Wednesday, June 6, 2012

KM3: Tinig (Adik)


Iniabot sa iyo ang pinapangakong kapirasong langit at ito'y walang pagtanggi mong kinuha

Hithit buga...hithit buga...

Daglian mong mararamdaman ang tama ng opyum, dala ng dayuhang kumikinang sa kalaliman ng gabi.
Iindak kahit puro kaliwa ang mga paa at aawit kahit wala sa tono. Liliban sa mga pangakong iyong isinumpa sa harap ng bansag mong watawat. Magiging sugapa at lunod sa kinang ng makabagong bagay
Ikaw ay mananatiling idlip, lulan ng panaginip na sa dako paroon may kasaganaan at walang pagdaralita
Ika'y lilisan sa katotohanan at sa tayog mo ay hindi ka na lilingon pang muli, at ang iyong dunong sa banyagang kalinangan ay magiging matatas.

Hithit buga...hithit buga...

Unti-unti Ika'y magiging isa, sa hulmahan ng lipunang balot ng ganid at mapanghusga. Sa saliw ng bagong himig ika'y iindayog, dahil ito ang magdidikta ng katumpakan at balikuko. Natatanaw, nasasambit, naririnig ang sigaw ng iyong lahi. Ngunit pilit mo itong ikukubli 

Hithit buga...hithit buga...

Uulit ka hanggang sa ika'y dalhin sa panandaliang kaluwalhatian. Daloy ang libog at halinghing ng bagong pakiramdam, Ika'y papalaot sa hibang na estado. May piring ang mga mata, busal ang mga bibig, at takip ang mga tainga. Walang bulong at wika na makakapukaw sa taong lunod ng banyagang impluwensiya at animo'y anino lang ang nakagisnan at lupang sinilangan. Ika'y nabubuhay sa panibugho at pagpapanggap 

Hithit buga...hithit buga...

Sino nga ba, sino ang tagapagligtas sa ligaw mong lahi? Mga kabataang nagwewelga, mga guro ng kasaysayan at panitikan? O mga dalubhasang batid ang sinauna? 

Hithit buga..hithit buga...

Wala na bang lilingap sa iyong pinanggalingan? Wala na bang hahango sa tinig na pilit pumipiglas sa iyong kaibuturan? May bukas pa nga ba? Nauubos, nauupos.
At tangan ng usok at tuluyang upos ang namumutawing tinig.
Sa kadiliman ay may siwang ng pagasa...kung saan nagmumula, yan ay hindi tiyak

Hithit...bug...





****************************************

Unang subok at sabak sa Kamalayang Malaya ni Ser J Kulisap. 

Once again nagmental hemorrhage na naman me...Kainaman nomon!!!







Saturday, June 2, 2012

asdf day

Staring blankly at the empty space. Umeemo?  


Titipa ng sandali tapos spaced out uli, hanap ng mga salitang pwedeng ilarawan sa mga nakaraang events chuva. 


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Hinto, magiisip, recall, tapos backspace. Ang dami kong gustong ikwento pero  hanggang ngayon eh nakatitig parin ako sa kawalan (wow lalim). Nang magsawa kinuha  ang remote at sabay on ng TV. TV kong surplus, mga Php 2000 lang yung binebenta sa mga Korean Surplus ekbang. Ayos naman, hindi man flat screen pero umaandar, minsan nga lang eh rich na rich ang color kahit e adjust ko ng pagkabongga ay by default bumabalik din. Ayun, pa lipat lipat ng channel. Nga pala paborito kong channel yung TLC, halatang gala at matakaw. Pangit ang palabas, lipat na naman. Wala lang, at random hihinto tapos lipat uli. Ay putek muntik ko nang makalimutan nagsusulat nga pala ako. Harap uli sa laptop.


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Parang nakakagutom mag-isip. Magbubukas ng chichirya at kain muna. Lilipat ng tab tapos stalker mode sa efbee.
Ay si ano may asawa na, si chuva may anak na, si chenelyn nasa abroad na pala. Sige kayo na, kayo na ang may progress sa buhay at ako na ang dakilang corporate slave sa putahan, hindi naman yumayaman. 
Tumawag kanina yung close friend ko noong college, ayun kamustahan hanggang sa ipamukha na naman nya sa masaklap kong eventless life ang mga tanong na "so nagasawa ka na?" Epic! Gusto kong sumigaw ng "PLEASE KILL ME NOW!" na dahan dahang lumluhod with matching rain. (drama?)  Excited? May priority number ba ang pagaasawa koyah? Nagmamadali? 
Tapos hihiritan ka ng "nakita mo anak ko, ang cute diba? mana saken...blah..blah..blah" Gusto ko na namang laslasin ng kutsara ang pulso ko sa hinlalaki. Tatawa nalang ako, pero deep inside nadudurog na me! At natapos ang aming conversation with me saying "ah sige na, matutulog na me"


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Ay ubos na pala ang chichirya. Ilang kilong betsin na naman kaya ang nadagdag sa pagkain ko neto? Ah ewan. May download nga pala akong movie kanina, panonoorin ko na kaya muna 'to.


(After almost 2 hours)


Nakanang, susulat nga pala ako ng kwento. Nakwento ko na ba sa inyo na sumakay ako ng Ferris Wheel? Pag may pyesta, may perya. Hindi talaga ako mapagpatol sa mga ganyan sa mga kadahilanang (1) marami ng nabalitang nadisgrasya sa pepetsuging rides (2) mas mauuna akong mamamatay sa tetanus dahil sa kalawang, at (3) papaubaya mo ang buhay mo sa isang tao na ang alam lang sa ganito eh pindotin ang buton para umandar ang  tila higanteng scrap metal na tinagpi-tagpi para tawaging "ride", imbes na kumalikot sa makina at siguraduhing ligtas at buo ka pa. Pero dahil sa udyok ng mga kaibigan at for the sake of camaraderie shit eh for the pers time sumakay ako. Sa totoo lang, nang inabot ko ang aking bente pesos para pasokin ang maari kong tawaging "last ride of my life"  ay para ko na ring pinaubaya sa lahat ng lamang lupa at bathala ang aking buhay. Lahat ng rides bata man o matanda 20 pesos lang. Samakatuwid twenty pesos lang din ang halaga ng buhay ko. 


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Ay bago ko makalimutan, meron na nga pala ako neto...




"Yes, may valid ID na me. I'm such a valid person like that!"

^_______________^  *Happy Dance!*





Friday, May 25, 2012

First Time


"Sure ka na ba Babe?" 

"Oo, yata?"

"Pero bakit may doubts?"

"Syempre matagal ko rin 'tong pinag-isipan"

"Kung hindi ngayon eh kelan?" 

"Ewan?" 

"This is the perfect time, ano ka ba?"

"Natatakot ako Babe"

"Bakit naman?"

"Baka kung may kung anong mangyari?" 

"Trust me ok lang yan, ako bahala" 

"Ikaw bahala, tapos ako kawawa?"

"Ok lang yan!"

"Kinakabahan ako eh"

"Sa una lang yan"

"Sure?"

"Andito na tayo, aatras ka pa ba?" 

"Ewan, bahala na!"

"So ready ka na?" 

"I guess this is it"

"Walang atrasan?" 

"Oo, walang atrasan!" 

"Ready?"

"Ready!" 























"SUPER MAN AKOOOOOOOO!!!!"




Magjowa na nagbubungee jumping. Hehehe 

**************************************************
Happy Weekend Eblibodeh! ^________^







Sunday, May 13, 2012

To the person who supplied the ova and where I got my XX chromosomes

^_____________^


"Ayaw jud na awaya si Tabian, anak raba na ni Noemi" 
(Wag nyong awayin yan si Tabian, anak yan ni Noemi)

Walang panama kahit ipagsama ang Avengers, Tulfo brothers at Backstreet boys(?) sa bagsik niya. Daig si Claudine, Raymart at Floyd Mayweather sa tapang. At kung lahat nalang inaangkin ng China,pwes, hindi pwede yan sa kanya. Sa aking hulmahan, ang original sa carbon copy kong mukha, at sa aking super duper #1 fan...

To the person I owe my existence...

I You Berimats Mang!
(more than the size of the Super Moon)


Happy Mother's day!!! 


Monday, May 7, 2012

Bente



Ginawa na ni ser Bino, Lio, Salbe, Khanto at marami pang iba. At eto dahil sadyang wagas akong inggitera eh gumaya na rin ako. 

  1. Sorry at sort of kinda hindi ako nagpaparamdam sa inyo. Hindi ko lang kasi gusto ang feeling na namimiss ko kayo ng bongga. Nga pala, reminders lang, wag na kayo mag LQ, cat fights at bangayan kasi kayo nalang dalawa dyan. And also hindi na kayo teenagers, ok? 
  2. Alam mo may anak ka na, sana naman maging mature ka na sa mga decisions mo. Hindi na ako magbibigay ng payo sayo tungkol sa kung papano mo palakihin ang anak mo, or paano mo ihahandle ang family mo. Sayang lang kasi, pasok sa kaliwang tenga, labas sa kanan. Pero andito lang ako, aalalayan parin kita kahit papaano.
  3. Ay naku, bakit ang choosy mo sa trabaho? Nakagraduate ka nga pero ano ka ngayon? Dakilang tambay. Tapos sasabihin mo saken na tulongan kita? Pick your own a** and move! 
  4. Oi why oh why ka nga ba nagbago? Parang hindi na ikaw yung close ko before, hindi ka naman ganyan noon ah. Ngayon parang kung naguusap tayo feeling mo lage eh competition ako sayo, hindi naman ako nakikipagpataasan ng ihi. Kung may pinagdadaanan ka sana sabihin mo, hindi ako si madame auring na pwedeng hulaan yan. Sayang naman ang mga taon na ok tayo. At gusto ko lang klarohin, hindi mo kakompetensya ang mga bago kong kaibigan. Walang ganun, hindi na tayo bata.
  5. Salamat nga pala at iniintindi mo si #4. Kung pwede ko lang sana hatiin sarili ko para may time ako sa inyong dalawa, why not diba? Pero siguro mas naeenjoy ko ang company mo kasi we don't consider ourselves to be rival but more of friends. Dahil din sayo na realize ko na marami pa pala akong pwedeng gawin kahit healthy me! hehe
  6. Masaya ako na ok ka na ngayon. Wag na magcomplain, part yan ng trabaho. Just be thankful dahil lagpas ka na sa part na walang keme kang inaalila ng dati mong company. Your Domina is so proud of you!
  7. Nasa listahan na kita ng torture victims ko. Pasikat ka masyado, wala ka namang alam. Nagtataka ka pa kong bakit ang taas ng attrition, tanongin mo kaya sarili mo. Tinatanong mo pa ako kung bakit hindi na ako #1 sa ranking, hello? Demotivated na lahat ng agents, negative pa scripting mo. Nag leadership training ka ba talaga o tulog (as always) ka noong dinidiscuss kung paano ihandle ang mga tao mo? Kung madali lang sana lumipat, ginawa ko na.    
  8. Masyado kang affected sa maraming bagay. Siguro pwede na kitang tawaging hypersensitive, dala ba yan ng edad? Sayo ko na realize kong gaano ako ka galing na listener, puro kasi tungkol sayo ang kwento eh. Yan yung isa sa mga reason kung bakit hindi ako masyadong sumasama sayo, kahit pa may kotse ka at libre mo 'ko lage. Nakakarindi naman kasi minsan.
  9. FYI masaya ako ngayon kahit wala na tayo. Diba may girlfriend ka na? Ba't ka pa nagpaparamdam? Daig mo pa ang multo, daig mo pa ang kabuteng pasulpot-sulpot. Sana naman maintindihan mong ok ako at ayaw ko ng komplikasyon. 
  10. Dahil hayok ako sa morbidity, pinapagpapantasyahan talaga kitang binubunot ang ngipin ng pliers isa-isa ng walang turok na anesthesia, ginagamitan ng blue torch yung mata mo at dahan-dahang ginigilitan ng kutsara yang liig mo...Pero noon yun. Alam ko masaya ka na ngayon. Good for you, hindi mo rin naman ako mabibigyan ng magandang lahi eh. So quits lang!
  11. Ayusin mo na muna kaya ang buhay mo, saka mo ko ligawan. At sana tubuan ka ng kaonting ambisyon, kasi paniguradong makakatulong ka sa lipunan at sa nanay mong nagkandakuba na sa pagtatrabaho. Naman, ang laki ng katawan mo magbanat ka ng buto.
  12. Hindi laway ang mga katagang "I Love you", na pwede mo lang wisikan kahit na sinong pwede mong mawisikan. Pagsinabi kong hanggang doon lang tayo, hanggang doon lang. Period na yun, wag kang lumagpas sa 1 inch na tinalaga kong linya, utang na loob lang!
  13.  Kung gaano ka tigas ang ulo ni #10 ikaw naman ang kabaligtaran. Ok na ako sa setup naten, no strings attached. Walang pilitan, walang hassle, walang magiging tayo. Ayush! Naeexcite na ako sa nalalapit na trip naten. 
  14. Para akong inahing hindi makapangitlog pag nagkucomment ka sa mga post ko. Minsanan lang pero super kinikiliig ako. Homaygawwd, iniisip pa nga lang kita nangingiti na ako. Eeeeee! 
  15. You never fail to make me smile, ay correction laugh (as in buhakhak) pagnababasa ko ang mga post mo. Kahit sabihin mong walang kwenta pero tawang tawa lage ako sayo. Nga pala wag ka masyado mag self pity, cute ka naman eh. Hindi ako masyadong nagkucomment kasi nauunahan ako ng hiya. 
  16. Inaabangan ko lage ang post mo, kahit napakahaba eh binabasa ko talaga. Walang halong stir tsong, ang lupet mo talagang magsulat. Sana makilala kita in person nang makapagutotang dila naman tayo. Nomo, yes?
  17. Wa pakels ako kahit napagkakamalan na ako ng mga officemates kong sira ulo sa kakatawa sa mga post mo. Oi magsulat ka na ulit. Namimiss ko nang tumawa ng wagas sa mga weirdong kwento tungkol sa mga kakilala/friends mo. 
  18. Minsan iniisip ko kung saan mo pinagkukuha yang kwento mo. Gawa ba yan ng sobrang kalungkotan o sa betsin yan brad?  
  19. Bilib ako sa time management mo. Halos araw-araw may post, nagbobloghop, nagkucomment, EB, at may sideline pang kong anik-anik. Tanong ko lang natutulog ka pa ba? Ikaw na ang hindi nalolowbatt. Apir kayo nung isa pang blogger.
  20. Nagflood ka sa twitter. Na unfollow kita. Don't take it personally. Ok? 
"say hello to my bangs and my spooky face"

Friday, May 4, 2012

Panty po



"once-in-a-blue-moon-moment" 
...at hindi brip ang suot ko
...may matris
...dinadatnan po ako buwan-buwan
...wala akong boypren, eh ano ngayon? 
...marami akong girlFRIENDS
...the last time I checked, lalake pa naman ang gusto ko
... MAM po, hindi SIR!
...hindi ako mahilig mag bestida (tuwing may sapi lang) dahil bukod sa mahangin eh madalas nasisilipan 




Ako si Tabian, once and for all BABAE po ako! 

Thursday, April 19, 2012

Utang





Para sabihin ko sayo, lintik lang ang walang ganti!


Wala akong nagawa ng pinadala ako ng Inang sa Maynila para maging katulong sa tiyahin ko. Pambayad utang daw. Nagkasakit kasi ang Itang, nang lumaon hindi na nya nakayanan ay bumigay na ito.
Si Tiya Mercing ang gumastos ng burol pati na rin pagpapalibing, bilang siya naman ang may kaya. Kaya siguro ganun nalang ang utang na loob ng Inang sa kanya.


Sanay naman ako sa gawaing bahay kung tutuusin, ako kasi ang panganay sa sampung magkakapatid. Kaya ko naman tiisin ang lahat. Pero ang hindi ko maiintindihan ay ang pagtrato sa akin ng tyang.
Wala akong pinagsabihan sa mga masaklap na sinapit ko sa kamay niya. Maraming beses na pananakit at pagpapahirap ang dinanas ko. Normal lang sa isang araw ang ingungud-ngud niya ang pagmumukha ko sa sahig, sampal, at pagpapamukha sa akin na ako'y isang palamunin. 


Nang minsan nga nagpiprito ako ng galunggong ay walang habas nyang tinabig ang kumukulong mantika sa akin. Lapnos ang kanan kong kamay at ilang gabi din akong hindi makatulog dahil sa pinaghalong hapdi at sakit. Naryan pa ang ipagtitimpla ko sya ng kape at pag hindi nya nagustohan ang lasa ay walang pagdadalawang isip na itatapon ito sa pagmumukha ko. Hindi rin nakaligtas ang binti ko sa plantsa, pag may nakita itong konting gusot sa kanyang blusa. 


Higit pa sa pananakit nyang pisikal ay ang mga salitang nag iwan ng sugat sa aking pagkatao.


"Palibhasa, walang alam 'yang nanay mo kundi magparami ng lahi", kanyang tinuran sabay duro sa aking noo.


"Kung tutuusin kulang ka pang pambayad utang. Kung hindi lang sana naglumandi ang pokpok mong lola sa tatay ko ay buo pa sana ang pamilya namin." 




Hikbi at luha gabi-gabi ang tila saksi sa mala malignong trato sa akin ng tyang. Ang mga alaala ng Inang, Itang at mga kapatid ko ang nagpapatahan sa akin sa mga panahong 'yun.At ang larawan ng aming pamilya; ang tanging kayamanang pinakaiingatan ko. Pilit itong iniipit sa lumang aklat ko sa panitikan. Ang una at huling aklat na aking hiniram sa silid-aklatan. Ang una at huling paalala ng aking murang isipang nangangarap na makapagtapos sa pag-aaral. Sabi ko sa sarili ko, na isang araw ay makakaalis din ako sa empyernong lugar na ito. Balang araw ay magkakasama kami ng aking pamilya.


Dahan dahan akong dinala ng aking himbing na tulad ng saranggolang lipad sa kalayaan ng ulap at langit; na kahit man lang sa panaginip ay hindi ko maramdaman ang sakit. 


Kinabukasan, nagising ako sa kalabog at sigaw ng tyang.


"Hoy batugan, gising!" 


Binuksan nya ang aking nakakandadong silid, lumapit sa akin at hinila ang aking mahabang buhok. Kinaladkad ako ng tyang palabas, tinulak sa silyang malapit sa hapag at tinadyakan sa may baywang. Hindi ko mailarawan ang sakit sa mga pagkakataong iyon. Napaluha nalang ako at nagmakaawa.


"Tyang tama na po." ang aking nasambit.


"Anong tama na? Alam mo bang nasisante ako sa kagawaran dahil sa katangahan mo?" 


"Bwesit kang bata ka, kahit kailan malas ka talaga...malas kayo ng pamilya mo!" kanyang sigaw.


"Wala naman po akong ginagawa tyang" mahina kong sagot.


Nanlilisik na ang kanyang mga mata at umaapoy sa galit.
Hindi pa nakontento at hinambalos pa sa akin ang tsinelas nya. 
Hindi na rin ako nakailag at lumagapak ito, sapol na sapol ang aking pisngi.
Pilit kong sinangga ang kanyang mga hampas at sabunot pero mahina na ang aking katawan. Buhat na rin siguro ng mga pasa at mga sugat ng nakaraang araw na pagmamaltrato nya sa akin. Nagpaubaya nalang ako sa kanyang pananakit hanggang sa sya'y mapagod. Kinuha nya ang silyang malapit sa kanya at ito'y naupo. Hingal ngunit patuloy parin sa pagbulyaw. 


Naramdaman ko nalang na may mala likidong dumaloy sa aking ulo. Kinapa ko ito at tinitigan. 


Dugo. 


Nagdilim ang aking paningin at ako'y nawalan ng ulirat.




Gabi na nang ako'y magising. Tahimik ang paligid, pero parang may kakaiba sa akin at sa kung saan ako nakahiga. Sa kabila ng sakit ng katawan ay bumangon ako para siyasatin ang aking paligid. Pilit kong inaaninag ang lugar kung nasaan ako.


Malawak at luntiang damuhan, mga puno, mga kuliglig at kulisap na may kislap sa puwitan. Nasaan ako? Tanong ko sa aking sarili. Napansin kong nanlilimahid ako sa dugo at may palang dala. Paglingon ko sa di kalayuan may nakita akong hukay, nilapitan ko ito at sa gulat ay nabitawan ko ang pala.


Ang tiya Mercing ko, nasa loob ng hukay at punong puno ng dugo. 
Pilit kong inalala kung ano ang nangyari, kung bakit ako nasa lugar na ito at patay na ang tyang. Ni sa hinuha ay hindi ko akalain na aabot ng ganito. 




"Ano pang hinihintay mo dyan? Pasko?" sabi ng pamilyar na boses. "Tabunan mo na yang hukay!" dagdag nito. 


Lumingon lingon ako para makita ang pinagmumulan ng boses, ngunit isang anino lang sa kalapit na puno ang aking naaninag. 


"Wala ka nang dapat ipangamba. Tinapos ko na ang paghihirap mo" 


Pamilyar talaga ang boses, sigurado akong narinig ko na ang boses na 'yun. Dahan dahang lumapit ang anino, palapit sa aking kinatatayuan.


Isang hakbang, dalawa, tatlo...


Hanggang sa masilayan ko ang tila bayani na nagligtas sa akin. 


Siya'y may mahabang buhok at nakabestida na pamilyar din. Malabo ang kanyang mukha, kaya ako'y humakbang palapit sa kanya. Nahulog ang aking panga sa gulat.


Nakita ko ang isang babaeng duguan ang ulo...


Nakita ko ang aking sarili. 


Ako ang pumatay sa tiyahin ko. 


Ako. 


Tinapik ako ng lalaking naka asul na uniporme. 


"Inaamin mo nga talaga na ikaw ang pumatay sa tiyahin mong si Mercedita Concepcion?" kanyang tanong.












Nakatungo akong nakangisi. 




**********************************
Susme, dugo dugo gang na naman ako sa pakontes chuvaness na itey. 
Ito ang aking munting lahok sa Bagsik ng Panitik ni Ser Bino. 

Wednesday, March 28, 2012

Pansin mo rin ba 'to Mark Zuckerberg?


   

Am back, balakubak! Nakapag muni-muni me ng ilang araw at eto natagpuan ko na ang aking sariling bait. 
For this post hahalukayin ko ang mga napansin, napuna at mga nakakapag init bilbil na gawain ng mga nageefbee (Facebook). 


  • FB MasturbationSelf Help. Status mo, like mo, comment mo. Ewan ko kung deprived ba sa attention o sadyang forever alone ang peg nila. Hindi ba pwedeng hintayin na may pumansin sa status? Atat lang ang show teh? Utang na loob, nasa feed po kayo. Chill! Meron at meron ding papansin sa change of status nyo, kung wala, malamang sa alamang eh di type ng board of judges. 
  • Gratitude to the Nth level - Thanks sa Like. Pamilyar ba sa inyo 'to? Ohmayfreaknsonofabitch! Ang lagay eh kung may 69+ na nag like sa status/post/picture na ipinaskil sa pader nila eh pasasalamatan talaga isa-isa. At ang matindi iisa-isahin nila itong pasasalamatan sa comment section. Ok lang naman magthank you eh, pero parang over naman siguro kung iisa-isahin pa. Siguro kung isang libo ang nag-like ay good luck nalang sayo ne! 
  • Narcisso y Narcissa - Me, myself and I. Isang buong album na walang ibang laman kundi ang sarili nila. Oo alam ko may picture ka, malamang , sayo yang account na yan eh. Pero dalawa, tatlong album na puro pagmumukha mo? That is overly disturbing. Magsisimula sa subtle na smile, tapos susundan ng peace sign sa kanan, peace sign sa kaliwa, kita ang ngipin, nakadila, nakadilat, nakapikit... and the rest is yet to follow. Paniguradong mauumay kahit yung patay na patay sayo, at malilito ang mga kaaway mo na gustong gamitin ang picture mo para ipakulam ka. 
  • GPS Personified  Chuva at Quiapo, Chenelyn at Timbuktu. Kesehodang nasa banyo sila at naglalabas ng sama ng loob, o nasa palengke at nakikipagtawaran sa isang kilong kamatis eh updated ang mga friends nila. Wala na yatang panama ang tracking device at ang larong taguan sa kanila eh.  
        Sabi nga ng Idol ko: 
"Wala kaming pakialam sa kung anong kinain mo o kung saan ka nag check in, kaya wag kang mag post kung nasaan ka o kung anong ginagawa mo..." - Lourd Ernest de Veyra (Word of the Lourd) 
  • Virtual PDA - I miss you na cupcake. I love you talaga Buko pie. See you later peanut butter. Once, twice, a few times ok lang nakakakilig ng hypothalamus. Pero araw- araw? As in everday, at sa isang araw eh hindi lang isang beses, MARAMING wall to wall posts yan. May kilala nga ako, living in sila pero ginagawa nila ito. Kamusta naman yown? 
  • Hole in the Wall - P*tangina magbayad ka ng utang mo! Hoy wag kang lumande, may mga anak ka sustentohan mo naman. Totoong nabasa ko po yan sa wall ng isa kong ka pesbok. Walang keme at walang habas na ipapaalam sa madlang social networking site na ikaw ay isang low life creature. Sa kabila neto, alam nilang may haters sila pero hindi mahanapan ng panahon(?) siguro ang pag disable ng comments or block ng members. 
  • The Panty/Brief Syndrome - Ham and cheese for breakfast so saya talaga, after 5 mins... I love my new soap Perla,  after 10 mins...Look oh, Bantay is making tahol the kapitbahay. Kung makapag change ng status eh parang panty/brief lang daig pa ang mag ekis na may 3 month rule. Para ka lang nakasubscribe sa 2366 dahil sa updates ng buhay nila. Sila na ang celebrity. 
  • YMer - Subtle ang mga moves ng mga ito. Kucomment ng pa isa-isa, ikaw naman sasagot sa comment nya hanggang sa humaba na ang usapan nyo. Ayan na, biktima ka na ng ginagawang YM ang comment section ng  post. Sa pagkakaalam ko may chat naman at personal message ang pesbok, diba? Baka hindi na orient si neneng/koyah. Baka nga naman. 
  • Kumokota Kinabalo -  " To be loved is divine, to love is expensive" (Mang Kepweng). Sila yung mahilig mag status ng Quotes or pictures na may caption shit. Yung tipong may ma e status lang. Tapos combo pa ng The Panty/Brief Syndrome.Tsk...tsk...tsk...Now that is getting painful. 
  • The Gamer/Apper - Skemberlalou Invited you to play Tumbang Preso. Enday Invited you to try Chinese Garter. Wala kang kahilig hilig maglaro ng games or gumamit ng application na yan pero panay parin ang send nila sayo. Sabagay baka nga naman may mapagpatol. 
  • Tag you're It - Alam nyo na 'to. May ok levels naman minsan, yung mga group pictures na kay gandang pagmasdan. At syempre may mga please-kill-me-now larawan, na para sayo eh sana binaon nalang sa center of the Earth. Sama mo na ang nagtag sayo. Putek! Madami ako neto. 

 Yan po ang aking nasagap sa aking pagninilay-nilay. Minsan guilty din naman ako sa iba sa mga ito. Bottom line, anything in moderation is fine like that. (Gumaganown?!) May buhay sa labas ng social networking site, at mas masaya yung mga kaibigan na personal mong nakakasama. Charus! 

Tara tagay?! 

Thursday, March 15, 2012

Ako'y nabubuhay sa instant pag naubos na next cup uli

   Sabi sa Census pag ang blogger daw eh walang post ng ilang araw ay 90% busy, 9% ay gusto ng magsara ng datnet at 1% eh sadyang sabaw lang ang utak. Syempre gawa-gawa ko lang yung census shit na ito. Pero ilang araw din akong nag attempt na magsulat pero hanggang unang paragraph lang talaga ang nakaya ng utak ko hanggang sa na ipon at ito na ang resulta. Oh yes nahulaan mo, isa nga itong random walang kwentang post. I'm so busy like that lang talaga. Arte?  
Sinisimulan ko na magayos ng aking mga papeles de chenes para maging ow-effing-dobo-you na me. Sana swertehin ng bongga. Pero syempre may back up plan, kung hindi man matuloy eh siguradong magreresign parin ako sa putaness na corporate slaving job na itey. Ang daming revisions silang ginagawa, ayun tumaas tuloy ang attrition at ang blood pressure ko. Di nga nagmahal ang kape sa vendo pero kung hindi walang sugar eh wala namang cream. At kung ikaw ang tinamaan ng kamalasan sa araw na yun eh hot water lang ang sa iyo. Oha, oha! 
   Ang babaw ba? Pero sa totoo lang hindi na me happy, wala ng career growth. Puro weight gain nalang, nasisira tuloy ang aking figure. Charot!
   Dahil sa naadik na akong magtravel gusto ko na syang gawing official as in yung tipong yun lang gagawin ko. Mala Andrew Zimmern at Anthony Bourdain ang peg, kagagawan talaga to ng cable TV eh. At sa sadyang ako ay wagas na inggitera, yun ang naging aking back up plan. Gusto ko yung tipong solo backpack chuchu para gorabells lang sa kung saan. Pero magiipon muna me ng maraming maraming anda at lakas ng loob para maisagawa ito. 
 Sabi ng nanay ko mag asawa na daw ako, pero hindi ako nagpapaniwala sa kanya kasi me pagkabalimbing bipolar yun eh. The next statement na sasabihin saken ay wag muna akong magboypren. Ano ba talaga Mang?! Make up your mind! 
 Chosera ng nanay ko,kong makahirit parang menor de edad tuloy me. 
Ayoko pa mag asawa, ang dami ko pang gustong gawin, ang tayog pa ng mga pangarap ko parang chocolate hills like that. 
 Wapakels parin ako sa Corona Trial na yan, kahit nga showbiz eh hindi ako updated yan pa kayang mga politicians na pasikat lang ang kaya. Naalibadbaran din ako sa mga custome nilang kurbata. Di kaya nagpapawis na parang waterfalls ang kili-kili nila paglabas ng senate? Ok, again wapakels.
 Nagugulumihan ka na ba kung saan patungo ang post na 'to? Ah eh pwede mo nang pindotin yung pulang ekis sa kanang bahagi ng browser. 
 Wala talagang chain of thought, promise. Kung anong lumabas sa nagjajakol kong utak yun lang isasalitype ko. 
 Manonood nga pala kami ng Corazon mamaya, nahehexcite na me ng bongga. Ilang araw na rin akong nanaginip ng ka aswangan dahil sa pelikulang yan. Putek! Talagang nagigising akong pawis na pawis kasi pinapanaginipan kong hinahabol ng kung anong maligno. 
 At dahil sa mapagpatol ako sa kung ano-anong shit, sinubokan ko talaga yang Selecta Magnum na yan. And therefore I conclude para lang syang pinasosyal na pinipig na kemahal-mahal. Sinayang ko talaga ang 50 pieces ko at ang effort na pumunta sa suking tindahan. 
 Sa araw-araw na ginawa ni Papa Jesas paulit-ulit na talaga ang ginagawa ko, nakakabagot na. May mga gabing kelangan kong hilahin ang sarili ko para magtrabaho. Yung tipong seriously-now-drag-me-to-work na ako. 
 O cia ayokong magspread ng negativity sa blogasphere, tinakasan na naman ako ng bait papaclassified ads pa 'ko baka sakaling mahanap ko sya.


Ciao! 







Thursday, February 23, 2012

Kung hindi pa tumalbog ang beauty ni Dora dito ewan ko nalang.

        
     So how do you start a travel blog? Initially you go to a place, take some pictures and blog about it. 
Yun ba yown? Chos! Ayaw ko magpakapormal, masakit sa bangs at sa sunburn ko. O cia simulan ko na ok? Saan na naman ako dinala ng aking makakating paa? Dyan lang sa tabi-tabi, mga 15 minutes lang...NOT! 15 minutes and 6 hours. Destination kamo? Carnaza Island. Google nyo, at kung tinatamad kayo eto pakiclick  nalang HERE at HERE! Ang liit ng picture noh? At ang konti ng description sa Wikipedia. 


So nang sapian kami ng makapangyarihang espiritu ni Dora, gora agad! 


"Borlog ang show!"
   Ah sorry, pero hindi pa po yan ang isla. On the way pa lang yan. Kamusta naman na galing shift eh derecho agad sa destination? So yan po ang resulta. Umalis kami ng mga past 12 noon. Sumakay ng bus for grueling 4+ hours. Sakit sa pwet pero dapat GV parin. Akala nyo yun na, but wait, there's more!


"Row, row, row your boat...kunyare hindi nerbyos!"
  Sumakay pa kami ng pumpboat para makarating talaga sa mismong isla. Take note, sabi ni ateh na kasama namin sa bangka di pa daw maalon ng time na yown. Pero 'nak ng bakang baog men, halos lumipad ang bangka sa alon. Mga 2+ hours din kaming nagkunyaring cool. Hehehe


Gabi na ng dumating kami. 


"oha...oha!"
 Pagdating namin nagsetup kaagad ng tent, nagluto, bonfire at tumagay ng konti. Panindigan ang outdoor outdooran show! 

The next day...





 Pero bago maglamyerda sa isla...


"lafang muna"


  Kami na ang nabubuhay sa instant! Magiging choosy ka pa ba? Kelangan ng energy para sa wagas na beach bumming. Pagkatapos lumamon, eh naghanda na sa umaatekabong bilaran sa araw. 


"Hello Beach!"

  Pumunta kami sa kalapit na islang tinatawag na Lamanok. Wala naman talagang manok doon pero according to folkloric ekbang eh pinangalan daw yun sa isla kasi kahit hating gabi may tumitilaok daw na manok, again wala namang manok. Eeeeeee! Pero kebs lang may araw naman noong pumunta kami eh. 
create a gif
"yes, hindi kami excited"

 At oo ang laki ng space na naooccupy ko sa picture. Ako na ang healthy much, putek!


And the fun goes on!



"the tsunami walk...pak!"

"ang walang ka gasgas-gasgas na jumping shot"
And again, ang layo ng naabot ng talon ko. Gravity men, gravity!!! 

"now spell Pagod?"

Naumay na ba kayo sa beach cam  whoring namin? Ok, para maiba nag side trip kami sa isang mountain at inakyat namin ito para masilayan ang sunset. 


"Good friends + Beautiful place = FUN"

   Ang dami ko pa sanang pictures pero parang nagiging photo album na itong blog ko. 


gif maker
"Because we take BEACH BUMMING seriously and FUN to greater heights!"


"Wagas"

So ano, sama ka sa susunod? 

Tuesday, February 14, 2012

Bumabalentyms

Dear Palangga,


            Happy Balentyms day! Nagulat ka ba? Kasi alam mo naman hindi ako makeso so this is me being sweet. Salamat nga pala sa pagtext kanina. Ang aga mo pa talaga gumising para ma greet ako. At hindi ko talaga expected na may flowers na ihahatid dito sa office. Nahiya ako at the same time kinilig kasi kinantyawan ako ng mga office mates ko. Sorry nga pala at hindi ako nakaleave para sa special day na ito, alam ko inaanticepate mo na magkasama tayo buong araw. Alam mo naman dito sa office ngayon OA pa si boss, pasikat kasi. Pero babawi ako sayo, promise yan itaga mo man sa likod ng housemate mo! 
Pero sa totoo lang hindi naman natin kelangan e celebrate ang araw na 'to kasi everyday is valentines with you. Charus! Eto ang pamatay kong hirit. Siguro sa isip isip mo sinasapian na ako, ganoon lang kita ka mahal. Nagiging  horny korni ako. 
       Ang saya saya lang kung kasama kita, para tayong mga baliw sa mental, may sariling mundo. Salamat nga pala sa pagsama mo sa akin lage sa mga galaan at kung ano anong katopakan na maisip ko. Game na game ka lage. Alam ko iba ang time zone naten kasi pang gabi ako tapos ikaw pang umaga naman ang trabaho, pero pinipilit mo parin ipagkasya ang oras mo para magkasama tayo. Ang galing lang ng time management mo, di tulad ko, alam mo na. 
      Salamat din sa pag accept mo sa aking short comings, talagang ganito talaga siguro pagpinapanganak ng Pebrero, wagas ang topak. Nang nagpadagdag ako ng tattoo imbes na umayaw ka eh sinuportahan mo pa talaga ako, ang swerte swerte ko lang talaga sayo. You've accepted me for who I am and now I am a better person with you. Cliche man pakinggan pero you always bring out the best in me. Ansaveeh? Wagas na naman ang aking pagkabading, salamat at tanggap mo din yun.  
   Sa mga panahong kelangan ko ng cheerleader, andyan ka. Sa mga panahong gusto kong tawirin ang mahirap na daan hawak mo ang kamay ko at hindi ka bumitaw. At sa panahong andyan ka lang at nakikinig, maraming salamat. Kumokuta na ata ako sa salamat, pero hindi ako magsasawang sabihin yun. At syempre ang walang puknat na haylabyuberimats! 
   
    See you later palangga! Humanda sa umaatekabong boom boom pow! 


Haylabyuberimats! Mwah, mwah, mwah, tsup, tsup...

Chudamax na naghahaylabyu,
                                                                                                                          Tabian

**********************************
Chos lang! Wala naman akong pagbibigyan nyan, trolling on balentyms day, kasi single. 

Happy Balentyms sa mga may ka harotan, sa mga single Happy Independence/Single Awareness day sa inyo!