nya masunod ang gusto eh tigok ang beauty ni sisterloo. Hindi ko na ededescribe kung ano ginawa nya. *hehe*  Hanggang sa hindi na natiis ni ateh ang mga threat ni koya, gumawa sya ng drastic move. Tumawag ng parak, ayown natiguk din. 


Ofchurs ayoko namang mabitin kayo eto konting patikim - 




"ms. dj can I make a request?"

"eow powhzz? jejeje"

"parang-may-stiff-neck look"



"paki click nyo nalang po para lumaki..hehe"
Ayan kayo na ang magtagpi-tagpi sa story parang jigsaw puzzle kasi nakita ko sa google eh. Pasenya naman. Ang ending syempre...secret na. Panoorin nyo nalang, promise hindi heavy yung blood and gore. Sumususpense thriller lang naman ang movie na itey, at mapapahawak ka sa iyong seat. 


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


At syempre dahil ito ang aking 50th post. Naks naman! Umabot ako ng 50 posts. Gusto ko lang magpasalamat ng bonggang bongga sa walang sawang nagaaksaya ng oras nila sa pagbisita sa aking bahay sapot (parang namamaalam lang ano?). Alam kong marami pa kayong mas importante at makaboluhang things to do eh nag U-turn pa kayo at gumala dito. Sa inyong lahat (ano 3 o 2 lang ba?) maraming, maraming, maraming, amag este thank you sa inyo. *mwahh-kiss-sabay-hug*


"ayan pang Beam toothpaste commercial smile..sorry naman at hanggang ngayon eh wala paring mukha ang Tabian"









Sunday, June 19, 2011

paparapapa

Sya ang Clara del Valle, Paquito Diaz at Bella Flores ng buhay ko. Isang love-hate relationship meron ako sa taong ito. Sabi pa nga nya matigas daw ang ulo ko, eh sabi ko naman "saan pa ba ako magmamana?" sabay tawa. Hindi likas sa kanya ang matalak, pero pagnagsalita na heavy much. Tagos sa bone marrow. 
Naalala ko pa nga noon, kapag bumababa na ang marka ko sa school hindi nya ako kinikibo at biglang may lilipad na lang ng kung ano sa akin.*aw!*
Sa kanya ko natotonan mag matrix, at hide and seek, In short magaling akong umilag at magtago pag napuno na rice cooker nya.
Sandok, pambugaw ng langaw, t-shirt, tsinelas at kung ano man mahawakan nya siguradong bulls eye kung hindi ka iilag. Tough love kungbaga. Desiplina militar, natural maganda ako eh. Ang umepal tutuboan ng pigsa sa singit!
Madalas din ang tampohan namin noon. Ang pinaka matagal naming hindi nagkiboan eh almost 1 year, nang magdesisyon akong tumigil sa pagaaral para magtrabaho. Pero ng umuwi ako hindi na sya kumibo pa...sinalubong nalang nya ako ng malaking hug. Talo ko pa ang prodigal son.*oh yeah*
Once in a blue moon din kung e appreciate nya ako, hindi kasi ako ang peyborit eh. Huli ko na nalaman na binabandera pala nya ang mga achievements ko sa mga kamag-anak namin. Ang laki ng ngiti ko noon, abot hanggang outer space.
Pero despite sa mga pangaapi(?)nya sakin, nang lumaon na naintindihan ko na kung bakit. Hindi siguro ako aabot kung asan man ako ngayon. *teary eyed, sabay singhot sa uhog* 
Everything was out of L-O-V-E. 


Sa president ng aking fans club at original boyfriend -




Happy Father's Day Pang! 

Haylabyah ♥

"walang panama si Vic Sotto..:)"

At sa lahat ng mga tatay ng mga bloggers,father bloggers, friends at frenemy fader na rin. Happy Paparapapa! :D

Friday, June 10, 2011

noh?

Nakita ko sa botika ng mga intsik.


"naman naman"
 At ang katabi...

"advertising strategy nga naman"
Wala na akong sinabi...tumawa nalang ako sa labas.

Tuesday, June 7, 2011

masayang weekend


Howdy friends? Nagiging photo album na talaga itong aking blog, sorry naman. Alam nyo na naman siguro na I love my weekends and kung hindi man major eh may mini event na nagaganap. So here we go sago! 
Medyo boring ang aking Sabeerday kasi nanood lang kami ng X-men movie. In fairview very nice. Just realized kung bakit X-men ang title. May Broke backan palang going on sa pagitan ni Prof. X and Magneto.*hehe* 


"poster pa lang meron na meron na talaga"
Syempre dahil light light lang ang nangyari sa Sabeerday bawi naman ako sa Sunnyday ko. It was a scheduled dog date ng mga puppies ng aking mga barkadudes. Nakisali narin ako ofchurs!


"our baby love yuki"

"our other baby love shiro taba taba bath"
Scrubby dubdub, squeaky, shiny clean. At ng matapos ang babath eh foodtrip naman sila. Ng mabusog at makatulog na ang aming mga baby love eh kami naman ang nagpartey. Bakit? Kasi I got to meet and greet my long time idol sa blogging. Ang aming panauhing panghangal este walang dangal pandangal...*tentenenen*

"the great maldito"
"with my barkadudes"
Syempre hindi pwedeng wala kaming solo(?) picture.

"hindi po kami nagaway, sadyang malayo lang ang seat namin..hehe"
And the tagayan session goes on and on...

"official tanggera..pinilit lang po talaga nila ako, promise.*hehe* "


"mr. macho man nieco"

"huli ka! ang pulutang ginawang snack"
Marami kaming pinagkwentuhan, kung ano ano nalang. Mula sa may kwenta; trabaho, mga future chuvaness, lablyp ni maldits, hanggang sa mga walang wenta; kahit malunggay na background eh ginawan ng storya. Tawa kami ng tawa, para kaming mga sabog sa betsin. Nagpang-abot talaga ang mga kababawan namin, pero all in all it was a fun and memorable evening. 
At ayan na ang aking walang ka happening happening na weekend. :)

Saturday, June 4, 2011

its your day

Hindi mo na set ang alarm clock sa saktong oras para gisingin ka. 

Nagmamadali kang maligo, pagcheck mo sa banyo wala ka na palang shampoo at kapiranggot lang ang sabon mo.

Sira ang plantsa na gagamitin mo sa gusot gusot na t-shirt.

Sa paradahan ng jeep, walang dumadaan. Kung meron man puno. 

Sumakay ka ng taxi, walang panukli ang driver. 

Sa pagmamadali mo sa pagakyat ng hagdan sa opisina eh nadulas ka pa. *BLAG* Bagsak ng bongga, una ang pwet.

Pagpasok mo, late ka pa.

Tambak ang trabaho mo. Humirit pa ang boss mo na mag OT ka.

Paguwi mo walang pagkaing nakahain. Walang laman din ang ref, puro tubig. Nakalimutan mo kasing mag grocery.


Familiar? Kung tutuosin konti lang ito sa tinatawag nating day to day misfortunes or kamalasan. Kadalasan (oi rhyme) napapailing nalang tayo, o di kaya dinadaan nalang natin sa mura. Sabi nga nila; "When it rains, it pours...hard". Kung mamalasin ka nga naman ano? Kung hindi naman sunod sunod eh may isang major na mangyayaring ikakasira ng buong araw mo. Bakit nga ba? Yan din tanong ko sa sarili ko ilang araw na. 


Nagaantay nalang ako ng oras para maglog out pero may hihirit pang customer na magpapaayos ng putaness nilang printer. Yung tipong 2 mins nalang before log out, kamusta naman yown? 
Magrereply na sana ako sa isang importanteng text, - CHECK OPERATOR. 
So ngayon magpapaload syempre ako, pagdating sa tindahan - "naubosan po kami ng load". Nak ng bansot na dinosaur naman oh. Eh sa kabilang kanto pa ang kasunod na tindahan, wala pang kasiguraduhan kung open pa ba sila. At marami pang pagkakataon na feeling ko noong nagpasabog ang sansinukoban ng malas factor eh ako ang may dala ng banyera na pagkalaki laki at kulay red (noh?), at ako ang nakasalo ng lahat. Buti sana kung light light lang. Wala kang magawa minsan kundi tanggapin, mag emo ng slight or umiwas nalang sa pagkakataon. 


Kung hindi ko ba sinagot ang customer na humirit pa sa ilang minutong yown, may pagkakaiba ba sa series of events? Magiging maswerte kaya ako? Malamang sa alamang eh yown pa ang dahilan ng pagkasesante ko. 
Hindi pa naman namatay yung dapat na rereplyan ko, so nakasave pa ako ng pera. At kung ako man ang nakasalo ng kamalasan sa sansinukoban eh sana dedbol na ako ngayon. Sa laki at dami ba naman siguro ay siguradong nagulongan na ako. 


Hindi ko man nasagot ang mga tanong, kung saan man nanggaling, o bakit may ganitong kamalasang nangyayari sa akin, I always have this realization that mas maraming bagay pa akong dapat ipasalamat. Hindi naman ako naniniwala talaga sa malas o swerte eh, sadyang pagkakataon lang siguro, more on fate. Sabi nga nila (ang dami ng sinasabi netong si nila ha!) "Everything happens for a reason".  At bilang ending, kasi parang napapahaba na. Kahit magtumbalentong man ako o ikaw na nagbabasa neto dahil sa mga nagyayari, meron at meron pa ding ikapapasalamat (tongue twister word) kay papa jes. Libre pa naman ang air that we breathe, so go lang ng go! 




"anong relation ng picture na ito sa post ko? wala..gusto ko lang ilagay ang picture ng idol ko..hehe"

Wednesday, June 1, 2011

sabeerday and sunnyday gala

Alam nyo naman na ang weekend eh ang aking most anticipated days of the week. Kung pwede ko lang sanang hilahin ang araw para Sabeerday at Sunnyday na.  Wala talaga akong planong gumala last weekend kasi nga kakauwi ko lang sa amin so natural nag file ako ng bankruptcy kasi na holdap nga ako. Pero dahil sa likas na mahina ang aking katawang lupa at ako'y nadadarang, charot! Ayown, sumama ako sa huling summer hirit sa tag-init (kuno) ng Cebu. 


"oh yeah!"
Labag talaga sa loob ko na pumunta. Honest pinilit lang talaga ako. More than 24 hours po akong walang tulog dahil na excite ako ng slight, as in slight lang naman sa event. Hinindian ko na nga ang offer sa 100 Prettiest Girls in Cebu eh, chos! Pagdating namin doon, super siksik, liglig at umaapaw as in so much talaga ang tao sa event. Halos rubbing elbows at iba pang pwedeng e rub sa dami ng madlang people. 

"mga kaladkarin office mates ko"
Maraming tagayan session na naganap...sa kanila. Mga tatlong baso lang ata nainom ko. Kasi sa dami ng tinatagayan ang tagal dumating ng next shot. Pero ok na rin yown. Hindi na ako nagpa ober ober kasi nga wala akong tulog. 

"fresh parin kahit walang tulog diba?"
Wag na kayong umangal sa caption. Ako ang nagsulat at blog ko itey. Naglakad kami hanggang sa sakayan ng jeep. At hindi biro as in no joke (redundant much ba?) ang lakarang nangyari. Daig pa namin ang nagprocession sa mahal na araw sa walkathon. Pero walang choice. Go parin. Nakauwi pa naman ako ng buhay at beautiful. Uulitin ko, wag nang umepal. Blog ko itey. Henyways yown nga ang major event na nangyari sa aking Sabeerday.


Nga pala nanood ako ng Kungfu Panda 2 last Sunnyday. First time ko sa IMAX kaya para akong timang na umiilag ilag sa mga cannon balls. Sorry naman, first time eh. Kahit labag sa kalooban ko na naman na gumastos  ng tumataginting na 400 peses para sa sine eh go nalang ako. Kasi isa po akong mabait kaladakarin na human being. Pero sulit much naman ang panonood, dapat sulitin kasi mahal. Super nakakatawa at umaalog alog sa kwela si po. Wala na akong picture sa sine, mahirap na mapagkamalang pirata. At yown ang aking weekend excapade. Sige bye!